Natuloy din ang lunch namin sa bahay ni Sylvia Sanchez, kasi matagal na niya akong niyayaya na kumain sa kanila para matikman ko pa ang ibang luto niya.
Sa totoo lang, ang daming luto ni Sylvia na masarap talaga.
Kaya naman proud talaga siya na napapakain niya nang bonggang-bongga ang mga anak niya.
Kuwento nga niya, hindi raw sanay ang mga bata na walang pagkain sa pantry.
Minsan daw kapag sunud-sunod ang taping niya, bina-viber daw sa kanya ni Ria Atayde ang kuha sa pantry na wala ng pagkain.
Kaya araw-araw parang fiesta sa bahay nila sa dami ng mga lafang!
Kahit nga ibang artista, mga co-stars niya sa Pamilya Ko, pati mga kaibigan niyang endorsers ng Beautederm nakikikain sa kanila minsan.
Ang isa sa pinaka-type ko na pinakain sa amin ni Ibyang yung tacos nila na ang sarap nang pagkagawa ng taco nila.
Kuwento nga niya, isang upuan lang daw nakakaubos daw si Luis Manzano ng labing-apat na tacos.
Ang sarap din ng adobong posit na gawa rin niya.
Ang napansin ko rin sa tabi ng mesa nila, may tanim sila sa loob ng lettuce at pechay na doon na siya kumukuha ng inuulam nila.
Kaya bilib talaga ako sa pagka-nanay ni Sylvia na kahit ang daming ginagawa, tinitiyak niyang may nakakain ang mga anak niya pati ang mga anak-anakan niya sa showbiz.
Proud nga siyang kinukuwento sa aming ang ganda ng samahan nila sa soap nilang Pamilya Ko.
Parang mga anak na raw ang turing niya sa mga anak niya roon na lahat daw sila may Christmas gift sa kanya.
Kaya naintindihan ko kung bakit si Sylvia na minsan ang sumasagot sa isyu nina Arjo at Maine dahil siyempre nanay siya.
Nilinaw din naman ni Sylvia na hindi siya nagpiprisintang interbyuhin siya tungkol sa dalawa.
“Natatanong lang naman ako Nanay. Siyempre sagutin ko.
“Pero ngayon, ayoko na talaga magsalita. Kahit anong pilit sa akin na sagutin yung mga hashtag nila, ayoko na talaga.
“Masaya naman sila at nakikita kong nagmamahalan sila. Iyun naman ang importante,” pahayag ng bida ng Pamilya Ko.
Natanong na nga si Sylvia kung ano ang masasabi niya sa sinabi ni Maine na open naman daw siya sa kasalan kung doon hahantong ang relasyon nila ni Arjo.
Bakit nga naman daw siya papasok sa isang relasyon kung hindi siya siseryoso?
Ako na nga ang sumagot na pareho naman silang nasa edad na kaya ano pa bang masasabi ni Sylvia.
Mag-30 na raw si Arjo kaya okay naman daw si Sylvia kung isang araw magpapaalam na sa kanya ang anak niyang pakakasalan na si Maine.
Yun na!
oOo
MAS GUSTO NI POPS ANG MAGING PRODUCER KAYSA SA MAGING CONCERT QUEEN
Gusto pa rin daw ni Pops Fernandez sa production at hindi pa naman daw
masasabing niri-revive na niya ang kanyang singing career.
Siya kasi ang producer nitong Valentine concert nila ni Martin NIevera na Two-gether Again na naka-schedule sa January 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21 sa The Theatre at Solaire.
Sabi naman ni Pops, kaya siya bumalik sa pagkanta dahil si Martin naman ang kasama niya na sanay na sanay na niyang katrabaho sa stage.
“I’m still more of production, but when we decided to perform together, yun lang naman yun. It’s the performing together that made me decide,” sabi ni Pipay.
Gamay na raw kasi niyang katrabaho si Martin, at bukod pa diyan, nakapag-show na raw sila sa US tour nila nung Pasko kaya hindi na siya gaanong kabado.
“Kasi, singing with Martin, I think mas madali for me. Kasi gamay na gamay na kami sa isa’t-isa at hindi na ako mangangapa. And of course, we’ve dang for how many years together. So, mas kumportable ako. Kaya lang naman ako nag-decide na kumanta uli,” saad niya.
Takot pa raw siyang mag-solo concert, kaya hindi raw niya alam kung kaya na ba niyang gawin pagkatapos ng kanilang Two-gether Again concert.
“Iba na kasi ngayon, at bihira na rin ngayon ang nagsu-solo di ba? Normally, madami na talagang magkasama.
“May nervous factor pa rin ako kung ako lang. Maraming nagtatanong kung magsu-solo na ba ako.
“I really have to think about it,” sabi pa ni Pops nung nakaraang mediacon ng Valentine concert nila ni Martin na Two-gether Again.
Siyempre, love na love ko silang dalawa lalo na si Martin. Kaya kahit bibili pa ako ng ticket nila para support sa kanila.
220