P492-M LOAKAN AIRPORT REHAB SUPORTADO

baguio

(NI NOEL ABUEL)

SUPORTADO ng ilang senador ang plano ng pamahalaan na paglaanan ng malaking pondo ang rehabilitasyon ng Loakan Airport na magbibigay rin ng magandang pagkakakitaan ng mga residente ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Senador Sonny Angara, malaking tulong ang P492 milyong pondo na ilalaan sa pagsasaayos ng nasabing paliparan upang makadagdag na tulong sa negosyo at kabuhayan ng mga naninirahan sa Baguio City.

Idinagdag pa ng senador na maliban sa kilala ang Baguio City bilang Summer Capital ng bansa ay mahalaga rin na malaman ng marami na ang nasabing lungsod ay mahalagang urban center sa Cordillera kung kaya’t hindi dapat maiwanan sa itatayong infrastructure program ng pamahalaan.

“Hindi dapat maiwan ang Baguio City sa mga programang pang-imprastraktura ng national government, lalung-lalo na ang Loakan Airport, dahil malaki ang maitutulong nito upang lalo pang yumabong ang ekonomiya ng siyudad,” sabi ni Angara.

Kaugnay nito, nagpaalala rin ang senador sa kinauukulan na tulungan ang mga maapektuhang residente sa naturang proyekto.

“Dapat ay isaalang-alang din ang mga residenteng maaapektuhan. Dapat ay kasama sila sa plano ng pag-unlad,” dagdag pa nito.

162

Related posts

Leave a Comment