(NI FROILAN MORALLOS) NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 276 mga dayuhan sa Makati City dahil sa pagtatrabaho ng walang working permit at working visa, ayon kay Commissioner Jaime Morente. Ayon pa kay Morente, nadiskubre ng kanyang mga tauhan na ang sinasabing bilang ng foreigner ay konektado sa mga online gaming business o tinatawag nila na network technology company sa Ayala Avenue Makati City . Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga nahuli ay walang maipresentang dokumento na magpaaptunay na lehitimo ang…
Read MoreAuthor: Jet
TINABLA NG FDA; DENGVAXIA BANNED NA
(NI DAVE MEDINA) TINULUYAN ng Food and Drug Administration (FDA) na pawalang bisa ang certificate of product registration (CPR) ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Sa Dengvaxia isinisisi ang mabilis na pagkawala ng tiwala ng publiko sa imunisasyon sa mga bata bunsod ng maraming insidente ng kamatayan sa libu-libong kabataang nainiksyunan noong panahon ng Aquino administrasyon Sa naturang pagbawi ng rehistro ng Dengvaxia,, bawal na ang importasyon, pagbebenta at pamamahagi kahit libre ang naturang bakuna. “Their failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of…
Read MoreP32/KILO NG BIGAS UMPISA SA MARSO
(NI LILIBETH JULIAN) KAUNTING panahon na lamang ang hihintaying ng mamamayan dahil sa darating na Marso ay epektibo nang makabibili sa mababang presyo ng bigas ang publiko sa mga pamilihan. Ito ay matapos ihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaasahang sa kalagitnaan ng Marso ay magkakaroon na ng murang bigas sa merkado. Ayon kay Lopez, mabibili lamang sa halagang P32 kada kilo ang mga imported na bigas kasabay ng panawagan sa sinumang nais mag-import na maaari na silang magsimula. Una nang inanunsyo na magsisimula…
Read MorePOLITICAL ADS SA PUV PWEDE — LTFRB
(NI JEDI PIA REYES) PINAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paglalagay ng political advertisements o campaign materials sa mga pampublikong sasakyan. Gayunman, nilinaw ng LTFRB na kailangang nakasunod sa mga pamantayang itinatakda ng Commission on Elections (Comelec) ang mga gagamiting campaign material. “LTFRB allows political advertisement placement only in Public Utility Jeepneys (PUJs), Public Utility Buses (PUBs), and taxis as long as it meets the rules and regulations on Election Propaganda set by the Commission on Elections (Comelec), ayon sa LTFRB. Dapat din umanong nakatugon…
Read MoreMASS LAYOFF SA NFA; SEPARATION PAY INIHAHANDA
(NI ABBY MENDOZA) KINUMPIRMA ni National Food Authority(NFA) Administrator Tomas Escarez na inihahanda na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kumpensasyon para sa mga kawani ng ahensya na mawawalan ng trabaho bilang epekto ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Ayon kay Escarez nasa 400 kawani na nasa regulation at monitoring section ng ahensya ang unang maapektuhan, kasunod ang nasa distribution at procurement, sa kabuuan umano ay hindi pa nya alam ang kabuuang bilang ng mga mawawalan ng trabaho sa NFA dahil nakadepende pa ito sa aaprubahang restructuring sa…
Read MoreFARMERS TUTUTOK SA REGULASYON NG RTA
(NI LILIBETH JULIAN) INOOBLIGA na makibahagi sa pagbabantay sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation ng Rice Tariffication Act ang mga rice farmers. Ito ang panghihikayat ng Malacanang sa mga magsasaka dahil mahalagang maging aktibo ang mga magsasaka sa bubuuing IRR para makita at matiyak na hindi mapapasukan ng anumang iregularidad ang pagpapatupad ng batas. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesperson Secretary Salvador Panelo, kakailanganin ang mahigpit na pagbabantay ng mga magsasaka ang pagbuo ng IRR para na rin sa kanilang kapakanan. Dito, tiniyak ni Panelo na hindi kukunsintihin…
Read MoreTF BANGON MARAWI PUMALAG SA WASHINGTON POST
(NI CHRISTIAN DALE) PUMALAG ang Task Force Bangon Marawi sa inilathala ng Washington Post na mistulang ghost city pa rin ang Marawi city, ilang taon matapos ang nangyaring pagkubkob dito ng mga terorista. Sinabi ni Task Force Bangon Marawi City head at HUDCC Chair Eduardo del Rosario, walang katotohanan ang nasabing ulat at sa katunayan, may trapik na aniya sa sentro ng siyudad bunsod ng economic activity, business activity at masyado aniyang marami ng sasakyan ang nagpupunta sa Marawi City “Mukhang masyadong off tangent ito sa katotohanan at kung anong…
Read MoreEKSTENSIYON NG ML SA MINDANAO KINATIGAN NG SC
(NI TERESA TAVARES) BALIDO ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong taon. Ito ang idineklara ng Supreme Court en banc kasabay ng pagbasura sa mga petisyon kontra sa martial law extension. Sa botong 9-4, kinatigan ng mga mahistrado ang desisyon ng pamahalasn na palawigin ang martial law. Nabatid na ang apat na mahistrado na kumontra sa pagpapalawig ng batas militar ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Francis Jardeleza, Alfredo Benjamin Caguioa, at Marvic Leonen. Habang umiiral ang martial law sa Mindanao, suspendido ang privilege of…
Read MoreP10-B AYUDA SA FARMERS BARYA LANG
(NI BERNARD TAGUINOD) MUMO lang ang P10 Billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na inilaan para bigyan ng ayuda ang mga magsasaka sa ilalim ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Act. Ganito minaliit ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang nasabing halaga dahil wala pang 10% aniya ito sa subsidy na ibinibigay ng Thailand sa kanilang mga magsasaka ng palay. Ayon kay Casilao, noong 2017 ay umaabot sa $2.2 bilyon o P110 bilyon ang subsidy ng Thailand sa kanilang magsasaka kaya mumo lang umano ang P10 bilyon na…
Read More