139 NALAMBAT SA SUGAL SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 139 katao ang dinampot ng Cavite police sa iba’t ibang uri ng sugal sa isinagawang anti-gambling operations sa buong magdamag sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), ang mga nahuli ay naaktuhan sa tupada (72), tong-its/Pusoy (32), billiard (15), mahjong (9), cara y cruz (7) at Bingo (4). Nanguna ang Bacoor City at Indang sa dami ng bilang ng mga dinampot sa tupada na tig-12, sumunod ang Trece Martirez City (9), tig-6 ang Kawit at Naic, habang tig-5…

Read More

MAKULIT NA LASING PATAY KAY KUYA

BATANGAS – Bunsod ng kakulitan nang malasing, napatay ng isang lalaki ang nakababatang kapatid makaraang pagbabarilin sa Barangay Bulihan, sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Felixberto Bautista, 63, ilang beses na binaril ng kanyang nakatatandang kapatid na si Pedro, 68, gamit ang isang .38 revolver. Ayon sa report ng Nasugbu Police, dakong alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay ng suspek. Ayon kay P/Maj. Jun Bautista, hepe ng pulisya, lasing umano ang biktima nang sinuntok ang suspek na sa…

Read More

COTABATO MAYOR, DRIVER NILIKIDA

NORTH COTABATO – Pinabulagta ng ‘di pa kilalang gunman ang alkalde sa bayan ng Libungan sa lalawigang ito, at ang driver nito sa pamamagitan ng pamamaril bago magtanghali nitong Lunes sa Brgy. Cabaruyan sa nasabing bayan. Kinilala ang napatay na si Mayor Aming Cuan, 46-anyos at ang kanyang driver na si Edwin Navarro Ihao, 36-anyos, residente ng Poblacion ng nasabing bayan. Batay sa ulat ng pulisya, mag-aalas-11:00 ng umaga, kararating lamang umano ni Mayor Cuan sa Libungan mula sa Davao City at dumiretso sa ginagawang bagong Libungan Cockpit Gallera sa…

Read More

DRUG GROUP LEADER, 3 PA ITINUMBA

LAGUNA – Patay ang apat na kalalakihan, kabilang ang umano’y lider ng drug group, makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nasa loob ng auto shop sa Brgy. San Vicente, Biñan City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina James Anthony Alonalon, 40, residente ng Barangay dela Paz, ang magkapatid na sina Carlo Tanael at Custer Tanael na parehong taga Barangay San Vicente at si Jason Mangahis Ong, 43, taga Barangay Macabling, Sta. Rosa City. Batay sa report ng Binan City Police, ang apat ay nasa loob…

Read More

10 TULAK LAGLAG SA DRUG BUST

BULACAN – Sampung hinihinalang drug peddlers ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ikinasang serye ng buy-bust operation sa Meycauayan City, Paombong at dalawa pang bayan sa lalawigang ito, noong Linggo. Kinilala mg pulisya ang mga nadakip na sina Mark Anthony Reyes, Steve Jake Lopez, Miguel Banez, Rommel Dela Cruz, pawang residente ng Barangay Bangcal, Meycauayan City; Julius San Juan at Rizalina Villanueva, kapwa ng Barangay Sumapang Bata, Malolos; John Leo Valmeo ng Barangay Pantubig, San Rafael; Felix Calano, Ferdinand Halosco at Michael Pulyente, pawang ng Barangay Minuyan,…

Read More

WALANG TIWALA ANG PUBLIKO SA MGA POLITIKO

INAAMIN ko na isa ako sa may nais maamyendahan na ang 1987 Constutition dahil 33-anyos na ito at maraming probisyon sa bibliyang ito ng mga Filipino na hindi na angkop sa panahon ngayon. Hadlang din ang Saligang Batas sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante dahil hindi sila ang puwedeng magmay-ari ng isang daang porsyento sa negosyong ipapasok nila sa ating bansa. Hanggang 40% lang ang pag-aari nila sa isang negosyo kaya naghahanap sila ng mga Filipino counterpart para maging partner nila at magmay-ari sa 60% sa ­negosyong itatayo nila. Ang…

Read More

MARK ROSALES KINILALANG NAGLAGAY NG GAMOT SA INUMIN NI CHRISTINE DACERA

SI Mark Rosales na kaibigan at isa sa mga suspek sa Dacera Rape with Homicide case ang binanggit na naglagay diumano sa iniinom ng biktima kaya ito nahilo. Ito ang isiniwalat ni Atty. Roger “Bricks” Reyes, spokesperson ng pamilyang Dacera sa isinigawang panayam ng PUNA kamakalawa. Isinumbong ng isa sa kaibigan ni Christine na binanggit daw ng dalaga na may inilagay si Mark Rosales sa kanyang iniinom na kaya siya nahilo agad. Binanggit ito ni Christine nung gabi ng Disyembre 31, 2020 bago siyang natagpuang patay sa bathtub kung saan…

Read More

HILONG-TALILONG ANG MGA JOURNALIST SA PNP

HINDI na bago ang naranasan ng mga journalist sa kaso ng namatay na si Christine Dacera. Ang pagkuha ng impormasyon mula nang makarating sa mga ­journalist ang impormasyon sa krimen hanggang sa detalye galing sa mga pulis na may hawak ng kaso, hepe ng pulisya ng Lungsod ng Makati na si Col. Harold Depositar, sa direktor ng national Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brig. Gen. Vicente Danao Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Debold Sinas, pamilya Dacera, mga politikong sina Senador Manny Pacquiao at…

Read More

2 MOST WANTED HULI SA QCPD

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo P. Macerin ang pagkakaaresto sa station level top 1 most wanted person ng Project 6 Police Station (PS-15), sa Quezon City noong Linggo. Kinilala ni PBGen. Macerin ang suspek na si Randy Arce, 33-anyos, residente sa Citiland Prime Residence sa Tagaytay City, nadakip sa bisa ng warrant of arrest, dakong alas-5:50 ng hapon noong Enero 10, 2021 sa kanyang bahay, ng mga operatiba ng PS-15, sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Hendrix Mangaldan. Si Arce ay nakalista bilang no.…

Read More