VLOGGER, 2 PA TIMBOG SA P3.7-M MARIJUANA

LAGUNA – Naaresto ng mga awtoridad ang tatlo katao kabilang ang 31-anyos na vlogger sa buy-bust operation ng Laguna PNP sa San Pablo City noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Zapanta Layson, kilala bilang “Jhem Bayot” sa social media; Ginalyn Pintang Benisa, 30, helper, at Crismark Alimagno, 21, pawang mga residente ng Brgy. San Isidro, San Pablo City.

Ayon sa San Pablo City Police, alas-3:00 ng madaling araw nadakip ang mga suspek matapos matagumpay na makabili ng hinihinalang ilegal na droga ang poseur buyer.

Nasamsam sa mga suspek ang isang medium size plastic bag naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana leaves and seeds, tatlong pakete (medium size plastic bag) ng hinihinalang high-grade marijuana leaves and seeds, anim na pakete (large plastic bag) ng hinihinalang high-grade marijuana leaves and seeds, na may timbang na 2.5 kilograms at may tinatayang halaga na umaabot sa P3,750,000. (NILOU DEL CARMEN)

180

Related posts

Leave a Comment