KINALAMPAG ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan para sa mas mahigpit na mga hakbang para makaiwas sa sunog, at sa mga power distributor para sa pinaigting na inspeksyon laban sa mga ilegal na koneksyon sa kuryente. Ang kanyang panawagan ay kasunod ng mga insidente ng sunog sa bansa sa gitna ng matinding tag-init. Sa kabila ng nagpapatuloy na ingay sa pulitika, naging karaniwang araw ng trabaho pa rin para sa senador ang Linggo. Binisita niya ang Barangay Sta. Ana sa Taguig, isa sa mga lugar na naapektuhan…
Read MoreDay: May 31, 2026
LIBRENG BOARD AT BAR EXAMS SA MAHIHIRAP, ISINUSULONG NI ERWIN TULFO
ISINUSULONG ni Sen. Erwin Tulfo ang panukalang magbibigay ng libreng board at bar examinations para sa mga kwalipikadong mahihirap. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2035 o “Free Professional Examinations Act,” hindi na pagbabayarin ng examination fees ang mga kwalipikadong mahihirap sa pagkuha ng professional licensure exams. Ayon kay Tulfo, maraming Pilipino ang nakapagtatapos ng pag-aaral ngunit hindi nakakakuha ng lisensiya dahil sa kakulangan ng pera. “Sa halip na magbayad para sa licensure examination fees, mas pinipili nilang agad na magtrabaho at kadalasan ay napupunta sa trabahong hindi angkop sa…
Read MoreCAYETANO: WALANG KINALAMAN ANG IMPEACHMENT NI VP SARA SA PAG-AMYENDA NG SENATE RULES
IGINIIT ni Senate President Alan Peter Cayetano na walang katotohanan ang alegasyon ng Minority bloc na may kaugnayan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang panukalang pag-amyenda sa rules ng Senado kaugnay ng remote participation. Sa isang Facebook Live nitong Sabado, sinabi ni Cayetano na hindi naman gagalawin ang impeachment rules dahil naaprubahan na ito nang pormal na magtipon ang Senado bilang impeachment court noong Mayo 18. “Wala pong katotohanan na y’ung amendment ng rule na ito ay nakaugnay sa amendment sa rule sa impeachment. Bakit po? Unang-una,…
Read More‘UNIFIER’ KAILANGAN NG SENADO – KOKO
IGINIIT ni dating Senate President Aquilino Koko Pimentel na sa panahon ngayon kailangan na ng isang unifier sa Senado. Ipinaalala ni Pimentel na ang Senate President ang dapat na umaakto upang mabuo ang institusyon para matalakay at maipasa ang mahahalagang panukalang batas na mapapakinabangan ng taumbayan. Subalit sa nangyayari aniya ngayon na puro away at personalan na ang pag-atake, kailangan na ring mag-isip-isip ng lahat ng senador lalo na si Senate President Alan Peter Cayetano kung nakabubuti sa institusyon ang kanilang mga gawain. “Nag-volunteer ka to be a leader, tapos…
Read MoreIMPEACHMENT VS PBBM PWEDE NA ULIT SA 2027
NANINIWALA ang isang abogado na malalaman kung tunay na accountability o pulitika lamang ang motibo ng mga nagtutulak sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Ariel Inton na lalabas umano ang “totoong kulay” ng mga pumapabor sa impeachment laban sa Bise Presidente kung pagkatapos ng paglilitis ay isusunod naman nila ang pagpapanagot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay Inton, inaasahang uusad na sa Senado ang impeachment trial ni Duterte at posibleng magkaroon ng desisyon sa 2026. Aniya, kung maabswelto si Duterte ay…
Read MoreAksyon ng Senado sa impeachment, flood control STRATEGIC MOVE — POLITICAL ANALYSTS
INILARAWAN ng ilang political analyst bilang mabilis at estratehikong hakbang ang mga unang aksyon ng bagong liderato ng Senado kaugnay sa impeachment complaint at kontrobersiya sa flood control funds. Ayon sa mga analyst, ipinakikita umano ng bagong mayorya na hindi ito nagpapaapekto sa mga kritisismo at ingay ng pulitika kundi nakatuon sa pagtupad sa tungkulin nito. Sinabi ng mga eksperto na malinaw ang mensahe ng Senado na uunahin nito ang interes ng publiko kaysa sa mga internal na sigalot sa kapulungan. Ipinunto rin ng mga analyst na walang naging pag-aatubili…
Read More‘Di papasuhol, ‘di aatras KASO VS ATONG ANG ILALABAN NG 5 PAMILYA NG MISSING SABUNGEROS
MATATAG ang paninindigan ng limang pamilya ng mga nawawalang sabungero na hindi sila uurong sa kasong isinampa laban sa gaming tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang. Sa ambush interview sa Department of Justice nitong Biyernes, sinabi ni Charlene Lasco, kapatid ng isa sa mga nawawalang sabungero, na hindi sila magpapasuhol kapalit ng pag-atras sa kaso. “Limang pamilya na lang kaming natira na nagsusulong ng kaso kaugnay sa missing sabungeros case,” ayon kay Lasco. Aniya, limang taon na nilang ipinaglalaban ang hustisya kaya hindi sila magpapabayad upang iurong ang reklamo. “Marami…
Read More