PARTNERSHIP NG VELZA GLOBAL AT TONINO LAMBORGHINI, INAASAHANG LILIKHA NG TRABAHO SA PILIPINAS

INAASAHANG makalilikha ng mga bagong trabaho para sa mga Pilipino ang partnership ng Velza Global Group at Tonino Lamborghini para sa pagbubukas ng Tonino Lamborghini Rosso Caffè sa Pilipinas. Ayon kay Ajit Narapareddy, Chief Executive Officer ng Velza Global Group, higit pang pinagtitibay ng bagong kasunduan ang alyansa ng dalawang kompanya, na pinalalawak mula sa luxury beverages tungo sa isang ganap na Italian coffee lifestyle experience sa bansa. Sinabi ni Narapareddy na bahagi ng plano ng Velza Global Group ang pagpapakilala at pagpapalawak ng konsepto ng TL Rosso Caffè sa…

Read More

RESOLUSYON BILANG PAGPUPUGAY KAY EALA, INIHAIN NI SENADOR MARK VILLAR

NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Resolution No. 564 upang parangalan at batiin si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos nitong masungkit ang kampeonato sa 2026 Mubadala DC Open. Sa naturang tagumpay, naging kauna-unahang Pilipinong propesyonal na tennis player si Eala na nagwagi ng Women’s Tennis Association (WTA) 500 Tour singles title. Kinilala sa resolusyon ang makasaysayang kampanya ni Eala, kung saan tinalo nito ang ilan sa pinakamahusay na manlalaro sa mundo, kabilang sina Olympic champion Zheng Qinwen, defending champion Leylah Fernandez, Elina Svitolina, dating World No.…

Read More

MAGNA CARTA OF BARANGAY HEALTH WORKERS SUSI SA PAGTUGON SA STUNTING – CAYETANO

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pag-apruba ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Magna Carta of Barangay Health Workers, na aniya’y mahalagang hakbang upang matugunan ang mataas na antas ng stunting o pagkabansot ng mga bata sa bansa. “It’s an honor to see this measure passed today. Marami pang kailangan gawin, pero napakalaking step nito,” ani Cayetano, co-author ng Senate Bill No. 1905, sa plenary session noong Agosto 3. “This bill is a recognition na walang healthy na nation kapag hindi healthy ang mamamayan,”…

Read More

Pagbati bumuhos para kay Eala “ALEX DID IT AGAIN”

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Filipina tennis star Alex Eala matapos nitong masungkit ang kampeonato sa 2026 Mubadala DC Open at maitala ang kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinang nagwagi ng Women’s Tennis Association (WTA) 500 singles title. Sa Facebook post ng Pangulo, tinawag niya ang tagumpay ni Eala bilang isa na namang makasaysayang tagumpay para sa Philippine tennis. “This Philippines now has its first WTA 500 champion.” “Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young…

Read More

PAG-IISYU NG TRO SA WAGE ORDER WAWAKASAN NG SENADO

NAGHAIN si Senador Raffy Tulfo ng panukalang naglalayong ipagbawal sa anomang hukuman, tribunal, o iba pang awtoridad ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) o injunction laban sa anomang wage order. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2372, nais ni Tulfo na amyendahan ang Article 126 ng Labor Code upang matugunan ang aniya’y umiiral na legal loophole sa batas. Binanggit ng senador ang naging pagsuspinde sa implementasyon ng Wage Order No. NCR-27 ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), na nagtatakda ng P85 dagdag sa arawang minimum na sahod ng…

Read More

LUPA SA PAX SILICA VENTURE NAKALAAN NA NOON PANG 2019

IGINIIT ng Malacañang na matagal nang nakalaan ang lupang gagamitin para sa Pax Silica project at hindi maaapektuhan ng naturang proyekto ang mga magsasaka. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inilatag na ang buildable areas o alokasyon ng lupang gagamitin para sa proyekto noong 2019, kasabay ng paghahanda para sa Southeast Asian (SEA) Games. Sinabi ni Castro na may nakalaan ding 6,000 ektarya para sa open green spaces, forest reserves at designated zones para sa upland farming. Aniya, nasa 3,500 ektarya lamang ang…

Read More

PAGGAMIT NI VPSD SA P612.5M CONFI FUNDS TINAWAG NA ‘SCAM’

TINAWAG ni veteran lawyer at private prosecutor Lorna Kapunan na “scam laban sa taumbayan” ang umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte, kasunod ng mga isiniwalat sa nagpapatuloy na impeachment trial. “Ang ini-scam, eh taong-bayan. Ang worth ng scam na ‘yan ay P612 million,” pahayag ni Kapunan sa panayam sa mga mamamahayag. Inihalintulad ni Kapunan ang isyu sa isang taong humihingi ng pera para sa isang layunin ngunit ginagamit ito sa ibang bagay. Ayon sa kanya, ang pangunahing usapin ay hindi ang mga pangalang lumitaw sa…

Read More

AFP ginagamit sa fake news LIQUIDATION SQUAD SA MILITAR, PULISYA ‘KATHANG-ISIP’

PINABULAANAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumakalat na social media post na nagsasabing may grupo umano ng mga sundalo at pulis na nagpaplanong patayin ang ilang kongresistang sangkot sa katiwalian. Sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na hindi nagbibigay ng reaksyon ang AFP sa mga ulat na walang sapat na batayan. “Normally, AFP does not respond pagka wala pong actual basis and information in the report. So before we believe, we should verify. Hindi po dapat sapat sa…

Read More

PUV FUEL SUBSIDY PINALAWIG HANGGANG KATAPUSAN NG AGOSTO

INANUNSYO ng Malacañang na pinalawig hanggang sa katapusan ng Agosto ang umiiral na P10 kada litrong fuel subsidy para sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs). Layunin ng pagpapalawig na mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), unang ipinatupad ang subsidiya noong Abril 14 at nakatakda sanang magtapos noong Hulyo. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na mananatili muna ang P10 kada litrong fuel subsidy habang…

Read More