Yorme at Yorme’s Choice, handa nang maglingkod sa mga Batang Maynila!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA

TALAGANG tuloy-tuloy na ang pagbabalik sa Manila City Hall ng tropang Yorme’s Choice, wala nang duda, sigurado na, Manilenyo!

Kumpiyansa ang tatlong malalaki, pangunahing samahan ng mamamayang Manilenyo nang buong siglang idineklara ang pagkakaisa na ihatid sa tagumpay sa May 12 midterm elections sina come backing Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso at katiket na vice mayoral candidate Chi Atienza.

Bihirang magpahayag ng nagkakaisang suporta politika ang Kababaihan ng Maynila, Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA), at Kaagapay ng Manileño, at ang piniling iluklok sa tagumpay sa halalan ay sina Yorme Isko at Chi Atienza at ang buong tiket ng Yorme’s Choice.

Nangyari ang nagkakaisang suporta sa buong tropa ng Yorme’s Choice noong Linggo, Marso 16 sa isang okasyon sa Ninoy Aquino Stadium na sumaksi ang libo-libong residente na kasapi ng tatlong samahang Manilenyo.

Bago nagsimula ang pagtitipon, nakabibingi ang hiyawan, ang sigabo ng tawag sa pangalang “Yorme Isko, babalik na!” at ang dagundong ng sigaw, “Eto na, eto na si Vice Mayor Chi Atienza!” at ang alingawngaw ng sigawang “Yorme’s Choice, Yorme’s Choice!”

At nang magsalita si Isko, lalong sumigabo ang hiyawan, ang mga palakpak, ang sigaw ng maalab na suporta ng mga tagasuporta.

“Mga KABAKA, Kababaihan, Kaagapay, handa na ba kayo, ready na ba kayo?” tanong ni Yorme Isko na ang nakabibinging sagot na mandin ay konsiyerto ng musika ng pagsang-ayon, “Ready na kami… Matagal na, handa na kami, Yorme, ready na kami, Yorme!” ang sagot sa tanong ni Yorme.

Nagpahayag ng madamdaming pasasalamat si Yorme Isko na sinabing taos ang paniniwala na ibibigay muli sa kanya ang suportang ibinigay noong ihalal siyang mayor noong 2019-2022.

Sabi ni Isko: “Taos-puso ang aking paniwala, nagawa niyo na dati. Kaya niyong gawin muli,” at iyon ay muling sinundan ng masigabong hiyawan.

Sa harap ng tagasuporta, lalong sumigla nang muling tawagin sa harap si Chi Atienza — anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza na idineklara ang suporta sa katiket na si Yorme Isko.

Aniya, ang mamamayang Manilenyo ay lubos na makakaasa na siya — si Chi Atienza — ay magiging mabisang vice mayor, at buong-buo ang suportang ibibigay kay Yorme.

“Inyo pong maaasahan, ako po bilang inyong vice mayor ay ibibigay ang buong suporta sa ating Yorme Isko Moreno Domagoso,” sabi ni Atienza.

Ang pagbabalik ni Yorme Isko sa Maynila bilang alkalde ay matibay na pinanindigan ni dating Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing, tagapagtatag ng KABAKA.

Aniya, kailangang maibalik ang mahusay na liderato ni Yorme sa lungsod dahil nais niya, sabi ni Bagatsing, ay maibalik ang disiplina, kalinisan, at kaayusan sa Maynila.

Mainspirasyon ang mensahe ni Bagatsing na sinabi na ang lahat ay masaya.

“Very happy ang lahat, at hopefully, sasamahan niyo ang grupong ito hanggang maatim natin ang tagumpay na maging the best city once again,” sabi ni Bagatsing.

Lalo pang naging masigla at madamdamin ang okasyong iyon sa Ninoy Aquino Stadium nang magbigay ng mensahe niya si dating Manila at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na sinabi na ang kanyang mga kasama at buong pamilya, ay todo ang suporta sa Yorme’s Choice at sa muling pagbabalik ni Yorme Isko bilang alkalde ng siyudad.

Tiniyak ni Lito Atienza na ang kanyang anak, si Chi Atienza ay magiging mahusay na presiding officer ng Manila City Council, at susuporta sa lahat ng programa at adhikain ni Yorme Isko na maibalik ang ningning at kadakilaan ng Maynila.

***

Sabik na nga ba kayo sa pagbabalik ni Yorme Isko, mga Batang Maynila?

Kung ang sagot nyo ay “Yes” at aba, ‘wag kalimutan ng numero ni Yorme Isko sa balota sa Mayo 12, 2025!

Alam ng inyong abang lingkod, kasama ang pinakamaraming Manilenyo, sa pagtitiwala na maibabalik ni Isko ang dating ningning ng Maynila, kasi nga, nakita na, naramdaman na at kinasasabikan na ang pagbabalik niya.

Sa mga kandidatong alkalde, e wala namang iba pa — tanging si Yorme ang may kakayahan, may capability, at may karanasan at may totoong karakter na pamahalaan ang Maynila.

Hindi na itinatanong,”Bakit si Isko?” kung ang sinasabi, “Dapat talaga si Yorme!”

Sabi ni dating Congressman Amado Bagatsing, he wants to be part of the team (Yorme’s Choice) at maging kasama sa pagbabangong muli, sa metamorphosis, sa pagbabagong anyo ng buhay ng Maynila.

Ito ang matindi na pagtitiwala ni Cong. Amado, nais niya na maging bahagi ng pangunahing siyudad ng bansa — ang Maynila — na si Isko ang mamumuno!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon, sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com

8

Related posts

Leave a Comment