BUNSOD nang pagpositibo sa COVID-19 ng 46 pulis, isinailalim sa lockdown ang Manila Police District Station 11 sa Binondo, Manila.
Ayon kay MPD Director P/BGen. Leo “Paco” Francisco, isinailalim sa special quarantine ang nasabing himpilan ng pulisya. Ito ay makaraang magpositibo sa swab test ang 46 miyembro ng pulisya.
Nasa 241 ang kabuuang personal ng nasabing himpilan. Sa bilang na ito ay 87 pa ang nakatakdang isalang sa swab test.
Dalawa sa 46 kumpirmadong kaso, kabilang ang hepe nito, ang naka-confine sa ospital, isa ang severe case at ang iba ay nagpapagaling na.
Nagsimulang magtala ang MPD-Station 11 ng kumpirmadong kaso noong Marso 3 hanggang Marso 13. (RENE CRISOSTOMO)
209 