(NI BETH JULIAN) LUMALABAS kasi siyang kaawa-awa kapag nagkaroon kami ng debate. Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa pagkuha ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa kay International Human Rights lawyer Atty. Amal Clooney para maging bahagi ng kanyang legal team sa kinakaharap na kasong tax evasion at cyber libel. Sinabi ni Panelo na posibleng nabola ni Ressa ang abogadong asawa ng Holywood actor na si George Clooney at na-misinform ito kaya napaniwala na inaapi ng Pilipinas si Ressa. Gayunpaman, matapang na tinugon ni Panelo ang nasabing…
Read MoreTag: PANELO
‘INT’L HUMAN RIGHTS BODY ‘DI KAILANGAN’
(NI BETH JULIAN) HINDI kailangan ng Pilipinas ng ibang human rights advocate para lamang punahin ang sinasabing pag-abuso umano ng awtoridad sa kanilang mga inilulunsad na police operations. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makabubuting hayaan na lamang ang sarili nating mga human rights advocate sa Pilipinas na tumulong sa ating mga nakararamdam ng umano’y pag abuso ng mga awtoridad. Ayon kay Panelo, nariyan ang Commission on Human Rights at Public Attorney’s Office na maaaring magbigay ng libreng legal assistance sa mga biktima. Hindi makatwiran, ayon kay Panelo, na minamaliit…
Read MoreIMPEACHEMENT VS DU30 ‘DI HAHADLANGAN
(NI BETH JULIAN) WALANG balak ang Malacanang na hadlangan ang anumang planong paghahain ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa harap ito ng babala ng grupong Pamalakaya na nakaumang ang isasampa nilang kasong impeachment laban sa Pangulo sa sandaling magbalik sesyon na ang Kongreso. Treason at culpable of violation of the the constitution nang dahil sa kabiguan umano ng Pangulo na protektahan ang exclusive economic zone ng Pilipinas ang grounds for impeachment na ihahain ng grupo. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinikilala ng Office of the President…
Read MoreLOW INFLATION RATE; KRITIKO DEADMA
(NI BETH JULIAN) SINITA ng Malacanang ang mga kritiko ng administrasyong Duterte sa pananahimik kaugnay sa naitalang record-low na inflation rate. “Nasaan sila ngayon at tahimik na, wala man lang papuri sa mga economic managers at kay Pangulong Rodrigo Duterte gayong nakapagtala ng record-low na inflation rate,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Gayunpaman, itinuturing ng Malacanang na “thing of the past” o kasaysayan na ang mataas na inflation rate sa bansa matapos maitala ang 2.7% inflation nitong Hunyo na pinakamababang naitala ng local statistics simula 2017. Ayon kay Panelo,…
Read MoreSINIRA NA P33-B REEF ECOSYSTEM NG CHINA AALAMIN NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) NAALARMA ang Palasyo sa ulat na nasa P33 bilyong reef ecosystem ang nasisira sa Panatag Shoal. Magsasagawa ng sariling pag-aaral ang pamahalaan para masuri kung totoo ang ulat na aabot sa P33 billion halaga ng reef ecosystem ang nasisira kada taon sa Panatag Shoal at Spratly Islands dahil sa reclamation activities at illegal fishing operations ng China. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ay dahil naaalarma ang Malacanang sa nasabing ulat ng University of the Philippines Marine Science Institute. “We will always be concerned if affects…
Read MoreMAGHAHAIN NG IMPEACHMENT ‘DI AARESTUHIN – PANELO
(NI BETH JULIAN) HINDI aarestuhin ang sinumang maghahain ng kasong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman ito maituturing na krimen. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa kabila ng naunang pahayag ng Pangulo na ipakukulong niya ang mga magsasampa ng impeachment laban sa kanya. Ayon pa kay Panelo, hindi naman literal ang sinabi ng Pangulo at nasabi lamang ito bunsod ng matinding pagkainis sa kanyang mga kritiko na hindi nakauunawa sa posisyon ng gobyerno pagdating sa usapin ng China. Sinabi pa ni Panelo na hindi…
Read MorePANGINGISDA NG CHINA SA EEZ NILINAW NI PANELO
(NI BETH JULIAN) MAY bagong paglilinaw ang Malacanang kaugnay sa pahayag nito sa pangingisda ng mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, matapos niyang panoorin ang interview ni Pangulong Rodrigo Duterte at basahin ang transcript nito, lumalabas na ang ibig sabihin nito ay hindi papayagan ng China na mangisda ang kanilang mga mamamayan sa EEZ sa Pilipinas dahil itinuturing nila ang mga Filipino na kaibigan. Sinabi pa ni Panelo na alam din ng China na kapag ito ay nangyari, magdudulot lang…
Read MoreASAM NG PALASYO: LEGISLATIVE AGENDA SUPORTAHAN NG SPEAKER
(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na susuportahan ng susunod na lider ng Kamara ang legislative agenda ng administrasyong Duterte para sa ikabubuti ng interes ng bansa at sa kapakanan ng publiko. Naniniwala ang Palasyo na alam ng mga miyembro ng Kongreso kung sino ang pipiliian nilang maging bagong speaker kung ang kandidatong sa tingin nila ay magbibigay ng tamang gabay sa pagpasa ng mga batas at tunay na pagbabago sa kabutihan ng mga Filipino. Ang pahayag na ito ng Palasyo ay kasunod ng pag-anunsyo, Miyerkoles ng umaga, ni Senator…
Read MoreDU30 TIWALA PA RIN KAY DUQUE – PANELO
(NI BETH JULIAN) HAWAK pa rin ni Health Secretay Francisco Duque ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa harap ng reklamong plunder o pandarambong na kinakaharap ngayon ni Duque. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Panelo na hinihintay pa nila ang paliwanag ng kalihim. Bagama’t ang reklamo ay conflict of interest, sinabi ni Panelo na kailangan munang malaman ang estado ni Duque sa sinasabing gusali ng pamilya. Ayon kay Panelo, maaaring nag-divest na noon pa si Duque sa share…
Read More