Tuloy-tuloy ang pag trabaho ng Meralco sa mga relocation work para sa PNR North 1 Rail Transit

Inirelocate ng mga kawani ng Manila Electric Co. (Meralco) ang 72 na poste nito para sa PNR North 1 Rail project ng Department of Transportation (DOTr). Ang mga posteng ito ay bahagi ng mahigit 470 poste na nai-relocate na ng Meralco upang magbigay daan sa isinasagawang bored piling at segment installation na kailangan para sa nabanggit na rail project.

Ang PNR North 1 Rail Transit ay isang 38-km urban rail transit na siyang bahagi ng North-South Commuter Railway (NCSR) na naglalayong magdudugtong sa Malolos City, Bulacan at Tutuban, sa lungsod ng Maynila.Ang Meralco at mga subsidiaries nito ay tuloy-tuloy sa pagtatrabaho katuwang ang gobyerno upang

magarantiyahan ang agarang pagrelocate ng mga apektadong pasilidad na ito upang makatulong sa mabilis at napapanahong konstruksyon ng mga Build Build-Build-Build (BBB) infrastructure projects.

111

Related posts

Leave a Comment