NAGLABAS na ng arrest order ang liderato ng Kamara laban sa dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang bunsod ng paulit-ulit nitong pagbalewala sa imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs. Matapos lagdaan ni House Secretary General Reginald Velasco ang contempt order na inisyu ng komite na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, dinala na ni House Sergeant-at-Arms, retired Gen. Napoleon Taas ang arrest order sa Fortun Law Offices sa 134 CRM Avenue, BF Homes Almanza, Las Piñas City.…
Read MoreDay: July 31, 2024
PBBM NAGPAABOT NG PAGBATI SA ANIBERSARYO NG INC
NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-110 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo (INC). Sa kanyang mensahe, inilarawan ng Pangulo na “makasaysayan” ang pagdiriwang ng anibersaryo ng INC. Binanggit ng Pangulo ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya at dedikasyon na ipinamamalas ng mga miyembro ng INC. Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanilang walang sawang paglilingkod at pagdalo sa mga gawain ay pagpapakita lamang ng pagkakaisa, pag-unlad at mas malalim na pang-unawa bilang isang sambayanan. Hinikayat ng Pangulo ang lahat ng miyembro ng INC na patuloy pang pagtibayin ang…
Read MoreABOT-KAYANG LIVER TRANSPLANT HIRIT NI REP. TULFO SA DOH
NANAWAGAN nitong Miyerkoles si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo sa Department of Health (DOH) na gumawa ng paraan para masolusyunan at maisailalim sa liver transplant ang mga batang may biliary atresia sa bansa. Sinabi ito ni Tulfo sa Makati Shangri-La hotel sa isinagawang programa ng pasasalamat para sa 150 batang Pinoy na may biliary atresia na matagumpay na sumailalim sa liver transplant sa Apollo Hospital sa New Delhi, India. “This celebration is also call to action,” ani Tulfo patungkol sa pamahalaan partikular sa DOH na gumawa ng paraan para masolusyunan…
Read MoreKAMARA KUMILOS PARA TULUNGAN MGA APEKTADO NG OIL SPILL
AGAD pinakilos ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas upang tulungan ang libu-libong mangingisda sa apat na lalawigan na naapektuhan ng pagtagas ng langis. “Hindi na natin hihintayin na humingi sila ng tulong sa atin. Tayo na ang lumapit sa kanila para alamin kung ano ang tulong na kailangan nila sa atin at sa gobyerno,” aniya. “The livelihood of our fisherfolk is at stake. We must act quickly to mitigate the damage and provide the necessary support,” pahayag pa ng lider ng may 300 miyembro na…
Read MoreItinurong dahilan ng oil spill disasters CRONY CAPITALISM SA MARCOS ADMIN
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lamang kapabayaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dahilan ng oil spills disasters kundi sa dahil sa crony capitalism. Ito ang alegasyon ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos lumubog ang MV Terra Nova na may kargang langis sa Bataan na naging dahilan umano ng oil spill. Ayon sa grupo, malinaw sa Memorandum Circular 02-2013 ng Philippine Coast Guard (PSG), mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag ng mga barko kapag may storm signal subalit pinayagan ang MV Terra Nova kahit nananalasa ang bagyong…
Read MoreDRUG SMUGGLING CASE IPINAGKIBIT-BALIKAT NI POLONG
IMBES mabahala, welcome pa umano kay Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagsasampa ng kasong drug smuggling ni dating Sen. Antonio Trillanes III laban sa kanya at sa bayaw na si Manases Reyes Carpio. “I welcome Antonio Trillanes’ plan to file a drug smuggling case against me,” ani Duterte matapos ianunsyo ni Trillanes na nakatakda itong magsampa ng kaso kaugnay ng 600 kilo na shabu na nagkakahalaga ng P6.4 billion na dumating sa bansa noong 2017. Bukod sa dalawa ay kasama umanong kakasuhan sina dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner…
Read MoreSOLON MAY PATUTSADA SA POLICE SECURITY NI BONG GO
“MABUTI pa siya may security ah.” Reaksyon ito ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa reklamo ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na una siyang inalisan ng police security bago i-recall ng Philippine National Police (PNP) ang 75 sa security ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa mambabatas, ang mga ordinaryong politiko ay hindi pwedeng dalhin ang lahat ng kanilang police security sa bawat lugar na pupuntahan ng mga ito. “Hindi, you know, for us politicians who travel from one province to another minsan naman po nagko-coordinate tayo sa…
Read MoreMAY FLOOD CONTROL PROJECTS BA TALAGA?
DPA ni BERNARD TAGUINOD MERON ba talagang flood control projects ang gobyerno na ginastusan ng mahigit isang bilyong piso noong 2022 at 2023 at halos isang bilyong piso ngayong 2024 kada araw? Kung meron bakit lumalala ang baha, hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa karatig na mga lalawigan? Kung susumahin mula 2022 hanggang 2024 , mahigit P1.1 trilyon ang nagastos ng gobyerno sa flood control projects pero ang tanong ng mga tao, bakit mas lumala pa ang baha sa Metro Manila noong manalasa si bagyong Carina? Malamang hindi…
Read MoreTAMA BANG MAG-PARK SA TAPAT NG DRIVEWAY NG KAPITBAHAY?
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN UMANI ng maraming likes at views ang post na video ng isang netizen sa X, na umano’y hinarangan ang kanilang gate ng motor. Ayon sa nag-post, nakaparada ang motor sa tapat ng kanilang gate. Hindi raw sila makalabas dahil masyadong nakadikit ang motor. Harang na harang, ika pa niya. Kalaunan, natumba ang motor kasi walang nagtanggal nung lalabas na sila. Sa huli, sila pa ang masama. Umabot na sa halos labing-limang libong likes at mahigit kumulang dalawang milyong views ang post. Ang isyu lang…
Read More