Resbak ng Pandi, Bulacan mayor P2-M PABUYA VS DUMUNGIS SA PANGALAN NG ALKALDE

MATAPOS na ibasura ng korte ang kasong rape laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at 2 iba pa, ito naman ang resbak nito, ang paghain ng kontra-demanda at naglaan ng P2-milyong pabuya laban sa mga taong nais dungisan ang kanyang pagkatao at public image. Ayon kay Mayor Roque, handa siyang magbigay ng P2-milyon sa sinomang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Mikaela Mariano, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay 188, Bagong Silang, Caloocan City, ang indibidwal na nagsampa ng kasong rape sa alkalde na ibinasura na ng korte. Nauna rito,…

Read More

LALAKI NIRESBAKAN NG AMO NG TRABAHADOR

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang resbakan ng isang rider matapos pagalitan umano nito ang trabahador ng suspek sa Dasmariñas City nitong Lunes ng madaling araw. Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas “Glen” dahil sa pagpatay sa biktimang si alyas “Erwin”. Ayon sa ulat, bandang ala-1:40 kahapon ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, kung saan kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang nasabing lugar sakay ang kanilang motorsiklo. Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente, pinagbabaril ng suspek ang biktima dahilan ng…

Read More

MIYEMBRO NG ARMED GROUP TIMBOG SA GRANADA, 2 BARIL

ZAMBOANGA DEL SUR – Arestado ang isang miyembro ng potential armed group (PAG) at nakumpiskahan ng dalawang baril at pampasabog sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation ang Detection Group noong Sabado sa bayan ng Bayog, sa lalawigan. Ayon sa ulat, isinagawa ng operasyon ng CIDG Zamboanga Field Unit laban sa suspek na kinilalang si alyas “Junrel”, miyembro ng isang potential PAG na ginagamit umano ng isang politiko sa lugar. Ayon kay CIDG Director Police major General Nicolas Torre III, sa bisa ng search warrant sa paglabag sa RA 10591 o…

Read More

BILYONG PISONG KITA SA QUARRY NG NUEVA ECIJA, MISSING?

BILYONG pisong revenue ang inaasahang kita sana ng probinsya ng Nueva Ecija sa multibillion project ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) na magdudugtong sa tatlong malaking expressway na tutumbok sa sentro ng komersyo at negosyo sa siyudad ng Cabanatuan, subalit sentro ng diskusyon kung saan napunta ang koleksyon sa quarry. Base kasi sa report ng Commission on Audit (COA), kulelat sa quarry collection ang Nueva Ecija kung saan umabot lamang sa halos P400,000 ang idineklarang kita ng probinsya noong 2022 at nasa P1 milyon lamang ang kinita noong 2023, gayong…

Read More

SHOW CAUSE ORDER VS 4 KANDIDATO INILABAS NG COMELEC

NAGLABAS ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec), na humihiling sa apat na kandidatong tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa lalawigan ng Masbate, na ipaliwanag ang umano’y paggamit nila ng emergency alert messaging system na naglalaman ng “political advertisements” o “election propaganda.” Ang apat na indibidwal ay kinabibilangan ni Masbate gubernatorial candidate Ricardo Kho, vice gubernatorial candidate Fernando Talisic, Masbate City mayoral candidate Olga Kho, at Masbate 2nd District Rep. Elisa Kho, na naghahangad na makakuha ng congressional seat para sa paparating na botohan. Batay sa mga dokumentong…

Read More

AKO-OFW PL PASOK SA WR NUMERO SURVEY

NAPABILANG na ang AKO-OFW party-list sa mananalong party-list groups kung ang eleksyon ay gaganapin sa araw na isinagawa ang survey ng WR Numero para sa 2025 midterm election. Ayon kay 1st nominee and AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap, lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagtitiwala sa AKO-OFW. Aniya, ang survey ay tinatangap lamang nila bilang inspirasyon kapalit ng kanilang pagod sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang maipaabot ang kanilang adbokasiya. Dagdag pa ni Umandap, mas kailangan pa nilang dagdagan ang kanilang pagkilos upang higit na…

Read More

2 TIMBOG SA DROGA SA TONDO AT PORT AREA, MANILA

DALAWANG hinihinalang tulak ng droga ang naaresto sa magkahiwalay na lugar sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo at Port Area, Maynila sa magkasunod na oras Lunes ng madaling araw. Ang unang suspek ay nabingwit ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District Jose Abad Santos Police Station bandang ala-1:30 ng madaling araw sa riles ng tren ng PNR sa Laong Nasa Street sa Barangay 155. Ayon sa ulat ni Police Major Manuel Calleja, hepe ng Station 7 SDEU, dahil sa impormante nasukol ang suspek na…

Read More

PHILIPPINE CONTINGENT MULA MYANMAR BALIK-PINAS

NAKABALIK na sa Pilipinas ang Philippine Inter-Agency Humanitarian CONTINGENT (PIAHC) matapos ang kanilang deployment sa Myanmar dahil sa 7.7 magnitude na lindol na tumama sa nasabing bansa noong Marso 28. Pinagkalooban ng ‘heroes welcome’ ang bumubuo ng 89-man team mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor nang salubungin sila sa Villamor Air Base sa Pasay City lulan ng C-130 cargo plane ng Philippine Air Force (PAF). Ang PIAHC ay pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Erwen S. Diploma ng PAF sa kanilang dalawang linggong humanitarian mission sa Myanmar na sinalanta…

Read More

PRO-CHINA VLOGGERS ITINAKWIL

TILA itinakwil sa Mababang Kapulungan NG ang mga pro-China vlogger dahil traydor umano ang mga ito at hindi karapat-dapat na tawaging mga Pilipino. Ginawa ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pahayag dahil sa habang tumatagal aniya ay dumarami ang mga Pilipinong vlogger na sumusunod sa kasinungalingang ipinapakalat ng China sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). “Ito ay hindi lang fake news eh, ito’y agarang pagtataksil sa ating bansa. It’s so disturbing that there are Filipino vloggers who support the false narrative of China to claim ownership,…

Read More