100 DAYS NI PBBM IPINAGMALAKI

SA dinaluhang Manila Overseas Press Club ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si House Speaker Martin Romualdez ipinagmalaki ng Pangulo na unti-unti nang nakakabangon ang bansa mula sa pandemya.

Sinabi ng Pangulo na tinututukan ng pamahalaan ngayon ang pagtugon sa ilang problema partikular sa ekonomiya.

Ipinagmalaki din ni PBBM sa harap ng business managers at foreign investors na mahuhusay ang mga napili nitong economic managers ng pamahalaan na katulong nito sa pagpapatakbo upang mapaglingkuran ang sambayanan.

Bagamat inamin ng Pangulo na sa 100 days nito sa puwesto ay naging hamon sa kanya ang paglutas sa krisis sa mga pangunahing pagkain at supply sa agrikultura para sa mga magsasaka.
Pilit namang ibinabangon ng pamahalaan ang problemang minana pa sa nagdaang administrasyon na nagresulta ng patuloy na pagtaas ng inflation at hindi maawat na pagbagsak ng Piso kontra Dolyar.

Itinutulak pa rin ng gobyerno na mahikayat ang publiko na magpa bakuna at booster shot dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 na hindi na kasing grabe sa naunang kaso.
MYRNA VERE (house of representative)

 

 

158

Related posts

Leave a Comment