65 KASO INIHAIN VS. SMUGGLERS

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mas pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga smugglers na anila’y Sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, umabot na sa 65 kasong kriminal ang inihain ng BOC Action Team Against Smugglers (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga importers. Sa 65 kasong isinampa sa piskalya, 49 ang pasok sa kategorya ng agri-smuggling, habang ang nalalabi naman ay hinggil sa pagpupuslit ng produktong petrolyo, sigarilyo, uka-ukay at iba pang kalakal. Para kay Customs…

Read More

DETALYADONG PLANO NG PH LOGISTICS HUB UMARANGKADA NA

GANAP nang sumipa ang pagbalangkas ng detalye para sa pinananabikang pagtatayo ng logistics hub sa gawing katimugan ng bansa. Sa isang pagtitipon na dinaluhan ng mga kinikilalang eksperto sa pagtataguyod ng logistics hub, sinimulan ang paglalatag ng mga mekanismong tutukoy sa pinaka-angkop na lugar para sa paglalapagan, paglalagakan at pangangasiwa ng mga papasok at lalabas na kargamento. Sa kumpas ni Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) District Collector Erastus Sandino Austria, kasabay rin ang pag-arangkada ng plano para sa itatayong ‘world-class logistics hub.’ “Soon enough, our region would…

Read More

BOC AT ADB SANIB-PWERSA NA, KALAKALAN PAIGTINGIN

SA hangaring tiyakin ang pagpapalawak ng ugnayang pangkabuhayan kasama ang mga karatig bansa sa Asya, ganap nang nagsanib-pwersa ang Bureau of Customs (BOC) at Asian Development Bank (ADB) sa sabayang pagkilos para ‘ilako’ ang Mindanao bilang sentro ng kalakalan. Sa ginanap na pagtitipon para sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Economic Corridors Study, ibinida ng BOC Collection District XII (Port of Parang) ang bentahe ng nasasakupang rehiyon at maging ang potensyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Kasama rin sa talakayan ang Mindanao Development Authority (MinDA)…

Read More

SANTAMBAK NA SMART TV ATBP, HAGIP SA BULACAN

HINDI bababa sa P20 milyon halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled na smart televisions at computers ang sinamsam ng mga operatiba mula sa Bureau of Customs (BOC) matapos salakayin ang isang bodega sa lalawigan ng Bulacan. Bitbit ang Letter of Authority, pinasok ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Port of Manila ang pasilidad ng ECOM Electronics Reconditioning Services sa loob ng RIS Industrial Complex sa bayan ng Guiguinto ng naturang lalawigan. Sa kalatas ng ahensya, nakatanggap ng timbre ang BOC mula sa isang impormante hinggil sa bagsakan ng mga…

Read More

CLAIMANT TIMBOG SA P4M KUSH

Ni JOEL O. AMONGO ARESTADO sa pinagsanib na operasyon kontra drug smuggling ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 27-anyos na claimant kaugnay ng inangkat na droga mula sa Estados Unidos. Sa kalatas ng BOC, aabot sa halos P4-milyong halaga ng imported kush (high-grade marijuana) ang nasamsam mula sa suspek na kinilala sa pangalang Jeric Herrera ng Sta. Cruz, Maynila. Bago pa man ang pagdakip kay Herrera, nabisto ng mga aBOC personnel ang nasa halos dalawa at kalahating kilo ng kush na ikinubli sa kargamentong…

Read More

Anti-flood projects sa Montalban nirerepaso TAG-ULAN MAAGANG PAGHANDAAN – REP. NOGRALES

MULING nag-ikot si Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles at ininspeksyon ang sakop ng Upper Marikina River na malaking bahagi ng Montalban, na dinadaluyan at inaagusan ng iba’t ibang sangang-daanan ng tubig, munting ilog, maliit na sapa at batis para masolusyunan at hindi pagmulan ng pagbaha pagdating ng tag-ulan. Bukod dito, kabilang sa mga ininpeksyon ni Nograles ay ang Puray River, Pakiing River, Lukutang Malaki River, Lukutang Maliit River, Bautista Creek, at Manggahan River, pawang nasa bayan ng Montalban. Ang pag-apaw ng nabanggit na mga anyong tubig ang isa sa…

Read More

ILLEGAL RECRUITER TANGKANG SUMIBAT, ARESTADO

HINDI nakaalis ng bansa ang isang 43-anyos na dalaga na may kasong large scale estafa at illegal recruitment makaraang masabat sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang suspek na si Maria Rowena Himor, residente ng Barangay Lagasit, San Quintin, Pangasinan. Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division D-2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, bandang alas-3:00 ng hapon nang abangan ang target ng operasyon sa NAIA Terminal 3 sa lungsod ng Pasay. Inutos ni Samonte…

Read More

SENEGALESE NATIONAL PINIGIL NG BI SA FRAUDULENT PASSPORT

SUMASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang isang Senegalese national makaraang magpresenta ng fraudulent passport at border arrival stamp sa Bureau of Immigration (BI). Ayon sa nakalap ng report, nag-file ang 37-anyos na Senegalese national ng tourist extension visa sa immigration, ngunit napansin ni Raymond Remegio, hepe ng Tourist visa section, na mayroong discrepancies ang documents. Bunsod nito, ipinadaan ang dayuhan sa secondary inspection upang sumailalim sa forensic documents laboratory at dito nakumpirmang peke ang lahat ng isinumiteng dokumento ng dayuhan. Inihahanda na ang kaso laban sa dayuhan bunsod ng paglabag sa immigration laws. Kaugnay nito, kahaharapin ng dayuhan ang immediate deportation at mapapabilang…

Read More

MARCOS, REMULLA ‘WORST CABINET MEMBERS’ – SURVEY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUNG pagbabatayan ang sentimyento ng mga Pilipino, hindi kinagat ng publiko ang paandar ng tatlong prominenteng Kalihim na pirming laman ng balita sa dyaryo, radyo at telebisyon. Batay sa pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Publicus Asia, lagapak ang grado nina Secretary Crispin Remulla ng Department of Justice (DOJ) at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA). Pasok din sa Top Three Worst Cabinet Members ng administrasyong Marcos si Secretary Jaime Bautista ng Department of Transportation (DOTr). Ayon sa Publicus Asia, pinakamarami…

Read More