NAKABIBINGI ang katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa isyu ng blankong items sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget na tinawag ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na “BiScam o Bicam Scam. Unang hiningan ng reaksyon ng mga mamamahayag si dating House committee on appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co hinggil sa isiniwalat nina dating pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Rep. Isidro Ungab at Rodriguez subalit hindi ito sumasagot. Si Co ay tinanggal bilang chairman ng nasabing komite noong Enero…
Read MoreDay: January 26, 2025
ATTY. VIC RODRIGUEZ: KAILANGAN MAY MANAGOT SA BLANK BICAM REPORT
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DAPAT habulin at papanagutin ang mga nasa likod ng blankong bicameral conference committee report sa 2025 national budget. Ayon sa senatorial aspirant na si Atty. Vic Rodriguez, kailangan may managot sa nasabing usapin dahil maaaring magdusa ang mga Pilipino. Kaya naman may mga grupo na aniyang naghahanda para iakyat sa Korte Suprema ang isyu. “Inaaral na ‘yung challenge na dadalhin sa Korte Suprema dahil unconstitutional ang 2025 budget dahil nga ‘yung pinakita ni [dating] Pangulong Duterte na bakante, bungi-bungi sa bilyong-bilyong pisong halaga nung final bicameral…
Read More17 HOSTAGE PINOY SEAFARERS, 2 BESES DINALAW NG ICRC
IKINAGALAK ng pamunuan ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na kapiling na ngayon ng kani-kanilang pamilya ang 17 Filipino seafarers na mahigit isang taong hostage sa Yemen. “We share the joy in this news, as the seafarers finally reunited with their families after more than one year,” ani Johannes Bruwer, pinuno ng ICRC delegation sa Pilipinas. Inihayag din nito na sa dalawang pagkakataon ay binisita ng mga kinatawan ng ICRC ang 25 seafarers na kinabibilangan ng 17 Filipino seafarers. “As a neutral humanitarian organization, the ICRC, through its…
Read MoreMalakanyang todo-iwas KONGRESO IDINIIN SA ‘BLANK’ BICAM REPORT
(CHRISTIAN DALE) TILA isinalba ng Malakanyang ang sarili nang sabihing hindi ito responsable at wala itong pananagutan sa sinasabing “blank” entries sa 2025 national budget. Hinamon kasi ni Davao City Rep. Isidro Ungab ang Malakanyang na dalhin sa Korte Suprema ang usapin sa sinasabing blank items sa 2025 General Appropriations Act (GAA). Bilang tugon, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na ginagalang niya si Ungab at iba pang personalidad na may planong dalhin ang usapin sa Korte Suprema. Giit…
Read MoreChina nambarako na naman NAKASISILAW NOON, NAKABIBINGI NGAYON
KUNG noon ay gumagamit ang China Coast Guard ng nakabubulag na military type laser beam, ngayon naman ay gumamit naman sila ng nakabibinging ingay para lamang balasubasin ang mga tauhan ng mga sasakyang dagat ng Pilipinas na nagpapatrulya sa nasasakupan ng Exclusive Economic Zone ng bansa. Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, sa kauna-unahang pagkakataon ay gumamit ang China ng Long Range Acoustic Device (LRAD) para lamang i-harass ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon sa PCG, karaniwan kasing gumagamit ang China ng water cannons at…
Read MorePagkakaroon ng Inklusibong Lipunan
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NITONG nakaraang linggo, ipinagdiwang ang 29th National Autism Awareness Week na naging daan para mas mapalawak pa ang kamalayan ng ating lipunan at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na nasa spectrum ng autism. Ayon sa Autism Society Philippines o ASP, nasa 1 sa 100 bata sa bansa ang may autism. Sa kabila ng mga datos na ito, nagiging sanhi ng diskriminasyon at hindi pagkakaunawaan ang kakulangan ng edukasyon tungkol dito. Nabigyan ako ng pagkakataong dumalo sa isang sensitivity…
Read MoreSa Mayo 12, Isko is coming back sa Manila City Hall!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA O, ano na, mga troll ni Mayora Honey Lacuna, nakahihiya, nakaiiyak ang pagiging kulelat ng inyong manok. Sayang ang libo-libong pisong PR money sa inyo — na kinukubra n’yo sa kabang-yaman ng Manila City Hall. E, ako nga e naiiyak, mantakin n’yo naman, si Mayora Lacuna ang nasa timon, kumbaga ay bida sana (?) sa darating na eleksyon sa Mayo 12, kasi incumbent siya, kumbaga, may built-in advantage na siya laban kay comebacking Francisco ‘Yorme Isko Moreno’ Domagoso. Pero, nanang ko po, nakadidismaya ang…
Read MoreTAPAT ANG SERBISYO NI CONG. BRIAN YAMSUAN SA DIS. 2, P’QUE
TARGET NI KA REX CAYANONG SA bawat hakbang tungo sa pag-unlad, hindi maitatanggi ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga lider na may malasakit at tunay na dedikasyon para sa kanilang mga nasasakupan. Isa na rito si Cong. Brian Yamsuan, na patuloy na nagpapamalas ng malasakit sa pamamagitan ng kanyang mga programa na nagbibigay ginhawa at pag-asa sa Distrito Dos ng Parañaque. Kamakailan, pinatunayan ni Cong. Yamsuan ang kanyang malasakit sa mamamayan sa pamamagitan ng Extra Rice Program, kung saan 700 benepisyaryo mula sa Cubic Side, Brgy. Merville ang nabigyan ng…
Read MorePAGPAPAUWI SA LABI NG SEAFARER, PANAWAGAN NG ASAWA
AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP LABIS akong nanlumo sa impormasyon na natanggap ng AKO OFW sa SAKSI Ngayon, dahil sa isa na namang overseas Filipino worker ang nawalan ng buhay at hindi na muling makakasama pa ang kanyang pamilya. Ito’y kasunod ng paghingi ng tulong ni Rosalie Cedro na asawa ng namatay na si Germanito Cedro. Sa pakikipag-usap natin kay Rosalie, sinabi nitong hindi niya matanggap ang sinapit ng kanyang asawa matapos itong mawalan ng buhay dahil sa atake sa puso noong January 6 taong kasalukuyan. Kwento ni…
Read More