WALA nang magiging problema ang mga manggagawa na maabutan ng curfew hour sa daan. Simula nitong Lunes ay mula alas-8:00 na ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang curfew hours sa Metro Manila. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na maski ID na lamang ng isang manggagawa ang ipakita sa mga barangay official o sa pulis na magbabantay sa kalsada o daanan ay puwede na at hindi na sila kukuwestiyunin pa. “Maski ID na lang po ang ipakita noh? Kamukha po…
Read MoreMonth: April 2021
10 PA PATAY SA COVID-19 SA CALOOCAN, NAVOTAS
SAMPU ang namatay sa Caloocan at Navotas dahil sa COVID-19 sa pinakahuling ulat ng city health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, pito ang patay sa Caloocan City at 1,437 ang active cases noong Abril 11. Umakyat sa 20,991 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 18,940 na ang gumaling at 614 na ang namatay. Tatlo naman ang patay sa Navotas noong Abril 10 at 1,407 ang active cases. Sumampa na sa 9,435 at tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, at sa bilang na ito ay 7,756 na ang…
Read MoreTrabaho sa Kamara ‘di pa rin normal 2 PANG COVID-19 CASUALTY NAITALA?
HINDI pa ibinabalik sa normal ang trabaho sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan. Base sa ibinabang memorandum ni House Sec. Gen. Mark Llandro Mendoza, mananatili pa rin ang 2-3 days skeletal workforce sa ilang tanggapan mula Abril 12 hanggang Abril 28 sa Kamara. “Please be advice that regular work operations shall resume on Monday, 03 May 2021, to ensure the safety of the House of Representatives’ official and employees from the continuous…
Read MoreSangkot sa kidnapping, arson ASG HARDCORE MEMBER ARESTADO SA PNP-AKG
ARESTADO sa mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang isang hardcore member ng Abu Sayyaf Group sa Sulu dahil sa kasong 25 counts ng arson. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang suspek na si Berhamin Ellih alyas Berhamin Hamad. Ang suspek ay nadakip noong Linggo, Abril 11, dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Sitio Tando Gusuh, Brgy. Capual, Omar, Sulu. Ang suspek ay inaresto para sa 25 counts ng arson sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni H. Betlee-Ian J. Barraquias,…
Read MorePatay sa police ops sa Quezon RETIRED ARMY KASANGGA NA NG NPA?
QUEZON – Patay ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army matapos na umano ay manlaban sa mga pulis na maghahain ng warrant of arrest sa isa namang miyembro ng rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Tagkawayan, sa lalawigang ito, noong Lingggo ng gabi. Kinilala ng Tagkawayan Police ang napatay na si retired MSgt. Junard Fajardo Enclona, may mga alyas na Jun, Ka Samuel, Guerrero, Ka Jorge, Bermas, Ka Dorres Olaguer at Ka Alfie. Batay sa report, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa Barangay Bagong Silang nang magtungo…
Read MoreInanunsyo ng Palasyo ‘TALK TO THE PEOPLE’ NI PDU30 TULOY NGAYONG GABI
MULING magpapakita sa publiko si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, isang linggo matapos kumalat sa social media na dumanas ito ng mild heart attack. Sa mga araw kasi na hindi nakita ang pangulo ay pawang mga larawan at video lamang ang makikita na siya’y masigla at malakas. Kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque na may magaganap na Talk To The People si Pangulong Duterte ngayong gabi. “This confirms that PRRD will hold his talk to the people tonight. ‘I will join online,” ayon kay Sec. Roque. Matatandaang noong nakaraang Lunes, Abril…
Read MoreDAWLAH ISLAMIYAH SUB-LEADER PATAY, 7 SUGATAN SA MARAWI ENCOUNTER
NAPATAY ang kilabot umanong sub-leader ng Dawlah Islamiyah Local Terrorist group sa inilunsad na joint law enforcement operation ng PNP at Philippine Army troops sa Guimba, Marawi City, Lanao del kaninang madaling araw. Kinilala ang napatay na terorista na si Usop Nasif, alyas Abu Asraf, kanang kamay ni Abu Zacaria, ang kasalukuyang pinuno ng Dawlah Islamiyah terrorist sa Lanao del Sur. Si Nasif ay nagawa pang maitakbo sa Amai Pakpak Medical Center matapos ang may 30 minutong sagupaan na nagsimula bandang alas-3:45 ng madaling araw subalit idineklara itong dead-on-arrival ng…
Read MoreIMPORTED MEAT, SURIIN DIN SA COVID-19
HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Department of Agriculture (DA) na tiyaking hindi kontaminado ng COVID-19 ang mga pumapasok na imported na karne ng baboy. Sa gitna ito ng pagpapalabas ng executive order na nagtataas ng maximum allowable volume ng importasyon ng karne at pagbaba ng taripa. Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, pinakumpirma ni Poe sa Department of Agriculture ang ulat na namamalagi rin ang COVID 19 virus sa frozen meat. “May tanong po ako, siyempre ang ating pinag-uusapan ngayon ay tungkol ho dito sa ASF pero…
Read MoreOPERASYON NG IBA PANG NEGOSYO BUBUKSAN NA RIN
KUNG may pagbabawal at paghihigpit na payagan ang mga establisimyento sa ‘NCR Plus’ bubble ay may ilan din naman ang pinayagan na mag-operate subalit limitado lamang. Bahagi ng guidelines na ipatutupad sa ‘NCR Plus’ bubble na nakasaad sa Omnibus Guidelines On The Implementation of MECQ sa bansa ang payagan ang ilang establisimyento na mag-operate subalit “at a maximum of 50 percent on-site capacity”. Ilan sa mga ito ay ang media establishments at ang kanilang total permanent staff complement, kasama na ang mga reporter at iba pang field employees. • Dental,…
Read More