LIQUID MARIJUANA NASABAT SA NAIA

mari

(NI SAMANTHA MENDOZA) NASABAT ng Bureau of Customs NAIA, ang 51 piraso ng tetrahydrocannabinol o liquid marijuana cartridges na idineklarang ‘pen ink cartridges’ at candies sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City. Ang package umano na naglalaman ng liquid marijuana ay nanggaling sa Santee, San Diego, California. Naghintay umano ang BOC NAIA ng tatlong araw bago ito kinuha ng consignee na isang menor de edad.  Ang menor de edad ay itinurn over na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pasay Youth Home sa ilalim ng Pasay City Government at…

Read More

NATABUNANG KAPILYA HUHUKAYIN SA CAMSUR LANDSLIDE

CAM200

(NI JESSE KABEL) INAASAHANG lolobo pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pananalasa ng bagyong ‘Usman’ sa Pilipinas  dahil target nang pasukin ng iba’t ibang search and retrieval team ang mga isolated na lugar kabilang sa target ang lokasyon ng isang kapilya na ginawang evacuation areas subalit sinasabing natabunan din ng landslides sa Camarines Sur. Kahapon sa official tally ng Death Matrix ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) umakyat na sa 85 ang bilang ng mga nasawi. Ayon kay National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC)…

Read More

MAG-AMANG GARIN NASAAN NA?

garins

HINAMON ng National Police Commission (Napolcom) ang mag-amang Garin na lumutang sa publiko at harapin ang mga kaso at akusasyong ibinabato sa kanila. Sinabi ni Napolcom Region 6 director Atty. Joseph Celis na kung walang kasalanan si Guimbal Iloilo Mayor Oscar Garin at anak na si Iloilo 1st District Rep. Richard ay dapat sagutin nila ang mga batikos na hinaharap. Gayong isinauli na ng mag-ama ang kanilang mga armas, kung saan ilan ay may paso nang lisensiya, hindi pa rin naglalabas na pormal na statement ang mag-ama na inireklamo sa…

Read More

4.8-M OUT OF SCHOOL YOUTH NAKAAALARMA

OUT OF SCHOOL

(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGREREPORT ng mga militanteng mambabatas sa Kamara ang Department of Education (DepEd) sa kalagayan ng K-12 program matapos maalarma sa 4.8 million out of school youth kahit libre na ang basic education sa bansa. Sa pamamagitan ng House Resolution (HR) 2324 na inakda nina ACT Teachers partylist Reps.  Antonio Tinio at France Castro, nais ng mga ito na malaman mismo sa DepEd kung matagumpay ba o bigo ang mga ito sa pagpapatupad saRepublic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 at mas kilala sa…

Read More

BAHAY NG PULITIKO SA ZAMBO BINOMBA

zambo

(NI AL JACINTO) ZAMBOANGA CITY – Isang bomba ang sumabog sa bahay ng isang barangay kagawad sa Zamboanga City, ngunit masuwerteng walang nasawi o sugatan sa atake, ayon sa pulisya kahapon. Sinabi ni Chief Insp. Helen Galvez, regional police spokeswoman, na iniwan ang bomba sa bahay ni Henry Gregorio sa Barangay Tagasilay at ito ay sumabog dakong alas-2:50 ng umaga kamakalawa. Ayon kay Gregorio, may isang lalaking naka-motorsiklo ang nagpunta sa bahay nito kamakailan at tinanong kung siya ba ang kagawad at nang ito ay kanyang sagutin ay bigla na…

Read More

LGUs PANANAGUTIN – DENR

manila bay

(NI ABBY MENDOZA) KINUMPIRMA ni Environment Undersecretary Sherwin Rigor na nagsasagawa na ng evaluation ang Department of Interior and Local Government(DILG) sa lahat ng mga Local Government Unit(LGUS) na nakakasakop sa Manila Bay para alamin kung sino sa mga ito ang nagpabaya at hindi tumalima sa nauna nang direktiba ng Korte Suprema na nag aatas na magsagawa ng rehablitasyon ng Mania Bay. Ayon kay Rigor ang hindi papasa sa evaluation ng DILG ay mahaharap sa kasong administratibo. Ang hakbang ng DILG at DENR ay kasunod ng isasagawa nitong Manila Bay…

Read More

6 REELECTIONIST LIYAMADO

senate

(NI NOEL ABUEL) PASOK ang anim na reelectionist senators sa top 12 ng pinakahuling senatorial survey ng Social Weather Station (SWS). Sa nasabing survey na isinagawa noong nakalipas na Disyembre 16-19, nanguna si Senador Cynthia Villar na nakakuha ng 62% na puntos at sinundan ni Senador Grace Poe na nakakuha ng 60%. Nagtabla naman sa rank 3-5 sina Rep. Pia Cayetano, Senador Sonny Angara at Senador Nancy Binay na may tig-40 porsiyento. Bilang reaksyon, sinabi ni Angara na itinuturing nitong ang resulta ng survey bilang inspirasyon sa pagsusulong ng pangangailangan…

Read More

WALANG BANTA SA MM – NCRPO

metro200

(Ni FRANCIS ATALIA) NANATILING nakataas ang full alert status sa Metro Manila kahit na walang namomonitor ang National Capital Region Police Office ng banta ng pambobomba matapos ang nangyari sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng marami. Ayon kay NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya upang mapanatiling ligtas ang publiko. Hinikayat naman ni Eleazar ang publiko na agad na isumbong sa otoridad ang anumang bagay o indibidwal na kahina-hinala dahil kung agad na naipaalam ang kahon na iniwan sa…

Read More

7 PULIS SA INDISCRIMINATE FIRING MANANAGOT

firing

MANANAGOT ang pitong police personnel na inaresto dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong ng Bagong Taon, ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde. Sinabi ni Albayalde na haharap sa strict administrative sanction ang pitong pulis na kabilang sa 23 katao na inaresto sa illegal discharge ng baril noong Pasko hanggang Bagong Taon. Tiniyak ni Albayalde na ipatutupad ang batas laban sa mga iresponsableng gun owners ngunit tiniyak din na dadaan ang mga ito sa tamang proseso. 488

Read More