PAGRESPETO SA KARAPATAN AT PAGPAPAHALAGA SA KAPAKANAN NG LAHAT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAKATAPOS lang nitong Hunyo ng napakakulay na pagdiriwang ng tinatawag nating Pride Month — isang napakahalagang kaganapan para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community at mga taga-suporta nito. Ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ako sa pagdiriwang nito ng pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng komunidad ay noong nagkaroon ng Pride Parade sa Taipei. Marami kaming kaibigan na miyembro ng komunidad kaya minabuti naming sumali at maki-martsa, kaya talagang damang-dama ko noon ang nag-uumapaw na saya ng napakaraming sumama sa pagdiriwang, at pati na rin ang…

Read More

USAPIN NA NG SEGURIDAD SA PAGDAGSA NG TSINO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGHIGPIT ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-iisyu ng visa sa mga Chinese na pumapasok sa Pilipinas. Paliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may mga nang-aabuso sa paggamit ng visa kaya naghigpit ang gobyerno. Ayon sa Pangulo, walang pinipili ang paghihigpit ng gobyerno, ngunit tila ipinupunto ni PBBM ay ang mga Tsinong nasasangkot sa ilegal na gawain. Ang isa pa sa pinansin ni Marcos Jr. kamakailan ay ang student visa ng mga Chinese, na target din ng isang senador na talupan. Dahil sa pagdagsa ng…

Read More

BRONZE AWARD AT KADIWA NG PANGULO NG PASAY LGU

TARGET NI KA REX CAYANONG NAGANAP noong Miyerkoles, Hunyo 26, 2024, ang isang mahalagang araw para sa Lungsod ng Pasay matapos igawad ang “Bronze Award” sa kanila sa Regional Human Resource Management Practitioners (HRMP) Congress na pinangasiwaan ng Civil Service Commission (CSC). Ang pagkilalang ito, na ipinagkaloob sa pamamagitan ng CSC-National Capital Region (NCR) Resolution No. 2300870, ay isang patunay sa mataas na pamantayan ng kanilang human resource management system na alinsunod sa mahusay na sistema ng dokumentasyon sa ilalim ng Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource…

Read More

AKO-OFW Partylist Takes Active Role in OFW Conference, Urges Government Action

The AKO-OFW partylist played a significant role in a recent OFW Conference in BGC, Henry Sy Hall, Taguig City. The conference, attended by a diverse group of OFW organizations, government representatives, and stakeholders. Dr. Chie Umandap, the founding chairman and first nominee of AKO-OFW, served as one of the panelists. Dr. Umandap actively engaged in discussions surrounding the challenges and opportunities facing OFWs, highlighting the need for stronger government support and protection. The conference culminated in the adoption of a resolution urging the government to prioritize the active participation of…

Read More

PFP, NUP ALLIANCE GAMITAN LANG

AGAD idinipensa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang “unity alliance” na nabuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at National Unity Party (NUP) na itinuturing ng mga kritiko na “marriage of convenience.” Sa isinagawang signing ceremony para sa PFP-NUP Alliance: Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Kamagong Hall ng Manila Golf and Country Club sa Makati City, nagsanib ang dalawang Partido dahil sa pagkakapareho umano ng kanilang ideolohiya at pagkakaisa. “Now, many commentators, undoubtedly, are going to say these are marriages of convenience. So, when they once again, when you…

Read More

PAGCOR pinakakanta PADRINO NG BAMBAN AT PORAC POGOs PANGALANAN

(BERNARD TAGUINOD) HINAMON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pangalanan ang dating Cabinet member na naglalakad sa lisensya ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na niraid sa Tarlac at Pampanga. Ayon kay House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, hindi dapat hayaan na hindi mapanagot ang dating miyembro ng Gabinete na ito dahil inilalagay nito sa panganib ang seguridad ng bansa. “Dapat pangalanan na ng PAGCOR ang mga opisyal na pilit lumalakad…

Read More

Rescue ops tinangkang pigilan ng CCG FISHING BOAT SUMABOG SA BAJO DE MASINLOC

SINUBUKAN pang pigilan ng mga tauhan ng China Coast Guard ang isinagawang rescue operation ng mga kagawad ng Philippine Coast Guard para masagip ang mga tripulanteng sakay ng sumabog na fishing boat malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Sa inisyal na ulat, sugatan ang dalawang Pilipinong mangingisda matapos sumabog ang makina ng sinakyan nilang bangka malapit sa Bajo de Masinloc. Ayon sa PCG, sinubukan silang harangin ng China Coast Guard na namataan malapit sa lugar kahit idineklara nila sa mga ito na magsagawa sila ng emergency response sa…

Read More

25TH NATIONAL CHARITY CONVENTION NG RIDERS

TUMANGGAP ng certificate of appreciation ang dating entertainment editor ng Saksi Ngayon sa ginanap na 25th National Charity Convention ng United Riders Charity of the Philippines (URCPI) sa Felipe G. Calderon Integrated School, Hermosa St., Tondo, Manila. Nagpaunlak si Ms. Julieta Quibral-Pacot sa idinaos na event kung saan pinagkalooban siya ng nasabing pagkilala bilang pasasalamat. Sa isang panayam kay Mr. Cesar Vergara, national president ng riders club, sinabi nito na nasa 300 miyembro ang kanilang samahan na mula sa iba’t ibang lugar sa bansa tulad ng Pampanga, Cavite, Pangasinan, Isabela,…

Read More

DUMP TRUCK SINUNOG NG 5 KATAO SA CAVITE

CAVITE – Sinunog ng limang ‘di kilalang kalalakihan ang isang sasakyan na panghakot ng mga basura sa Dasmariñas City noong Sabado ng umaga. Ang sinunog ng limang kalalakihan ay isang 10 wheeler HOWO truck na may plakang NH B8625, na pagmamay-ari ng isang Nelson Ching ng Metro Waste Solid Waste Management Corporation. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang sunugin ng limang kalalakihan ang nasabing dump truck habang nakaparada ito sa Silang-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite. Agad namang ini-report ang nasabing insidente sa Dasmariñas Component…

Read More