KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng San Jose del Monte Water District (SJDMWD), mga beneficial owner at matataas na opisyal ng PrimeWater Infrastructure Corp. kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa kanilang joint venture na sinasabing nagresulta sa problema sa suplay ng tubig at pagkalugi ng water district. Inihain nitong Miyerkoles, Setyembre 30, 2026, ng consumer advocacy group na UHAW at mga whistleblower mula sa loob ng ahensya ang 928-pahinang joint complaint. Ayon sa mga complainant, naging “sweetheart” deal umano ang joint venture na nagbigay ng hindi…
Read MoreDay: September 30, 2026
AFP, PNP AT PCG SANIB-PUWERSA LABAN SA ‘THE BIG ONE’
PINASIMULAN kahapon ang pagsasanib-pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng isang joint exercise na magsasanay sa hanay ng ‘men in uniforms’, sa pagtugon sa mga emergency o kalamidad gaya ng isang malakas na lindol o “The Big One” sa Maynila. Ang nasabing pagsasanay na tatawagin na Inter-Agency Exercise (IAX) Sanlakas 02-2026, ay sinimulan nitong Miyerkoles, Setyembre 30. Susubukin sa aktibidad ang mga mekanismo ng pagtugon, koordinasyon ng command, mga operasyon sa paghahanap at pagsagip, mga hakbang sa…
Read More‘INVESTMENT’ TAG SA MARCOLETA DONATIONS, WALA SA MGA DOKUMENTO β PROSECUTION WITNESS
WALA umanong kahit anong dokumentong sinuri ng mga imbestigador ng gobyerno na naglalarawan sa P75 milyong donasyon ng mga negosyanteng sina Mike Defensor, Joseph Espiritu at Aristotle Viray kay Sen. Rodante Marcoleta bilang “investment,” ayon sa isang prosecution witness sa Sandiganbayan. Sa pagdinig ng anti-graft court, sinabi ni Atty. Maria Melinda Mananghaya-Henson, director ng Luzon Field Investigation Bureau (FIB) ng Office of the Ombudsman, na ginamit lamang ng kanilang tanggapan ang naturang label batay sa paggamit ni Marcoleta ng katagang “utang na loob” sa isang YouTube interview. Ang video ay…
Read MoreSC BINIGYAN NG 5 ARAW PARA MAGKOMENTO MGA RESPONDENT SA BSKE PETITION
MANILA β Binigyan ng Supreme Court (SC) ng limang araw ang Office of the President, Senado, House of Representatives at Commission on Elections (Comelec) para magsumite ng komento sa petisyong kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 2028. Inihain ni election lawyer Romulo Macalintal ang petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Republic Act No. 12326, na nagtakda ng susunod na BSKE sa Nobyembre 2028 at limang taon na termino para sa mga opisyal ng barangay at SK. Kasama sa hiling ni Macalintal ang pag-isyu ng temporary…
Read MoreSC, IBINASURA MGA PETISYON LABAN SA MAS MABABANG VOTING THRESHOLD SA IMPEACHMENT
IBINASURA ng Korte Suprema (SC) ang magkakahiwalay na petisyong inihain nina Atty. Vic Rodriguez, Berteni CataluΓ±a Causing, at Atty. Ernesto Francisco Jr. na kumukuwestyon sa interpretasyon ng Senado sa kinakailangang bilang ng boto para sa conviction sa impeachment proceedings. Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, unanimous ang naging desisyon ng mga mahistrado sa pangunguna ni Acting Chief Justice Marvic Leonen. Gayunman, hindi na tinalakay ng Korte Suprema ang merito ng mga argumento sa mga petisyon at sa halip ay ibinasura ang mga ito dahil sa procedural grounds, kabilang ang…
Read MoreLIDER NA PIRMA LANG NANG PIRMA DELIKADO – MALAKANYANG
PARA sa MalacaΓ±ang, delikado ang isang lider na hindi alam o hindi inaalam ang mga transaksiyon at kontratang kanyang pinipirmahan. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro nang hingan ng reaksyon sa press briefing sa MalacaΓ±ang sa pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa Senate Impeachment Court na hindi niya alam na may interes o pagmamay-ari ang kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa GenCorp Industries Inc. Ayon kay Mayor Baste, walang nakasaad sa mga dokumentong isinumite ng…
Read More