PINAGSASAMPA ng kaso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis na binugbog umano ng mag-amang Iloilo Rep. Oscar ‘Richard’ Garin, Jr at Guimbal Mayor Oscar Garin. Sa panayam, sinabi ng Pangulo na gusto niyang magkaroon ng desisyon ang pang-aabuso ng mag-amang Garin. Inatasan ng Pangulo si DILG Secretary Eduardo Ano na tutukan ang pambubugbog ng mag-amang Garin at sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito. Si PO3 Federico Macaya ng Guimbal Municipal Police Station ay pinatawag umano ni Mayor Garin sa Guimbal Public Plaza sa Iloilo at doon ay pinosasan ang…
Read MoreAuthor: Jet
REWARD SA BATOCABE KILLERS ITINAAS NI DUTERTE SA P50-M
ITINAAS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reward mula P20 milyon sa P50 milyon para sa agarang pagkakadakip sa mga pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe matapos itong bumisita sa burol ng kongresista Miyerkules ng gabi. Sinabi ng Pangulo na hindi na kailangang magbigay ng pangalan ng magbibigay ng imporasyon. Tip lang umano o hint sa mga nasa likod ng pagpatay at sakaling matunton ang mga killer dahil sa tip na naibigay, ipakita lang umano ang cellphone ng inyong pag-uusap at maibibigay na ang reward. Si Batocabe kasama ang security…
Read MoreMAYOR ‘UTAK’ SA BATOCABE KILLING TINUTUTUKAN
(NI JG TUMBADO) SINIGURO ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na mabusisi at walang magaganap na “whitewash” sa imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG)-Batocabe. Pinaslang si AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at ang police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz noong December 22. Ang pagtiyak ni Albayalde ay kasunod ng katatapos na “urgent command conference” sa Police Regional Office 5 (PRO5) sa Camp General Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi kahapon. Isa sa mga tinalakay sa command conference ay ang kaugnayan ng…
Read MoreBATOCABE MURDER PROBE MABAGAL
(NINA BERNARD TAGUINOD, JG TUMBADO) NANGANGAMBA ang mga kasamahan ng pinatay na si AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at escort nito na si SPO1 Orlando Diaz na mapabilang ang kanilang kaso sa humahabang listahan ng unsolved crimes. Ipinahayag ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. na hanggang ngayon ay wala pang lead ang Philippine National Police (PNP) sa nasabing kaso. “It’s very unfortunate that police authorities have yet to update the family of Cong. Rodel about their investigation. We call on them to share with family members whatever developments they…
Read MoreILLEGAL VENDORS WINALIS SA DIVISORIA
(NI MITZI YU) BAWAL magtinda sa kalsada. Ito ang binigyang diin ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga vendors kasunod ng mga reklamo laban sa mga ito. Ayon kay Estrada, hindi pinapayagan ang mga vendors na magtinda sa kalsada kung kaya’t may mga inilalaan ang city govt na lugar at sukat para sa mga ito ito. Bagama’t naiintindihan niya ang pangangailangan ng mga vendors na kumita, hindi naman maaaring lumabag ang mga ito sa patakaran ng city hall. Lumilitaw na maraming reklamo mula sa publiko at mga motorista na hindi na madaanan ang Divisoria at ilang kalapit…
Read MoreLUMAD NAG-PROTESTA LABAN SA NPA
(NI JG Tumbado) HINDI inalintana ang seguridad ng isang grupo ng Lumad nang magsagawa ito ng kilos-protesta laban sa New People’s Army (NPA) sa Koronadal City Miyerkules ng umaga. Bunsod nito ay kinilala ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Makabayan Battalion-Philippine Army, ang tapang na ipinamalas ng grupo sa kabila ng tiyak na kapahamakan mula sa NPA. Ang aksiyon ng Lumad ay isinabay sa ika-50 taong anibersaryo sa pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ayon kay Cabunoc, nag-aalsa kontra sa komunistang…
Read MoreBIKTIMA NG PAPUTOK UMABOT NA SA 24
(Ni FRANCIS ATALIA) HINDI pa man sumasapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon, nakapagtala na ang Department of Health (DoH) ng 24 biktima ng paputok. Ang mga nabanggit na datos ay mula sa NCR, Region 2 at Region 7 na may tig-tatatlong biktima habang nakapagtala ng dalawang sugatan ang Region 6 at tig-isa sa Region 9 at ARMM. Sa pinakahuling datos ng DoH, 11 ang nadagdag sa kaso ng mga firecracker related injuries. 626
Read More345-K TRABAHO NAGHIHINTAY SA JAPAN
(NI BERNARD TAGUINOD) IHANDA na ang mga papeles kung nais makapag-trabaho sa Japan dahil nangangailangan ang bansang ito ng 345,000 Pinoy workers. Dahil dito, umapela si Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa Department of Labor (DoLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na paghandaan ang bagong oportunidad na ito ng mga Filipino. “DoLE and DFA should prepare as Japan is set to hire 345,000 workers in the next five years,” ani Evardone sa isang pahayag. Ayon kay Evardone, 14 industriya sa Japan ang kukuha ng mga Pinoy workers na kinabibilangan…
Read MoreLUNETA GINAWANG DUMPSITE
(NI SAMANTHA MENDOZA) NAG-IWAN ng sangkatutak na basura ang may 15,000 katao na nag-Pasko sa Rizal Park, hanggang kahapon ng madaling araw. Mag-alas 6:00 ng umaga nang tumambad sa mga sweeper ng MMDA at National Parks Development Committee (NPDC), ang napakaraming kalat sa iba’t ibang bahagi ng Rizal Park. Pawang mga pinagkainan tulad ng bote ng mineral water, soft drinks, plastic cups, paper plates, styrofoam at iba pang mga basura na iniwan na lamang sa may damuhan at sa paligid mismo ng monumento ni Dr .Jose Rizal. Ito umano ay…
Read More