INDONESIAN PRESIDENT NA STARSTRUCK KAY CATRIONA

cat123

Noong Lunes, March 10, nag-courtesy call si Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Indonesian President Joko Widodo. Dalawang araw bago ang nasabing courtesy call, naging parte rin si Catriona ng Puteri Indonesia, ang version ng kapit-bansa natin ng Binibining Pilipinas. Nag-guest siya rito kasama ang reigning Miss International at Miss Supranational.

Isang maikling video clip ang pinost sa Instagram ng Catriona Universe account, isang fan page para sa mga tagahanga ng Filipina beauty queen. Dito, makikitang matapos kamayan ni Catriona si President Widodo, tila isang fan ito na kinilig at tinakpan ng isang kamay ang kanyang bibig. Naging viral agad ang naturang post.

5

Related posts

Leave a Comment