PEACE TALKS MULING BUBUKSAN

duterte

(JUN V. TRINIDAD)

POSIBLENG muling magsimula ang usapang-pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at mga komunistang rebelde.

Noong Biyernes ay nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas pa ang pinto para sa pagpapatuloy ng peace talks na ipinatigil niya noong Nobyembre 2018.

“Hindi mo pwedeng sarhan (ang pinto). Mag-iwan ka talaga maski maliit. So meron diyan, sabi ko ‘sige basta walang coalition (government),” ang wika ni Duterte sa Pili, Camarines Sur.

Kagyat namang pumalakpak si Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa pahayag ni Duterte.

“Kailangan ng magkahiwalay na usapang pangkapayapaan upang maging magkaibigan at maging magkabalikat alang-alang sa sambayanang Pilipino na nagnanais ng pagbabago sa lipunan para sa matagalang kapayapaan,” ang pahayag ni Sison sa Utrecht, The Netherlands matapos na mabatid ang deklarasyon ni Duterte.

Tinatanggap at pinuri ni Sison ang pahayag ng Pangulo na muling ituloy ang peace talks.

Binigyang diin naman ni Fidel Agcaoili, ang chairman ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na nanatiling bukas ang mga komunistang rebelde sa pagpapatuloy ng peace negotiation sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Ang NDFP ang kinatawan ng mga rebelde sa peace talks simula pa noong 1986.

Hinikayat ni Agcaoili ang pamahalaan na simulan na nila ang hakbang para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.

 

138

Related posts

Leave a Comment