PLUNDER CASE VS. MARCOLETA WALANG KINALAMAN SA VPSD IMPEACHMENT – BARBERS

NILINAW ng House prosecution panel na walang kaugnayan ang inaasahang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado. Ayon kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tagapagsalita ng House prosecution panel at impeachment trial adviser, magkaibang usapin ang dalawang isyu at hindi dapat bigyan ng maling interpretasyon. Ang pahayag ni Barbers ay kasunod ng mga espekulasyon na ang reklamong isasampa laban kay Marcoleta ay bahagi umano ng “coordinated effort” upang mapigilan itong makalahok sa impeachment trial. “Well,…

Read More

Basta may arrest warrant CIDG HANDANG ARESTUHIN KAHIT HIGH-RANKING OFFICIAL

HANDA ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipatupad ang anomang warrant of arrest na ilalabas ng korte laban sa sinumang high-ranking government official. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni CIDG-NCR Director PCol. John Guiagui na bahagi ng kanilang mandato ang pagpapatupad ng warrant of arrest, anuman ang posisyon ng taong nasasangkot. Nang tanungin kung paano nila haharapin ang posibilidad na maglabas ng warrant of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng inaasahang kasong plunder, sinabi ni Guiagui na mangangailangan ito ng masusing paghahanda hindi lamang ng…

Read More

CAYETANO MULING NANAWAGAN NG AGARANG AKSYON LABAN SA CHILD STUNTING

KASABAY ng pagsisimula ng Nutrition Month ngayong Hulyo, muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang laban sa child stunting. Ang panawagan ay kasunod ng ulat ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na tumaas sa 25.3% noong 2025 ang stunting rate ng mga batang limang taong gulang pababa mula sa 23.6% noong 2023. Ito ang unang pagtaas ng child stunting sa nakalipas na isang dekada, na nangangahulugang isa sa bawat apat na batang Pilipino na edad limang…

Read More

GOREBOX BURADO NA SA GOOGLE PLAY STORE AT STEAM SA PH – MALAKANYANG

TULUYAN nang inalis sa Google Play Store at Steam sa Pilipinas ang mobile at PC game na GoreBox, ayon sa Malakanyang. Sinabi ng pamahalaan na bunga ito ng pakikipag-ugnayan ng gobyerno ng Pilipinas sa Google at sa mabilis na pagtugon ng mga digital platform sa kahilingan ng bansa. Kinumpirma rin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na hindi na maaaring i-download o laruin ng mga user sa Pilipinas ang GoreBox. Ayon sa CICC, hindi na rin maa-access ang laro kahit ng mga gumagamit na nakapag-download nito bago pa ipatupad…

Read More

P6-M HINIHINALANG SMUGGLED E-BIKE BATTERIES, NASABAT NG CIDG

MAHIGIT P6 milyon halaga ng hinihinalang smuggled na e-bike batteries, chargers at e-bikes ang nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang warehouse sa Barangay Laug, Mexico, Pampanga. Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga awtoridad ang warehouse na umano’y pinatatakbo ng Antelope Electric Motors. Nakumpiska ang 365 imported e-bike batteries, 90 battery chargers, at 20 e-bikes na may kabuuang halagang P6.02 milyon. Ayon sa CIDG, walang Import Commodity Clearance (ICC) stickers, Philippine Standard (PS) marks, at kaukulang business permit ang mga produkto at warehouse. Mahaharap sa…

Read More

HINIHINALANG ROCKET DEBRIS, NAREKOBER SA PALAWAN

ISANG malaking piraso ng hinihinalang rocket debris ang narekober sa baybayin ng Sitio Taburo, Bisucay Island, Cuyo, Palawan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Agad na nagpadala ng Quick Response Team ang Coast Guard matapos makatanggap ng ulat hinggil sa naturang bagay. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang debris at sasailalim ito sa technical assessment ng Maritime Safety Law Enforcement Group–Palawan upang matukoy ang pinagmulan nito. Iniimbestigahan pa kung ang narekober na debris ay mula sa rocket na inilunsad ng China. (JESSE RUIZ) 109

Read More

PDEA TINIYAK MAS PINAIGTING NA KAMPANYA KONTRA ILEGAL NA DROGA

TINIYAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga kasabay ng pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng ahensya sa Camp General Aguinaldo, Quezon City. Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez na nananatiling matatag ang kanilang mandato na bumuo ng ligtas at drug-free na mga komunidad. “We will continue to serve with integrity, act with urgency, and stand firm in defending the safety, dignity, and future of every Filipino,” ani Nerez. Bahagi ng selebrasyon ang pagkilala sa mga natatanging opisina at…

Read More

PBBM NANGAKONG PANATILIHIN ECONOMIC GAINS NG BANSA

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pananatilihin ng pamahalaan ang momentum ng paglago ng ekonomiya matapos makamit ng Pilipinas ang upper-middle income country (UMIC) status. Ayon sa Pangulo, patunay ang bagong klasipikasyon ng pagiging matatag ng ekonomiya sa kabila ng mga pandaigdigang hamon at bunga ito ng mga repormang ipinatupad ng administrasyon. “Greater confidence means more investments. More investments mean more businesses, better quality jobs and more opportunities for Filipino families,” ani Pangulong Marcos. Binigyang-diin ng Pangulo na ang pag-unlad ng ekonomiya ay dapat maghatid ng konkretong benepisyo sa…

Read More

Maliban sa NCR PNP IBINABA SA HEIGHTENED ALERT BUONG BANSA

IBINALIK ng Philippine National Police (PNP) sa heightened alert ang buong bansa, ngunit nananatiling nasa full alert ang National Capital Region (NCR) habang patuloy na binabantayan ang pro-Marcoleta rally na sinuportahan ng Iglesia Ni Cristo (INC). Kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co ang pagbaba ng alert status matapos itaas sa full alert noong Miyerkules. Gayunman, nananatiling naka-full alert ang NCR dahil sa nagpapatuloy na kilos-protesta ng mga tagasuporta ni Senador Rodante Marcoleta. Matapos bawiin ng Quezon City government ang permit para sa rally, inilipat ng…

Read More