TSUPER NG BOOM TRUCK NAABO

NORTH COTABATO – Magkasamang nasunog ang drayber at ang boom truck matapos itong lumiyab nang aksidenteng mahagip ang linya ng kuryente sa Purok 2, Barangay New Janiuay, Mlang sa lalawigang ito, kahapon.

Kinilala ni PMaj. Realan Mamon, Chief of Police ng Mlang PNP ang namatay na biktima na si Noel Ababa, 47 anyos, residente ng Purok B, Mlang.

Sa inisyal na report ng Mlang PNP, alas-2 ng hapon habang ibinababa ng driver ang mga kargang semento ng truck sa naturang lugar ay aksidenteng nasagi nito ang linya ng kuryente na naging sanhi ng pagkasunog ng boom truck.

Bigo namang makababa ang drayber sa boom truck kaya kasama itong nasunog at binawian ng buhay.

Sa ngayon, nasa Confreros Flores Funeral Home sa naturang bayan ang mga labi ng biktima para sa gagawing post mortem examination. (BONG PAULO)

67

Related posts

Leave a Comment