KINIKILALA at nirerespeto ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang press freedom sa bansa na nakabatay sa Saligang Batas o Konstitusyon. Sinabi ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa selebrasyon ng National Press Freedom Day ngayong Martes, Agosto 30. Ani Cruz-Angeles, idineklara at naisabatas noong nakaraang administrasyon ang araw ng pagkilala na ito sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa at kay Marcelo H. Del Pilar, isang bayaning mamamahayag at propagandista noong panahon ng pananakop ng mga kastila. Siya rin aniya ang tinuturing na ama…
Read MoreAuthor: admin 2
7 SUSPEK SA PAGKAMATAY NG LALAKING DINUKOT SA GASOLINAHAN SA BATANGAS, SINAMPAHAN NA NG KASO
NATUKOY na ng mga awtoridad ang motibo at sinampahan na ng kaso ang pitong suspek sa pagpatay sa lalaking dinukot sa gasolinahan sa Taal, Batangas noong August 16. Ayon sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, Martes ng umaga, ay sinampahan ng kasong Kidnapping with Homicide ang mga suspek sa Provincial Prosecutor, Hall of Justice, Batangas City kaugnay sa pagdukot at pagpatay kay Eugene Del Rosario. Si Del Rosario na tubong Tondo, Manila at residente ng Lemery, Batangas ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa isang gasolinahan sa Taal diversion…
Read MorePara makarating sa langit 84-ANYOS NA LOLA SINUNOG NANG BUHAY NG MGA KAANAK
INIHAGIS sa apoy ng kanyang mga kaanak ang walang kalaban-labang 84-anyos na babae upang maalis umano ang mga kasalanan nito at masigurong sa langit siya mapupunta sa sandaling mamatay. Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang labing isa katao na sinasabing mga kamag-anak ng biktimang si Teofila Camungay na agad binawian ng buhay matapos magmistulang alay sa ritwal sa bayan ng Balingasag sa Misamis Oriental. Ayon sa Balingasag Municipal Police Station, mistulang eksena noong unang panahon na sinunog sa talaksan ng nagliliyab na kahoy ang matanda ng mismong mga kamag-anak niya…
Read MoreCANADIAN NAGOYO NG P13-M NG PINAY FB FRIEND
LAGUNA – Nahaharap sa kasong estafa ang isang ginang matapos nitong huthutan ng P13 milyon ang isang Canadian citizen na nakilala nito sa Facebook. Noong Linggo ng hapon ay naaresto sa entrapment operation ng mga tauhan ng Sta. Cruz, Laguna Police ang 33-anyos na suspek na taga Calamba City. Inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng 65-anyos na Canadian citizen na si Bruce Thomas Marshall na dumating sa Pilipinas noong Agosto 11. Ayon sa Canadian, nakilala niya sa Facebook ang suspek at sa pamamagitan ng matamis na pananalita nito at nakumbinsi siyang magpadala…
Read MoreAMPATUAN POLICE CHIEF, 1 PA PATAY SA AMBUSH
PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police at isang tauhan nito nang tambangan ng armadong kalalakihan habang nagsasagawa ng law enforcement operation na ikinasugat din ng tatlong pulis kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, PNP Regional Police Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, patay sa ambush si Lt. Reynaldo Samson at kanyang security aide/driver na si Corporal Salipudin Endab, habang naglulunsad ng “one time big time” operation sa Ampatuan. Sa ulat na ibinahagi ni Guyguyon, magsisilbi…
Read MoreBUDGET CUT SA 2023 PINALAGAN NG PGH UNION
HINDI kuntento ang unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) sa pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na itinuring nilang hindi katanggap-tanggap at nakababahala. “Una sa lahat ang unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ibinibigay namin sa mga pasyente,” pahayag ni ALL UP Workers Union-Manila/PGH president Karen Faurillo. Batay sa ‘spending plan’ ng gobyerno, kakaltasan ng P890 milyon ang pondo ng PGH. Mula sa kasalukuyang P6.3 bilyong pondo nito ay magiging P5.4 bilyon na lamang sa 2023. Iginiit ni Faurillo, mas higit…
Read MoreDENGUE UMARANGKADA SA BANSA – DOH *Outbreak naitala sa Tanza, Cavite
UMABOT sa 118,785 kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, na mas mataas ng 143% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nairekord ang report nitong Martes. Base sa National Dengue Data ng DOH noong Agosto 13, mayroong 48,867 kaso na naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2021. Sa kabuuan, karamihan sa mga kaso ng dengue ngayong taon o 18% ay naiulat sa Central Luzon sa bilang na 21,247. Sinundan ito ng Central Visayas na may 11,390 kaso (10%),…
Read MoreVAT IPATATANGGAL SA FOOD PRODUCTS
PLANO ng isang mambabatas na maghain ng panukalang batas para tanggalin ang VAT sa mga pagkain at iba pang bilihin. Partikular na target ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na matanggalan ng VAT ang tinapay, delata, noodles, asukal, mantika at sabong panlaba na pangunahing konsumo ng mahihirap na mamamayan. Kasunod ito ng panibagong oil price increase na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis nitong Martes na umabot sa P6.10 bawat litro ng diesel. Bukod sa diesel na bumalik na sa P80 ang presyo ng bawat litro ay nadagdagan din ng P1.40…
Read MorePRIMERA DOSE 12 BAGUHANG KONGRESITA MAGBIGAY-BUHAY SA KAMARA
Inaasahan na ang labindalawang (12) mga bagong halal na kongresista mula sa iba’t ibang distrito ng bansa ang magbibigay-buhay sa 19th Congress ng House of Representatives. Ang labing-dalawang kongresista ay pinangungunahan ng panganay na anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na pinakabatang mambabatas mula sa 1st District ng Ilocos Norte na si Cong. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos. Sa edad na 27-anyos, isa si Marcos sa bagong halal o neophyte congressmen na magsisilbi sa 19th Congress ng House of Representatives. Bagama’t pinakabata si Marcos ay isa siyang napiling senior deputy…
Read More