INISYUHAN ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause order si Atty. Alson Kevin Anarna, kandidato sa pagka-alkalde ng Bayan ng Silang sa lalawigan ng Cavite. Si Anarna ay pinagpapaliwanag tungkol sa kanyang naging komento sa solo parents/lolo/lola sa kanyang campaign rallies noong Marso 29, 2025. Sa kanyang campaign rallies sa nasabing petsa, binanggit ni Anarna na ang mga balong babae at balong lalaki ay kanyang ira-raffle at kung kanyang mabubunot ay kanyang ipapakasal. “Kanina ‘di ko na mabilang kung ilan ang kumurot sa puwet ko. Meron pa kanina si…
Read MoreDay: April 11, 2025
CONVENIENCE STORE SA CAVITE, HINOLDAP NG NAKA-INNOVA
CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang Toyota Innova na ginamit ng apat na kalalakihan nang holdapin ang isang convenience store sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Cavite Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng may-ari ng itim na Toyota Innova na may plakang NEB 9901, na ginamit ng apat na suspek. Ayon sa ulat, bandang alas-4:20 ng madaling araw nang iparada ng mga suspek ang nasabing sasakyan sa harapan ng isang convenience store sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City at…
Read MoreNASABAT NA P28.7-M ASUKAL ININSPEKSYON NG BOC
PINANGUNAHAN mismo ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang pagsusuri sa nasabat na tone-toneladang misdeclared refined sugar na nasabat sa Port of Subic. Kahapon, nagsagawa ng inspeksyon ang pamunuan ng Aduana Port of Subic kaugnay sa labing-apat na 20-foot container vans ng misdeclared sugar products mula sa Vietnam na may estimated value na umabot sa P28,728,000, na pinigil ng mga tauhan ng BOC dahil sa mga paglabag sa customs regulations at kaukulang legal provisions. Nabatid na ang shipment ay idineklarang “Sweet Mixed Powder,” na nagmula sa Dong Nai Province,…
Read MoreGOBYERNO KINALAMPAG NG MGA NEGOSYANTE SA KIDNAPPING INCIDENTS
“AN attack on the Philippines’ peace and order is an attack on the stability of our society and our ideals as a democracy.” Ito ang sama-samang pahayag ng iba’t ibang grupo ng mga negosyante sa Pilipinas kaugnay sa nagaganap na kidnapping incidents sa bansa kasabay pagkondena at sigaw ng katarungan para sa pinatay na negosyanteng si Anson Que o Anson Tan at sa driver nito kahit na nagbayad na ng ransom ang pamilya nito. “With outrage and grief, we deplore with the strongest possible terms the heinous, barbaric kidnapping and…
Read MoreIniyabang ni Abby sa Taguig CAMPAIGN FUNDS NI ZAMORA LIMPAK-LIMPAK
MISTULANG ipinangalandakan ni Makati Mayor Abby Binay ang “limpak-limpak” na campaign funds ni Incumbent Rep. Pammy Zamora sa ginanap na campaign sorties nito sa CEMBO, Taguig City na tila ipinang-aakit umano ng boto para sa kanilang kandidatura. Sa ginanap na campaign rally sa CEMBO, Taguig City, sinabi ni Mayor Abby na kaya may lakas nang loob siyang humarap sa taga-Taguig, dahil mayroon itong eendorso na maging kasama at kasangga upang magkaroon siya ng counterpart sa Kongreso sakaling mahalal sa Senado. “Kaya may lakas ng loob akong humarap sa inyo, dahil…
Read MoreFIL-CHI BUSINESSMEN PINULONG NI PNP CHIEF MARBIL
UPANG mapawi ang takot, nakipagpulong si PNP chief General Rommel Francisco Marbil sa grupo ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FCCCII), Biyernes ng umaga sa Camp Crame. Tiniyak ni Marbil na nananatiling kontrolado ng pambansang pulisya ang sitwasyon ng siguridad sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng kidnapping. Dumalo rin sa pagpupulong ang matataas na opisyal ng PNP. Kabilang sa kanilang tinalakay ay ang tugunan ang lumalalang agam-agam ng Filipino-Chinese community para sa kanilang kaligtasan at seguridad. Matatandaan na isang14-anyos na Tsinoy ang pinutulan pa ng…
Read MoreMAG-ASAWANG KOREANO NA SANGKOT SA TELCO FRAUD HULI SA MAKATI
HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang mag-asawang Korean national na wanted sa South Korea dahil sa malakihang telco fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspek na sina Choi Jeongyun at Kim Minwoo, parehong 41-anyos, na dinakip sa kanilang bahay sa Barangay Carmona, Makati noong Abril 4. Ang dalawa ay may red notice mula sa Interpol dahil sa arrest warrant na inilabas ng Chucheon District Court sa Korea. Sinasabing sangkot ang mag-asawa sa voice phishing kung saan nakapanloko sila ng higit US$840,000 mula sa mga…
Read More84 CHINESE NA HINULI SA POGO NA-DEPORT NA
NAIPA-DEPORT na ang 84 na Chinese nationals na naaresto sa magkakahiwalay na POGO hub sa bansa. Lulan ng Philippine Airlines, lumipad kaninang 6:35 ng umaga ang eroplano na naghatid sa mga dayuhan papuntang Beijing, China na direct flight o walang stop over. Mula sa 84 ay 75 sa kanila ang lalaki, habang siyam ang babae. Karamihan sa kanila ay naaresto sa POGO hub sa Parañaque at Pasay City, habang ang Ilan ay nahuli naman sa Bamban, Tarlac at sa Lapu-Lapu Cebu. Siniguro ng Department of Justice, Bureau of Immigration at…
Read MoreCASH SA HALIP NA NAKAKA-DIABETES NA CAKE
Hirit na pa-birthday sa seniors ng Maynila HINILING ng mayorya ng senior citizens sa Lungsod ng Maynila na cash na lang ang iregalo sa kanilang mga kaarawan kaysa sa nakaka-diabetes na cake. Request granted naman ang sagot ng pamahalaang lungsod sa kanilang kahilingan kaya sa halip na birthday cake mula sa city government ay cash na ang kanilang matanggap tuwing kanilang kaarawan. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, pinag-usapan nila ni Vice Mayor Yul Servo na amyendahan ang umiiral na city ordinance para suportahan ang nasabing plano. Sinabi pa ni…
Read More