PAGSASANIB PWERSA NG NPC, UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, NAPAPANAHON

IKINAGALAK natin ang naging hakbang ng National Privacy Commission na makipagtulungan sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo upang makagawa ng isang data privacy code of conduct na naaayon sa pagpapatupad ng distance learning.

Dahil sa paglilipat ng iba’t ibang mga operasyon sa online bunsod ng pandemya, ang kahalagahan ng data privacy ay hindi ma aaring bigyang-diin na sapat na, kaya natutuwa tayo na nakikipag-tulungan ang NPC sa mga paaralan para maging mainstream ang privacy consciousness.

Ayon sa NPC, ang code of conduct ay magtatakda ng mga pamantayan at mga hakbang na naglalayong pigilan ang mga paglabag sa datos at gagabayan nito ang mga learning institutions kung paano haharapin ang mga nasabing pangyayari. Inaasahan ng privacy body na makukompleto ito bago magbukas ang 2021-2022 school year.

Dahil sa paglipat patungo sa online operations, magkakaroon ng pagdami ng personal data na marahil ay hindi pa handa ang maraming mga institusyon. Sa lalong ma daling panahon kinakailangan na makapaglatag tayo ng maayos na proteksiyon.

Maliban kung ang mga nailagay na proteksiyon ay hindi maayos, ang banta ng mga paglabag sa seguridad ay magiging pangmatagalan. Napakahalaga na mabigyan ng proteksyon ang mga sensitibong personal na impormasyon ng bawat indibidwal, mga datos na hinahawakan ng gobyerno at ilang pribadong institusyon.

Iniulat ng komisyon na ang sektor ng edukasyon pa lamang ay may 19 na paglabag sa mga abiso mula Enero hanggang Hunyo sa taong ito, kung saan lumampas o nahigitan nito ang 2019’s 18 notifications.

Napakataas ng posibilidad na tataas pa ang kaso ng mga paglabag sa pagka pribado, kaya kailangang doble-oras at doble-ingat ang pamahalaan at mga organisasyon sa pagsiguro na ligtas ang personal na impormasyon ng ating mga kababayan.

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES

Related posts

Leave a Comment