ONE MERALCO FOUNDATION, KAAGAPAY NG MGA KOMUNIDAD SA BANSA

TAGAPAGHATID NG LIWANAG AT PAG-ASA. Kasama ng One Meralco Foundation ang mga benepisyaryo ng electrification programs nito mula sa iba’t-ibag bahagi ng bansa Binigyang halaga ng One Meralco Foundation (OMF), ang corporate social responsibility arm ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga benepisyaryo at community partner nito matapos ang isang makabuluhang taon na paghahatid ng liwanag sa iba’t ibang lugar sa bansa pamamagitan ng community electrification programs. Sa isang simpleng programa kung saan kinilala ng OMF ang mga partner nito, ang mga benepisyaryo ng mga programa. Kabilang mga kinatawan ng…

Read More

HOOPS FOR ALL

Sa pagdiriwang ng ika-29 na National Autism Consciousness Week, nagkaisa ang Autism Society Philippines (ASP) at National Council on Disability Affairs katuwang ang One Meralco Foundation (OMF), Meralco Bolts, at Meralco Savings and Loan Association (MESALA) para sa kauna-unahang autism-inclusive basketball clinic na naglalayong bigyan ang mga kabataan na nasa autism spectrum ng ligtas at inklusibong lugar para  matutong maglaro ng basketball. Pinangunahan ni Meralco Bolts Coach Norman Black ang mga aktibidad nitong Enero 25 sa Meralco Gym, Pasig City. 76

Read More

31 NASAKTAN, 300 BAHAY NAPINSALA SA S. LEYTE QUAKE

MAY kabuuang 31 katao ang naiulat na nasugatan habang mahigit 300 bahay ang napinsala sa magnitude-5.8 earthquake na yumanig sa San Francisco, Southern Leyte noong Huwebes. Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinakabagong bulletin, isang araw matapos ang paglindol, sinabi ng NDRRMC na nakatanggap ito ng report na 31 ang nasugatang tao at magsasagawa na ito ng balidasyon sa impormasyon. Wala namang naiulat na nasawi o nawawala sa insidente na nangyari alas-7:39 ng umaga ng Huwebes. Sinabi ng NDRRMC na may anim na bahay ang…

Read More

DOMAIN ATTACK SA EDUCATIONAL INSTITUTIONS PINAAAKSYUNAN

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Network Foundation, Inc. (PHNet) na agad tugunan ang problema sa distributed denial of service (DDoS) attack na nagdudulot ng kahirapan sa pag-access ng mga .edu.ph domain ng mga institusyong pang-edukasyon. Ayon sa senador, mahalagang bigyang-prayoridad ang agarang pag-restore ng online services ng mga apektadong institusyon. Hinikayat din niya ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga insidenteng ito at ipaalam sa publiko ang tunay na kalikasan ng problema,…

Read More

IMPEACHMENT NI VP SARA ‘DI HAHARANGIN NI PBBM

HINDI hinahadlangan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proseso ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. Sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa di umano’y pakikialam ni Pangulong Marcos kaya naaantala ang impeachment proceedings laban kay VP Sara. “He (Marcos) is not blocking. He cannot do that because it is the discretion of the collective of the lower house. If they decide…

Read More

Simula na immigration countdown ni Trump HOTLINES INILATAG PARA SA MGA PINOY SA US

(CHRISTIAN DALE) NAGLAGAY ang Philippine Embassy sa Estados Unidos ng 24/7 hotlines para sa mga Pilipino na nandoon sa gitna ng implementasyon ni US President Donald Trump na paglansag sa illegal immigrants. Sa isang Facebook post, sinabi ng Philippine Embassy na ang lahat ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay mayroong karapatan anoman ang kanilang immigration status. Sinasabing, available ang 24/7 consular hotlines sa mga ‘urgent situation.’ Ayon sa Philippine Embassy, ang consular services ay available sa lahat ng mga Pinoy, anoman ang status. Ang mga hotline ay nasa Washington…

Read More

KAMARA TAMEME SA BLANK ITEMS SA BICAM REPORT

WALA pang nagsasalita sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa inirereklamong blangkong item sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget. Maging si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na kasalukuyang Appropriations committee acting chairperson ay tila umiwas sa mga tanong ukol sa usapin. Sinubukang kunan ng mga reporter ng paliwanag si Quimbo ukol sa isyu sa isang ambush interview, ngunit pinatabi lang sila ng staff ng mambabatas dahil kailangan na nitong umalis para sa isang event. “Nagmamadali lang siya. Nagmamadali lang siya,” wika ng tauhan habang mabagal na…

Read More

Ang pumalag, sibak – Ungab LIDERATO NI ROMUALDEZ MALA-MARTIAL LAW

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IBINAHAGI ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang kakaiba aniyang liderato ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi maaaring sumalungat sa nakararami. Mistulang martial law style ang paglalarawan ni Ungab sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez dahil kapag aniya hindi ka sasang-ayon sa kanila, tatanggalan ka ng posisyon. “First time ko rin nakita ito na leadership sa Congress na pag hindi ka sasang-ayon sa kanila-if you start talking against what they are saying, sinu-suppress talaga nila ang opposition. Tatanggalan ka ng position,…

Read More

PINAS MAGPAPADALA NG HCWs SA JAMAICA

SASAKLOLOHAN ng Pilipinas ang bansang Jamaica upang punan ang kakulangan sa healthcare workers ng naturang bansa. Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) ng ahensya sa pagitan ng Ministry of Health ng Jamaica, na magpapahintulot sa mabilisang pagpapadala ng mga Pinoy healthcare worker para sa capacity building. Hindi naman tinukoy ng DOH kung gaano karami ang healthcare workers na ipadadala sa Jamaica. Nilagdaan ang naturang kasunduan nina Philippine Health Secretary Teodoro Herbosa at Jamaican Health Minister Christopher Tufton sa Kingston, Jamaica.…

Read More