SUE RAMIREZ PERSONAL CHOICE NI JAVI BENITEZ

sue77

olea(NI JERRY OLEA)

PERSONAL  choice ni Javi Benitez si Sue Ramirez para maging leading lady sa launching movie niyang Kid Alpha One, na idinidirek ni Richard Somes.

“Nagulat ako at na-flatter ako. Masaya naman. And fulfilling siya, kasi, matagal ko nang gustong gumawa ng action film,” napapangiting sambit ni Sue.

Lumabas noon ang aktres sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” pero hindi siya nabigyan doon ng pagkakataon na magpakitang-gilas sa action scenes.

“Namatay lang ako roon. Wala akong nahawakang baril doon,” pakli ni Sue. “Suso-suso lang ako roon!”

Kumustang katrabaho si Javi?

“Actually, hindi ko alam kung ano ang ie-expect ko. We’ve never met. Hindi ko pa siya nakatrabaho before. I’ve never seen him actually act,” lahad ni Sue.

“Pero it was a surprise for me na, ‘Ahh, meron! Ang galing!’ At saka sobrang dedicated siya sa ginagawa niya. Talagang nag-train siya nang malala for this. Hindi iyan nagrereklamo talaga ever.

“Never ko siyang narinig na nagreklamo ‘pag nasa set kahit buong araw na siya. Minsan, putok-araw na iyong mga eksenang kailangang gawin na action, ginagawa niya without saying anything.

“So, mahihiya ka na mag­reklamo. Kasi, ganoon iyong katrabaho mo. Nakaka-inspire siya, na may mga taong sob­rang dedicated magtrabaho, at sobrang committed doon sa craft na pinasok niya.”

Syempre, masaya si Javi sa mga pahayag ng kanyang leading lady. Bakit si Sue ang napili niyang makatambal?

Tugon ni Javi, “I have so much respect for her as an artist, and as a person. Ahmm, before meeting her, may mga nagsabi na wala siyang arte, very professional.

“And true enough, on the set, she’s easy to get along with… she’s such a fun co-actor. Syempre, Ilongga pa! Magaling pang kumanta!”

Binubusisi ni Direk Richard Somes ang Kid Alpha One, na limang buwan na nilang sinu-shoot. Madugo ang post-prod ng movie, kaya malamang na next year pa ito maipalabas.

Inaasam nila na mag-premiere muna ito sa isang international filmfest.

Nasa cast din ng movie sina Christopher de Leon, Tonton Gutierrez, Carla Humphries, Joross Gamboa, at Jeffrey Tam.

 

214

Related posts

Leave a Comment