PARA kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mas nakatuon ngayon ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng mas murang kuryente kaysa sa kung saan nagmumula ang kanilang suplay ng enerhiya. Ayon sa Pangulo, tila nagbabago ang pananaw ng publiko sa usapin ng nuclear energy, kung saan ang dating pangamba sa kaligtasan ay napapalitan ng paghahangad ng mas abot-kayang elektrisidad. Sa kanyang pagbisita sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute (SNRSI), sinabi ni Marcos na mas mahalaga na ngayon sa publiko ang presyo ng kuryente kaysa sa pinagmumulan nito. “Because we always…
Read MoreDay: October 11, 2026
HALOS P600K KINASKAS PARA SA NIKE SHOES
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HABANG umuusad ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, tila hindi nauubusan ng bagong usapin na kailangang sagutin ng Bise Presidente. Sa halip na tuluyang luminaw ang mga alegasyon, lalo pang nadaragdagan ang mga tanong na dapat bigyan ng malinaw at makatwirang paliwanag. Pinakahuling umagaw ng pansin ang mga rekord ng credit card transactions na inilahad ni Atty. Alexander Cabrera, isang forensic financial analyst, sa impeachment court ng Senado. Ayon sa kanyang pagsusuri sa mga financial document, gumastos umano sina Sara at kanyang asawang…
Read MoreMaynila ngayon: ‘Di lang kabisera ng Pinas, kabisera rin ng pagbabago
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lang sentro ng kasaysayan, pulitika at negosyo ang Maynila. Ngayon, malinaw na rin sa numero: trilyon-peso economy na ang kabisera ng bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa P1.06 trilyon ang Gross Domestic Product (GDP) ng Maynila noong 2025—patunay na nananatiling isa sa pinakamalalakas na makina ng ekonomiya sa buong bansa. Pangatlo ang Maynila sa lahat ng lungsod sa Pilipinas, kasunod ng Quezon City at Makati. At hindi maliit na bahagi ang ambag nito sa buong National Capital Region. Humigit-kumulang 14.6…
Read MoreSERBISYONG RAMDAM: MAYOR RIDA ROBES, KAAGAPAY SA PAG-UNLAD NG MGA SAN JOSEÑO
TARGET ni KA REX CAYANONG MALAKING tulong sa mga pamilyang San Joseño ang pagsisimula ng Bawat Bayan Makikinabang Rice Distribution Program sa Lungsod ng San Jose del Monte. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa araw-araw, ang libreng bigas ay dagdag-ginhawa sa mga pamilyang kailangang pagkasyahin ang kanilang kita. Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan sa ilalim ni Mayor Rida Robes, sinimulan ang programa noong Oktubre 8 sa pamamagitan ng ceremonial turnover sa Northridge Executive Covered Court sa Barangay Sto. Cristo. Sinundan ito ng pamamahagi sa Muzon South…
Read MoreMALACAÑANG MAY TINITINGNANG KAPALIT NI AGUDA BILANG DICT CHIEF
TINANGGAP na ng Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda nitong Sabado, Oktubre 10, kasunod ng kumpirmasyon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla. Kasunod ng pagbibitiw ni Aguda, lumutang ang ilang pangalan na posibleng pumalit sa kanya bilang kalihim ng DICT, sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng ahensya. Kabilang dito ang pansamantalang pag-block sa digital platform na Discord at ang patuloy na imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y mga anomalya sa Free Wi-Fi initiative ng pamahalaan. Kabilang sa…
Read MorePBBM, KINALAMPAG SA P22.5-B POSIBLENG LUGI NG MGA MAGBABABOY
NANAWAGAN ang mga grupo ng mga magbababoy kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang kumilos upang sagipin ang lokal na industriya ng baboy na nalulugi dahil sa mababang farmgate prices at patuloy na pagdagsa ng imported pork. Sa liham kay Pangulong Marcos na may petsang Oktubre 8, 2026, hiniling ng Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PPFPI), Philippine Pork Council Alliance Inc. at mga kaalyadong grupo sa sektor ng agrikultura ang agarang pagpapatupad ng mga hakbang upang maprotektahan ang lokal na mga magbababoy at matiyak ang kaligtasan ng…
Read More