MAGKAKALOOB ng libreng sakay sa kanilang mga pasahero ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Disyembre 30 bilang pakikiisa sa paggunita sa ika-122 anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring i-avail mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi. Ayon sa DOTr, nais nilang makapag-ambag ng libreng sakay sa kanilang mga pasahero, sa gagawing pamamasyal sa nasabing araw, na deklaradong regular holiday. Taun -taon ay nagbibigay ng free…
Read MoreAuthor: Jet
LISENSYA NG BARIL NG MGA GARIN BINAWI
KINANSELA ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang mga lisensiya nina Iloilo Rep. Richard Garin at tatay nitong si Mayor Oscar Garin sa pagkakaroon ng ng mga armas matapos ang panggugulpi at panunutok ng baril sa isang pulis. “Epektibo ngayon, iniuutos ko ang kanselasyon ng lahat ng Permits to Carry Firearms outside of Residence (PTCFOR) at License to Own and Possess Firearms (LTOPF) na inisyu ng PNP para kina Iloilo 1st District Rep. Richard Garin at incumbent Mayor Oscar Garin, ng Guimbal, Iloilo bilang administrative action…
Read MoreRoRo BUS ‘DI PINA-BIYAHE DAHIL SA BAGYO
(Ni FRANCIS ATALIA) SINUSPINDE na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng mga RoRo bus dahil sa Bagyong ‘Usman’. Iniutos ni LTFRB Chairman Martin Delgra na huwag nang paalisin sa mga terminal ang mga RoRo bus lalo na yung bimibiyahe sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. Sa weather bulletin ng Pagasa kaninang 11AM, bumagal ang kilos ng bagyo habang papalapit sa Eastern Samar na huling namataan sa 450 kilometers East ng Surigao City, Surigao Del Norte. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa…
Read MoreDUTERTE HUMINGI NG TULONG SA REBELDE
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komunistang rebelde na tumulong sa pagdakip sa mga pumaslang kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at sa police escort nitong si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz sa Albay noong December 22. Ito ay sa harap ng pagsabi ng National Democratic Front of the Philippines-Bicol Region na walang kinalaman ang New People’s Army (NPA) sa pagpaslang. “Kaya isa nga kayo sa mga suspect, NPA. Pero sabi niyo hindi, ‘di hindi. Eh ngayon kung hindi kayo, sino? Sige daw. Magkaibigan man talaga tayo. Kung…
Read MoreLIBEL VS SORIANO PINAGTIBAY NG SC
(NI TERESA TAVARES) PINAGTIBAY ng Supreme Court First Division ang hatol laban kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan para sa kasong libelo. Ang kaso ay kaugnay sa pahayag ni Soriano sa programa nito sa radyo laban kay Jesus Miracle Crusade leader Wilde Almeda. Dumulog sa Korte Suprema si Soriano matapos katigan ng Court of Appeals ang ruling ng Iriga City RTC Branch 60 na naghahatol ng guilty sa kanya sa kasong libelo. Sa 11-pahinang desisyon ng SC First Division, kumbinsido ito na mayroong malisya sa mga binitiwang salita ni…
Read More77 PRIVATE ARMY MINAMANMANAN NG PNP
AABOT sa 77 private army at 166 nabubuong grupo pa ang minamanmanan ngayon ng Philippine National Police, ayon kay spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana Jr. Sinabi ni Durana na ang pagbuo ng private army ay base na rin sa antas ng yaman o political interest ng ilang indibidwal kasama na ang mga politiko. Idinagdag pa ni Durana na ang mga armed groups na ito ay kadalasang kinabibilangan ng mga criminal, rebelde, masasamang element at ilang tiwaling pulis. Ilan din sa mga ito, ayon pa kay Durana, ay mga rebel returnees…
Read MoreISANG PUNO BAWAT GRADUATE
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maparami ang mga punong kahoy sa buong bansa na panlaban sa climate change, pagtatanimin ng isang puno ang lahat ng mga graduating students mula elementarya hanggang kolehiyo. Inaasahan na pagbalik ng Kongreso sa kanilang trabaho sa Enero 14, 2019 ay pagtitibayin na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8728 o “Graduation Legacy for Environment Act”. Nakapasa na sa ikalawang pagbasa ang nasabing panukala sa Kamara bago nagbakasyon ang mga mambabatas noong Disyembre at nakalinya na ito para sa ikatllo at huling pagbasa sa Enero.…
Read MoreDUTERTE: POLITIKONG PASAWAY SA CHECKPOINT, PATAYIN!
MAHIGPIT na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulis at militar na paigtingin ang pagpapatupad ng checkpoint matapos paslangin ang kanyang kaalyadong si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe. Sinabi ng Pangulo na patayin ang sinumang tatangging isailalim sila sa inspeksiyon sa mga checkpoint higit ang mga politikong hindi tumutupad sa batas. “Kung may bitbit kayong baril at dumaan sa checkpoint tapos ayaw huminto dahil kasama ang gobernador o mayor, ang utos ko sa pulis at military, barilin nila. Tingnan natin,” galit na pahayag ng Pangulo nang bisitahin ang lamay ni…
Read MoreDARAGA ISASAILALIM SA COMELEC CONTROL
MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos kay Commission on Elections (COMELEC) chief Sherriff M. Abas na isailalim ang Daraga, Albay sa kanilang kontrol sa eleksiyon. “Kakatawag ko lang kay chairman (Abas) at inirekomenda ko sa kanya na ilagay sa kanilang kontrol ang Daraga,” sabi ng Pangulo nang bisitahin niya ang lamay ng pinaslang na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe. Tiniyak ng Pangulo ang mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa kabila ng pagpaslang kay Batocabe, na tatakbo sanang mayor, nang pagbabarilin kasama ang police escort na si Orlando Diaz.…
Read More