PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang taon ang state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang ekstensyon ay nagsimulang maging epektibo nitong Setyembre 13 at magtatapos ng hanggang Setyembre 12 ng susunod na taon maliban na lamang kung maagang mababawi o mapapalawig “as circumstances may warrant,” ang nakasaad sa Proclamation 1021 na tinintahan, nitong Huwebes.
Ang inisyal na deklarasyon ay nilagdaan noong Marso at napaso ngayong linggo dahil epektibo lamang ito ng 6 na buwan.
Sinabi ng Pangulo na ang ekstensyon ay naglalayon na payagan ang national at local governments na patuloy na gamitin ang appropriate funds, kabilang na ang Quick Response Funds, sa kanilang disaster preparedness and response efforts para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 at patuloy na makapagbigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga apektadong populasyon.
Ang extension ay naglalayong payagan ang pamahalaan na i-monitor at kontrolin ang presyo ng basic necessities at prime commodities.
Ang iba’t ibang law enforcement agencies, sa tulong ng military, ay inatasan din na magpatupad ng hakbang para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar kung kinakailangan. (CHRISTIAN DALE)
64