WALANG PAGHIHIGPIT SA BORDERS NG NCR PLUS

ISINANTABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng border restrictions sa mga lugar ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na ang mga nabanggit na lugar ay nasa loob mismo ng NCR plus bubble kaya’t puwede nang hindi magpatupad ng anomang travel restrictions. Sa kabilang dako, sinabi ni Abalos na kung magpapatupad man ng border restrictions ay maaring ipatupad ito sa ibang mga lalawigan gaya ng Pampanga at Quezon province. “Sa…

Read More

2 SUNOG NAITALA SA MAYNILA

NAGING abala ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at ang mga volunteer dahil sa nangyaring dalawang sunog sa Paco at Binondo, Manila noong Sabado ng gabi. Unang iniulat ang sumiklab na sunog sa J. Nakpil St., sa Paco, Manila. Tinatayang 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sinasabing nagsimulang sumiklab sa tatlong palapag na gusali na pagmamay-ari ng isang Andres Nicdao sa #1175-D, J. Nakpil St. sakop ng Paco. Ayon sa report ng Manila Fire Department ng BFP, bandang alas-7:22 ng gabi nang magsimula ang sunog…

Read More

PNP-CIDG nagkasa na ng imbestigasyon PRIVATE SECTORS BINALAAN SA ‘BAKUNA FOR SALE’

MARIING tinutulan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang bentahan ng anti-COVID-19 vaccines sa lungsod, maging sa pribadong organisasyon, indibidwal o kompanya. Kasabay nito, nag-alok ang alkalde ng tulong ng mga doctor at nurses na magsisilbing vaccinators, encoders at iba pang kawani na kakailanganin sa maramihang pagbabakuna ng pribadong mga kompanya sa kanilang mga empleyado. Sinabi ni Moreno, magpapadala ng vaccinating teams ang pamahalaang lokal nang libre dahil ito ay kanilang gawain bilang public servant. “Any organization or kompanya, hindi ko papayagan to exploit the situation. Not on my watch.…

Read More

PONDO PARA SA COVID-19 VACCINE SA KABATAAN, TALAKAYIN NA

IMINUNGKAHI ni Senador Sonny Angara na ngayon pa lamang ay talakayin na ng Kongreso ang paglalaan ng pondo para sa pagbili ng mga bakuna na ituturok sa mga kabataan. Sinabi ni Angara na bagama’t pinag-uusapan pa kung papayagan na sa bansa ang pagbibigay ng bakuna sa kabataan, dapat na ring isama sa budget hearings na sisimulan sa Agosto ang paglalaan ng pondo. “Kailangan gawing prayoridad ‘yan sa 2022 budget dahil wala pong allotment sa 2021 budget. ‘Yung P82.5B sa Bayanihan 2 ang intensyon ay para sa mga adult population ng…

Read More

“Grand plan to cheat in 2022” ibinunyag COMELEC, SMARTMATIC MAGKAKUTSABA?

(NELSON S. BADILLA) ISINIWALAT ng beteranong clean elections advocate ang inaasahang pagsasakatuparan ng ‘engrandeng plano’ ng dayaan sa halalan sa Mayo 2022 dahil sa ikalimang ulit na pagsasama ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic Corporation sa pagsasagawa ng eleksyon sa bansa. Ito’y makaraang muling igawad ng Comelec sa nasabing kumpanya ang kontrata ng gagamiting refurbished vote counting machines (VCMs), secure digital (SD) main cards, SD write once-read many (WORM) cards, cleaning sheets, software deal for election management system, VCMs at consolidation-canvassing system. Ayon kay Atty. Glenn Chong: “Sa darating…

Read More

LINDOL SA ZAMBALES NARAMDAMAN SA QC

MAGKAKASUNOD na lindol na ang pinakamalakas ay may magnitude na 5.5 ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon. Bandang alas-12:41 ng hapon ay niyanig ng magnitude 5.2 lindol ang bayan ng San Antonio, Zambales na naramdaman hanggang Quezon City. Sa ulat ng Phivolcs, “tectonic” ang origin ng pag-uga ng lupa na naitala sa karagatang sakop ng nasabing bayan. Naitala ang Intensity 1 sa Quezon City, habang Instrumental Intensity 1 ang naitala sa Marikina City at Olongapo City. Wala naman inasahang pinsala sa mga istruktura pero pinaalalahanan…

Read More

P405.6-B BUDGET NG BAYANIHAN 3 NAKABITIN

PAIIRALIN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kasabihang “Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot” sa Bayanihan 3. Ito ang nabatid kay Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III sa isang panayam kahapon kaugnay ng nasabing panukala na ipinasa pa rin kahit wala pang kasiguraduhan kung saan kukunin ang P405.6 billion na pondo nito. “We will have to adjust.  kung ano ang available na pondo, we will have to adjust,’ ayon sa mambabatas na vice chairman din ng House committee on approprations. Magugunita noong nakaraang linggo ay ipinasa na sa nasabing komite…

Read More

QR CODE GAGAMITIN SA PNP RECRUITMENT

UPANG matiyak na tanging magagaling, matatino at kuwalipikado ang makapapasok sa Philippine National Police (PNP) ay magpapatupad ito ng bagong sistema sa kanilang recruitment. Ayon kay PNP Chief P/General Guillermo Eleazar, inaprubahan ni National Police Commission (Napolcom) chairman at SILG Eduardo Año ang recruitment para sa karagdagang 17,314 policemen upang mapalakas ang kakayahan ng kapulisan sa bansa. “Gaya ng ipinangako ko sa aking pag-upo bilang CPNP, gagamitan natin ng quick response o QR codes ang mga applications ng mga gustong magpulis. Walang pangalan o mukha, panay QR code, sa buong…

Read More

Impeachment case ‘di pwedeng isantabi ng Kamara REKLAMO VS LEONEN MATIBAY

HINDI puwedeng isantabi ng mababang kapulungan ng Kongreso ang impeachment case na isinampa ni FLAGG secretary general Ed Cordevilla laban  kay Supreme Court (SC) Associate Justice Maria Victor “Marvic” Leonen. Ganito idinepensa ni AKO Bicol party-list Rep. Alfred Garbin Jr., ang pag-usad ng impeachment case ni Leonen sa mababang kapulungan. Ginawa ng mambabatas ang pahayag bilang tugon sa puna umano ng ilan na mas inuuna nila ang impeachment case laban kay Leonen gayung nasa gitna ng pandemya ang bansa dahil sa COVID-19. “We have to follow the rules. Remember meron…

Read More