PATAY rin ang suspek sa pamamaslang sa tatlo niyang kainuman nang magbaril sa kanyang sarili ilang minuto matapos pagbabarilin ang mga biktima sa bayan ng Santa Marcela sa lalawigan ng Apayao. Ito ang inihayag ng Santa Marcela Police matapos na arestuhin ang ama ng suspek dahil sa pagkuha nito Glock 17 9mm pistol na ginamit ni Norvie Pacheco, 32, sa pamamaril sa mga biktima na ikinasugat ng isa pa nilang kainuman. Sa follow-up operation, narekober ang Glock 17 mula sa ama ng suspek kaya nahaharap ito sa kasong obstruction of justice at…
Read MoreAuthor: admin 2
P100-M ILALAAN NG DA SA SALT PRODUCTION
MAGLALAAN ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng P100 milyon para palakasin ang produksyon ng asin sa bansa. “Para sa taong 2022 isinusulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paglalaan ng pondo sa halagang P100 million,” ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera. “Ilalaan po ito para mas mapalawak ‘yung industriya ng asin sa ating bansa at masiguro ang tuloy tuloy at sapat na supply po nito,” dagdag na pahayag ni Briguera. Gagamitin din ang nasabing halaga…
Read MorePBBM NAGTALAGA NG MGA OPISYAL SA CICC
PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan. Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng ilang bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT). Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo sina Alexander Ramos bilang bagong executive director ng CICC. Bukod kay Roxas, itinalaga rin ng Chief Executive sina Mary Rose Magsaysay bilang deputy executive director, habang sina Patricia Abejo, Rojun Hosillus at Alvin Navarro bilang Director IV. (CHRISTIAN…
Read More2 PA SA 4 BANGKAY SA KOTSE, TUKOY NA
RIZAL – Makaraan ang mahigit isang linggo, natukoy na ng Rizal PNP ang dalawa sa 4 na bangkay na nakita sa loob ng abandonadong kotse sa Sitio Licao-Licao, Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal noong Agosto 22. Batay sa pahayag ng Rizal Provincial Office sa kanilang social media account noong Martes. ang dalawa pang bangkay na parehong babae ay sina Vivian Ayala, taga Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, at Riza Miamo, taga Barangay Dulong-Pulo, Bacoor, Cavite. Una nang nakilala ng dalawang lalaking kasama ng mga ito na sina Carl Pabalan, 51, tubong Negros Occidental, at residente ng…
Read More16 WANTED PERSONS SA CAVITE NALAMBAT
CAVITE – Umabot sa 16 wanted persons kabilang ang dalawang most wanted persons (MWP), ang dinampot ng Cavite Police sa isinagawang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang operasyon noong Linggo sa apat na lungsod at pitong bayan sa lalawigan ng Cavite. Tig-dalawang wanted persons ang inaresto sa lungsod ng Dasmariñas at bayan ng Naic, Carmona at Silang, habang tig-isa mula sa Cavite City, Indang, Tanza, Imus City, Gen. Trias City, Amadeo at Ternate. Ang arestadong mga suspek…
Read MoreP58.31-M IMPORTED SHABU SHIPMENT NASABAT
TINATAYANG umabot sa P58.31 milyong halaga ng imported shabu shipment mula Nigeria ang nasabat sa inter-agency operation sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa Manila. Ayon kina BOC Commissioner Jogi Ruiz at PDEA Director General Wilkins Villanueva, sinabat ng kanilang mga tauhan ang mga kontrabando na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, sa San Andres, Manila. Nasa 8.575 kilos ng shabu na itinago sa mga pakete ng imported spices, ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug…
Read MoreANNABEL’S RESTO SA QC NASUNOG
TINATAYANG aabot sa P4M ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy sa popular na Annabel’s Restaurant sa Quezon City matapos dalawang ulit na sumiklab ang apoy sa kanilang gusali kahapon ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang sumiklab ang apoy sa kusina ng restaurant bandang 4:32 ng umaga (Agosto 31) pero agad ding naapula matapos ang isang oras. Batay sa arson investigator, ang sunog ay sanhi ng gas leak sa kusina. Bandang 8:15 ng umaga naman nang muling sumiklab ang apoy sa function room sa…
Read MoreKONTROBERSYA SA PMVIC PINAIIMBESTIGAHAN
PINAIIMBESTIGAHAN sa bagong pamunuan ng Department of Transportation ang lahat ng transaksyon sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) noong administrasyon nina dating DOTr Secretary Art Tugade at Undersecretary Artemio Tuazon. Sa press conference, Martes ng umaga ng grupo ni Jun Evangelista, presidente ng Alagaan Natin Inang Kalikasan (ANI KALIKASAN) na isang Clean Air Advocate, nais ng mga itong maipaabot ang kanilang sentimyento kay DOTr Secretary Jaime Bautista. Dapat aniyang silipin ni Bautista ang ginawa ng dating administrasyon na revocation at cancellation dahil sa imaginary requirements na hindi makikita sa…
Read MoreAsignatura sa kolehiyo pinababawasan din AUTOMATION SA MGA PAARALAN ISINULONG NI GATCHALIAN
SUPORTADO ni Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, arts and culture ang pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo at tuluyan na lamang ilagay lahat sa K-12 upang mabawasan ang taong gugugulin sa kolehiyo. Sa pagdalo ni Gatchalian sa Kapihan sa Manila Hotel sa kooperasyon ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, tinukoy nitong halos paulit-ulit na lamang ang ibang asignatura na nasa kolehiyo at nasa K-12. Tumanggi naman si Gatchalian na idetalye kung anu-ano ang nais niyang tanggaling asignatura sa kolehiyo at ilagay na lamang sa…
Read More