Isang joint operations ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, NAIA Inter-Agency Task Group at CAIDTF ang nagresulta sa pagkakaaresto ng 2 claimants ng air parcel na naglalaman ng 8.2 milyong pisong halaga ng Kush marijuana sa Batangas City kamakailan. Kinilala ang dalawang inaresto na sina Van Joshua Magpantay ay Johnengle Hernandez mula sa Lipa City, Batangas matapos ang isinagawang matagumpay na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga nabanggit na otoridad. Dumating ang air parcel sa Fedex Pasay City na ipinadala ng isang nagngangalang Nina…
Read MoreMonth: January 2021
ASEAN CUSTOMS DECLARATION VIRTUAL KICK-OFF MEETING PINANGUNAHAN NG BOC
Ang Bureau of Customs, kasama ng United States Agency for International Development (USAID) – ASEAN Policy Implementation (API) Project, ay nagsama-sama sa ACDD Virtual Kick-Off Meeting sa pagitan ng Philippine NSW Leads at Partner Agencies noong nakaraang Disyembre 22, 2020. Ang nasabing kick-off meeting ay nagsilbi bilang ‘first official consultation meeting’ para sa technical assistance na ipinagkaloob ng USAID-API to BOC para sa Electronic Exchange of ASEAN Customs Declaration Document (ACDD) sa ASEAN Single Window (ASW) System. Pangunahin na pinag-aralan ay ang data elements base sa Export Declaration (ED) na…
Read MoreP7-M UKAY-UKAY HULI SA PORT OF MANILA
HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Port of Manila (POM) ang dalawang (2) container ng misdeclared clothes na mas kilala sa tawag na “Ukay-Ukay.” Sa pamamagitan ng alert order na inisyu ni Port District Collector Angelo Vargas sa pakikipagtulungan ng BOC Intelligence Group, ang shipment na naka-consigned sa isang MGGF INTERNATIONAL TRADING CORP ay ipinasok sa bansa noong Christmas Holidays mula China matapos na ideklara bilang mga tissue. Sa eksaminasyon sa nasabing container ay natuklasan na naglalaman ito ng used clothes o Ukay-Ukay na may halagang 7.853 milyong piso. Ang…
Read MoreCOC NG BOC BINISITA NI FINANCE SEC. DOMINGUEZ
Binisita ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III kasama si Undersecretary Antonette Tionko ang bagong pasinayaang Customs Operations Center (COC) ng Bureau of Customs o BOC. Ipinakita naman ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang kanilang bagong Customs Operations Center sa dalawang opisyal ng DOF sa pamamagitan ng audio-visual presentation ng nasabing pasilidad at kung paano ang operasyon o pagpapatakbo nito. Ito ay kasunod ng demontrasyon kaugnay sa ‘routinary activities and actions’ na isinasagawa araw-araw sa tuwing ika-2 oras ng pinagsamang team mula sa Intelligence, Enforcement at Port…
Read MoreP1-M ECSTASY “PARTY DRUGS” SABAT SA BOC-NAIA, NAIA-IADITG AT PDEA
JOEL O. AMONGO Aabot ng 535 pirasong tabletas ng ecstasy (party drugs) na may katumbas na isang milyong piso (P1-M) ang nasabat ng pinagsanib na grupo ng Bureau of Customs Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa air parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City kamakailan. Ang nasabing mga tabletas ay inisyal na nadiskubre ng Customs personnel sa CMEC matapos ang isinagawang 100% physical examination sa air parcel. Kasunod ng laboratory test na isinagawa ng PDEA, nakumpirma…
Read MoreUmepal sa Dacera pero tahimik sa ‘maliit’ na biktima – netizens PACQUIAO, YAP SAWSAW PA MORE
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INULAN ng batikos sa social media partikular sa Twitter sina Senador Manny Pacquiao at ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kaugnay ng pag-epal umano nila sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera. Lalong binatikos ang dalawa nang kapwa sila mag-alok ng pabuya para sa mga suspek sa sinasabing rape-slay case. Puna ng mga netizen, bakit sa pamilya ng mag-inang Sonia at Frank Gregorio ay hindi lumutang ang dalawang mambabatas at nag-alok ng tulong pinansyal. Gayundin sa construction worker na napatay rin ng…
Read More‘Mabuti kaysa wala!’
ITO ang agad naging reaksiyon nina Pilipina Olympic qualifier sa boksing na si Irish Magno at ng magtatangka pang makarating sa 2021 Olympic Games na si Nesthy Petecio sa plano ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at Sports Commission na bigyan sila, sa wakas, ng pakakataong makapaghanda simula sa Sabado. Ang dalawa, na tulad ng kanilang mga kasama sa pambansang koponan na kinabibilangan din ni Eumir Marcial, ay di pa nakararanas makapag-ensayo ng seryoso mula noong Asia-Oceania Olympic Qualifier noong Marso nang nakalipas na taon. Subalit di…
Read MoreIgnorante sa batas at proseso ng Kongreso SOTTO NGANGA SA BANAT NI GADON
NELSON S. BADILLA MISTULANG natameme si Senate President Vicente Sotto III hinggil sa kritisismo ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon laban sa kanya kaugnay sa itinutulak na panukalang batas na magbibigay ng panibagong 25 -taong prangkisa ng ABS-CBN Corporation. Ang punto ng birada ni Gadon kay Sotto ay ignorante ang beteranong senador hinggil sa batas at proseso sa Kongreso. Matatandaang inupakan ng abogado si Sotto makaraang maghain ito ng Senate Bill No. 1967, o “An Act Renewing The Franchise Granted To ABS-CBN Corporation Under Republic Act No. 7966”, o “An Act…
Read MoreDANNY LIM, MATAPAT AT MAHUSAY NA TAGAPAGLINGKOD NG BAYAN
ISANG malungkot na balita ang bumungad sa atin sa umpisa ng taong 2021. Kamakailan lamang ay napabalita ang biglaang pagpanaw ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman at dating military general na si Danny Lim noong ika-29 ng Disyembre, 2020. Sa kasamaang palad ay kabilang si Lim sa mga nasawi dahil sa komplikasyon ng COVID-19. Ayon sa mga ulat, nagsisimula nang gumaling si Lim mula sa pagkakaroon ng COVID-19 ngunit bigla itong nag-cardiac arrest noong Miyerkules ng umaga. Ito ay patunay na hindi talaga basta-basta ang nasabing virus lalo na…
Read More