HINIHIMOK natin ang Kongreso na agarang talakayin at maipasa ang panukala na ating inihain na naglalayong palakasin ang Anti-Child Pornography Act of 2009 (Republic Act 9775) sa gitna ng mga ulat na ang mga estudyante ay nagbebenta ng kanilang senswal na mga larawan at video para kumita lamang ng pera upang ipambili ng gadgets para makasabay sa isinasagawang distance learning sa kasalukuyan. Ito ang pakiusap ng National Bureau of Investigation at Office of Cybercrime ng Department of Justice kamakailan para mas paigtingin nila ang pagsisikap na masugpo ang online human…
Read MoreMonth: January 2021
VACCINATION PLAN DAPAT IPAALAM SA FRONTLINERS
DAPAT alam ng mga frontliner ang detalye ng vaccination plan ng pamahalaan – kung talagang may ganoong plano. Ipinunto ni Senador Panfilo Lacson na isa ito sa pagtutuunan niya ng pansin sa pagdinig na isasagawa ng Senado sa pamamagitan ng Committee of the Whole sa Lunes. Ayon sa mambabatas, mga frontliner ang nasa bungad ng panganib sa pagharap ng Pilipinas sa pandemya ng COVID-19 kung kaya’t tama lamang na maimpormahan ang mga ito sa mga galaw ng pamahalaan tungkol sa bakuna. “The frontliners deserve to know because they are the…
Read MorePINAS HINDI KULELAT SA PAGBABAKUNA
TINIYAK ni Presidential spokesperson Harry Roque na mayorya ng mga bansa sa ASEAN region ay hindi pa nagsisimulang magbakuna ng anti-COVID-19. Hindi rin aniya nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa pag-aangkat ng COVID-19 vaccine sa ibang bansa. Sa katunayan aniya ay inisa-isa nila ang mga karatig-bansa sa Southeast Asia kung saan nalaman nila na tanging Singapore ang nakapagsimula na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19. Bukod dito, ayon kay Sec. Roque, lahat ng mga kasamang bansa sa ASEAN ay halos kasabay ng Pilipinas na magsimula nang pagtuturok ng bakuna ngayong first…
Read MoreMARK LAPID ITINALAGA SA TIEZA
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Mark Lapid bilang miyembro ng board member of Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) nitong Enero 5, 2021. Ang Turismo ay itinuturing na pinakamahalagang sektor ng ekonomiya kaya’t ang pagkakatalaga kay Lapid na hindi na estranghero sa TIEZA, ay pinaniniwalaang makapag-aambag sa pagbangon at pag-unlad ng turismo na labis na naapektuhan ng pandemiya. “Welcome back to TIEZA, Mr. Lapid,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. (CHRISTIAN DALE) 894
Read MoreBATAS SA PROTEKSYON NG CONSUMERS ‘DI SAPAT
KAILANGAN nang maimbestigahan ng Senado ang mga naglipanang kaso ng mga pagnanakaw gamit ang mga na-hack na credit card, debit card o online bank accounts. Ayon kay Senador Win Gatchalian, bagama’t may mga kaukulang batas na umiiral na para pangalagaan ang kapakanan ng mga konsyumer katulad ng Access Devices Regulation Act, Electronic Commerce Act, Cybercrime Prevention Act, Consumer Act of the Philippines, at Data Privacy Act, hindi na sapat ang mga ito para ihinto ng mga kriminal ang panlilinlang sa mga tao sa mga gawaing tulad ng phishing at hacking…
Read MorePasaring ni Alvarez NEXT PRESIDENT DAPAT LEADER, NOT PRETENDER
“WE need a leader, tunay na leader at hindi pretender.” Ito ang pahayag ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kasabay ng paglulunsad ng “We Need a Leader 2022″ na isang voters education upang maigiya ang mamamayan sa kanilang ibobotong susunod na pangulo ng bansa. Ayon kay Alvarez, nahaharap ang bansa sa pandemya na puminsala nang husto sa ekonomiya ng bansa dahil naging dahilan ito ng pagsasara ng maraming negosyo, pag-uwi ng libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) at pagkawala ng trabaho ng milyun-milyong Pilipino. Ang mga magsasaka, magbababoy, magmamanok at…
Read MoreBeterano at kwalipikadong lingkod-bayan BENHUR BAGONG MMDA CHAIRMAN
BINATI ng mga taga-Mandaluyong ang dati nilang alkalde na si Atty. Benhur Abalos sa pagkakatalaga umano nito bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa Facebook account ng Laking Mandaluyong Inc., naka-post ang pagkakapili umano sa batang Abalos bilang kapalit ng yumaong si Danilo Lim sa puwesto. Base sa impormasyon ng SAKSI Ngayon, sa araw na ito, Enero 11, manunumpa si Abalos. Gayunman, wala pang kumpirmasyon sa Malakanyang hanggang kahapon ng hapon hinggil sa nasabing ulat. “No info yet on Abalos”. Ito ang maiksing tugon ni Presidential spokesperson…
Read MoreINDUSTRIYA NG PAPUTOK ‘DI KAYANG ISALBA NG LGU
HINDI sapat ang Local Government Unit (LGU) upang isalba ang industriya ng paputok sa bansa. Ito ang inihayag ni Bulacan Governor Daniel Fernando. Tugon ito ng gobernador kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa kanyang mga press briefing kamakailan, na hindi na nito itutuloy ang nauna niyang planong magpatupad ng total firecracker ban sa bansa ngayong Disyembre. Ayon sa pangulo, maaari nang magbenta ng paputok subalit sa gobyerno lamang papayagan magbenta at hindi sa pribadong indibidwal. Ang mga LGU at PNP lang umano ang papayagan makabili at…
Read MoreDroga nalaglag sa bulsa INIIMBESTIGAHAN SA ESTAFA, ARESTADO
CAVITE – Bagsak sa kulungan ang isang 46-anyos na lalaki na iniimbestigahan sa kasong estafa sa barangay hall makaraang mahulog mula sa kanyang bulsa ang isang sanchet ng umano’y shabu sa Bacoor City sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Jonas Ramirez ng Bayanan, Bacoor City. Ayon sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas-3:00 ng hapon noong Sabado, iniimbestigahan sa barangay hall ng Talaba 1 ng lungsod ang suspek dahil sa…
Read More