4 SABUNGERO ARESTADO

SWAK sa selda ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, ang apat na sabungero makaraang maaktuhan sa isinasagawang tupada sa San Andres Bukid, Manila noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 (illegal gambling) ang mga arestado na sina Noel Osano, 60; Joel Baladad, 36; Michael Malasig, 43, at Cezar Pacanza Jr., 48, pawang residente ng San Andres Bukid. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-12:10 ng hapon, isang tawag ang natanggap ng desk officer ng nasabing himpilan ng pulisya, hinggil sa nangyayaring tupada sa…

Read More

INMATE NAMATAY SA MANILA CITY JAIL

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung may foul play sa pagkamatay ng isang 69-anyos na inmate o dahil sa sakit sa puso makaraang dumaing ng paninikip ng dibdib noong Sabado ng umaga. Ang biktimang si Ramon Paguio ay hindi umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center nang isugod sa nasabing ospital dakong 7:00 ng umaga noong Enero 10, mula sa kinapipiitan sa Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila. Ayon sa record ng pulisya, si Paguio ay nakulong dahil sa kasong acts of lasciviousness at dinidinig ang…

Read More

MALABON COVID SURVIVOR, MULING NAGPOSITIBO

ISANG COVID-19 patient mula sa Barangay Hulong Duhat, Malabon City ang namatay nitong Enero 10, ang pang-236 na casualty ng pandemya sa lungsod habang isang dating gumaling ang muling nagpositibo. Isa naman ang nadagdag sa confirmed case mula rin sa nasabing barangay, ayon sa City Health Department. Sa kabuuan ay 6,115 ang tinamaan ng COVID sa Malabon, 47 dito ang active cases. Nabawasan naman ang bilang ng mga gumaling dahil sa nabanggit na pasyente mula sa Barangay Ibaba na muling nagpositibo sa naturang sakit. Umabot na sa 5,832 ang recovered…

Read More

NAVOTAS, NAKIPAG-DEAL NA RIN SA COVID VACCINE

INIHAYAG nitong Lunes ng umaga ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, lumagda na rin siya ng kasunduan sa AstraZeneca nitong Enero 10. “Pinirmahan po natin kahapon ang kasunduan para makabili po tayo ng 100,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 sa AstraZeneca pharmaceutical company,” ayon sa alkalde. Paliwanag ni Tiangco, dahil dalawang dosage ang kailangan ng bawat tao, 50,000 Navoteño ang unang mabibigyan ng bakuna na inaasahang darating sa ikalawang bahagi ng 2021. Muling pinaalalahanan ng alkalde ang nasakaupan na manatiling maingat at sundin ang safety protocols habang hinihintay ang…

Read More

FDA approval, hindi na nahintay CALOOCAN, VALENZUELA UMORDER NA NG COVID VACCINE

LUMAGDA na sa kasunduan si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa British-Swedish multinational pharmaceutical and biopharmaceutical company AstraZeneca para sa advance purchase ng COVID-19 vaccine para sa mamamayan ng Caloocan, ayon sa paskil ng alkalde sa social media noong gabi ng Enero 10. Ang naturang hakbang ay taliwas sa naunang pahayag ng alkalde na ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ay hindi bibili ng bakunang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) at maghihintay muna ng panuntunan mula sa pambansang pamahalaan. “Matagal na tayong nakipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat sa…

Read More

NUEZCA SIBAK NA SA PNP

HINDI na miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa double murder case na si Jonel Nuezca. Ito’y makaraang magpasya na si General Debold Sinas sa kasong administratibo laban kay Nuezca, banggit ni Brig. Gen. Ildebrandi Usana, tagapagsalita ng PNP. Nakadestino sa Crime Laboratory ng Parañaque si Nuezca nang umuwi ito sa kanilang bahay sa Paniqui, Tarlac kung saan napatay niya ang mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio. Sa ulo binaril ni Nuezca ang dalawa, batay sa kuhang video sa insidente. Ito ang dahilan kung bakit tinanggal si Nuezca…

Read More

SOLON, MISIS DINAPUAN NG COVID-19

INAMIN ni Deputy Speaker Doy Leachon na nahawa siya ng coronavirus disease 2019 mahigit dalawang linggo na ang nakararaan gayundin ang kanyang misis. Gayunman, sinabi ni Leacho, nakarekober na siya at ang kanyang misis sa nasabing virus. “Got swab test again last night, negative,” ani Leachon matapos magpositibo sa COVID-18 noong huling linggo ng Disyembre. “I’m okey na (sa nakaraang 5 araw). Walking na ako sa village with mask and shield,” ayon pa sa House leader at maging ang kanyang misis ay wala nang nararamdahang anumang sintomas ng COVID-19. Si…

Read More

ROAD CLEARING OPS TULOY – DILG

TULOY ang road clearing operation ng lahat ng pamahalaang lokal sa bansa ngayong Enero, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon kay Undersecretary Jonathan Malaya, sa Enero 15 ang deadline ng operasyon. Ngunit inilinaw ni Malaya, ang paglilinis sa mga kalsada mula sa lahat ng sagabal dito ay trabaho ng mga opisyal sa mga pamahalaang lokal sa loob ng buong taon. Inilinaw rin ng tagapagsalita ng DILG, partikular na inaasahang matatapos sa Enero15 ang road cleaning operation sa mga rehiyon na pasok sa kategoryang modified enhanced…

Read More

300,000 DOSES NA COVID-19 VACCINES SA LAS PINAS,INILAAN

Pirmado na ngayong araw,January 11,2021 ni Las Pinas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang kasunduan sa pagitan ng British drug maker AstraZeneca para sa supply ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na naglalaan ng 300,000 doses na bakuna para sa mga residente sa lungsod. Ang national government ang nagpasya sa alokasyon na 300,000 doses na bakuna para sa Las Pinas City sa ilalim ng COVID- vaccination program ng pamahalaan. Sinabi ni Mayor Mel Aguilar na inaasahang darating sa lungsod ang bakuna ng AstraZeneca sa buwan ng Hulyo ngayong taon. Binigyang-diin…

Read More