“WALANG perpekto.”
Ito ang pahayag ni Senador Christopher Bong Go sa mga naglalabasang errors sa modules na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa kanilang distance learning.
Sa kabila nito, hinimok ni Go ang DepEd na magdoble kayod para maitama ang mga pagkakamali sa modules upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Kinumpirma ni Go na agad nitong ipinarating kay Pangulong Rodrigo Duterte na may mga nagpapakalat ng kabastusan na nakuha ng ilang estudyante sa kanilang modules.
Dagdag pa ni Go, ang mga libro ay para sa pag-aaral at hindi para sa kabastusan ng ilan.
Samantala, muli namang iginiit ni Go na mananatili ang “no vaccine, no face to face learning” para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro. (NOEL ABUEL)
