KALAHATING SAKO NG SHABU TIMBOG SA QC

TIMBOG sa anti-illegal drug operatives ng Quezon City Police District (QCPD) ang mahigit sa kalahating kaban ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Fernando Poe Jr. Avenue kahapon ng umaga. Sa isinagawang imbentaryo, ilang saglit matapos ang operasyon, nabatid na tumimbang ng 25.5 kilo ng drogang shabu ang nakumpiska mula sa hindi pa tinukoy na suspek. Ayon kay QCPD chief, Brigadier General Nicolas Torre III, malaking isda ang kanilang natisod sa naturang drug operation. Aniya, nakasilid sa mga teabag ang droga at ikinubli sa sako ng bigas. Sa…

Read More

SEKYU NABUNDOL HABANG NAGMAMANDO NG TRAPIKO

CAVITE – Patay ang security officer ng Orchard Golf and Country Club nang mabundol ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) habang nagmamando ng trapiko sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Isinugod sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si Rodolfo Mejos y Tina, 52, security officer ng Orchard Golf and Country Club, subalit idineklarang dead on arrival. Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Montero na may plakang DAM 4991, na si Primo Salarda y Mallari, 51-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police, dakong…

Read More

Bubong ng sasakyan inakyat ng ‘taong grasa’ 7 SUGATAN SA SUMIRKONG VAN SA HIGHWAY

QUEZON – Sugatan ang pito katao matapos na ang sinasakyan nilang SUV ay bumaliktad sa highway sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Batay sa report ng San Narciso Police, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamanehong si Genaro Esquilo matapos na may biglang umakyat na isang ‘taong grasa’ na may kapansanan sa pag-iisip, sa bubong ng sasakyan sa paakyat na kalsada sa Brgy. Villa Reyes dakong ala-1:00 ng madaling araw. Nalito umano ang driver at nagpagewang-gewang ang sasakyan hanggang dalawang beses na bumaliktad.…

Read More

Special Investigation Task Group binuo 2 SA 4 BANGKAY SA KOTSE, TUKOY NA

RIZAL – Nagbuo ang pulisya ng Special Investigation Task Group o (SITG) matapos kilalanin ang dalawa sa apat na mga biktima ng salvage na natagpuan ang bangkay sa loob ng kotse sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang dalawa sa mga biktima na sina Robert Ryan Amarillo y Shares, 40, tubong Vigan, Ilocos Sur, residente sa Brgy. Otso, Lucena City, at Carl Pabalan y Alvarado, 51, tubong Negros…

Read More

4 TINADTAD NG BALA SA ALITAN SA DROGA

RIZAL – Droga ang sinisilip na dahilan sa pagmasaker sa apat katao na ikinamatay sa dalawa sa mga ito at ikinasugat ng dalawa pang biktima kabilang ang isang kritikal ang kalagayan sa Antipolo City. Ayon sa ulat ng Antipolo PNP kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga napatay na sina John Albert Padasay at Francis Labutan, kapwa may tama ng bala sa ulo at natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay sa loob ng bakanteng bahay sa Lantion Compound, Road-28, Bagong Nayon sa lungsod. Habang kritikal…

Read More

SRA KINASTIGO SA SENADO SA MANIPULASYON NG SUGAR SHORTAGE PABOR SA IMPORTASYON

KINASTIGO ni Senador Cynthia Villar ang pamunuan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na nagmanipula sa kakulangan ng suplay ng asukal upang paboran ang importasyon dahil mas malaki ang inangkat kaysa kakapusan. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture na kung ipinatupad ng SRA ang RA 10659 o ang Sugar Industry Development Act of 2015, hindi magkakaroon ng kakulangan ng suplay. Base sa manipestasyon ni Villar, hindi masyadong maintindihan ang report ng SRA sa imbentaryo kumpara sa kakulangan kaya’t malaki…

Read More

DATING USEC SEBASTIAN, SINUPALPAL NI ZUBIRI

SINUPALPAL ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang depensa ni dating Agriculture Undersecretary Leo Sebastian sa naging desisyon nito sa pag-iisyu ng Sugar Order No. 4 kaugnay sa pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Sebastian na ang kanyang desisyon ay batay sa mga datos na noong Hulyo pa ay tumataas na ang presyo ng asukal dahil sa napipintong kakapusan ng suplay. Sa pagtaya ni Sebastian nang mga panahong iyon ang suplay ng asukal ay posibleng umabot na lamang sa katapusan…

Read More

EVACUATION CENTERS SA MGA SINALANTA NI ‘FLORITA’ INIUTOS NI PBBM SA DILG

SINABI ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na inatasan siya ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na alamin ang evacuation centers na pansamantalang masisilungan ng mga pamilyang sinalanta ng bagyong Florita. “Kanina ho galing kami sa Cabinet meeting, ito nga ang binilin niya, so ensured na talagang naka-monitor at naka-identify na po ang mga evacuation centers dito and just like the DSWD (Department of Social Welfare and Development), we are in constant touch with our local government unit partners na nasa baba po,” ayon kay…

Read More

P231-M PUSLIT NA ASUKAL, BIGAS NASABAT SA CALOOCAN

UMABOT sa P231 milyong halaga ng puslit na bigas at asukal ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang bodega sa Caloocan City. Bitbit ang Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO), sinalakay ng mga ahente ng BOC ang dalawang bodega sa #448 Kabutuhan St., Deparo Road, Brgy. 168, ng lungsod, at nasabat ang 66,000 sako ng bigas at 13,000 sako ng asukal na tumitimbang ng 50 kilo ang bawat sako. Ayon sa BOC, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng intelligence reports na may libo-libong sako ng asukal at bigas…

Read More