HINDI mangingiming gamitan ng pwersa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinumang magtatangkang manggulo at mandaya sa darating na 2022 national and local elections.
Ito ang binitiwang babala ni Pangulong Duterte kamakailan, maging sa mga terorista o makakaliwang grupo man magpapagamit ang ilang kandidato.
Gusto ni PDU30 na bago siya bumaba sa pwesto ay makatikim man lang ng malinis na eleksyon ang sambayanang Pilipino.
Kaya kayong mga nasa kampo ng pinklawan na nakipag-alyansa sa terorista/komunista sa CPP-NPA-NDF ay maghinay-hinay kayo sa inyong mga pinaplano dahil may paglalagyan kayo.
Alalahanin n’yo kakaunti na lang ang pwersa n’yo dahil karamihan sa kasapi n’yo ay nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Hindi lang ang mga terorista/komunista ang pinaalalahan ni PDU30 kundi maging ang Comelec.
Kamakailan, nakatanggap tayo ng mga ulat mula sa bumotong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Absentee Voting na may napansin silang posibleng hukos-pukos sa makina ng Smartmatic na ginagamit sa halalan.
Bukod diyan maraming beses din nakatanggap ng reklamo ang PUNA na may ilang tao na nag-iikot sa mga politiko na nanghihingi ng malaking halaga kapalit ng kanilang panalo sa kanilang posisyon na tinatakbuhan.
Kamakailan, lumantad naman si Ret. General Antonio Parlade, Jr. at sinabing may bayaran na nangyayari diyan sa Comelec.
Kung may mga ganitong impormasyon, iisa lang ang ibig sabihin niyan, kung may usok, may apoy.
Paalala lang po sa mga kandidato, igalang n’yo kung ano ang desisyon ng taumbayan at kung sino ang gusto nilang iboto.
Dahil kung ipagpipilitan n’yo at gagawa kayo ng hindi maganda para lang manalo kayo ay may paglalagyan kayo dahil hindi makapapayag ang mga Pilipino.
Ang mangyayari niyan, taumbayan at si PDU30 vs mandaraya sa eleksyon.
Maging si SolGen. Jose Calida ay hindi rin makapapayag na magkaroon ng dayaan sa eleksyon.
Naghain siya ng petisyon sa Korte Suprema kamakailan na humihiling na limitahan ang pakikialam ng mga tauhan ng Smartmatic sa maseselang datos ng Comelec.
Natatandaan natin kamakailan, may sumingaw na impormasyon na isang empleyado ng Smartmatic ang nagpuslit ng computer at dinownload ang mahahalagang impormasyon ng Comelec.
Payong kapatid at kapwa Pilipino sa mga kandidato na maghinay-hinay kayo sa inyong mga masamang plano dahil may paglalagyan kayo.
Manalo man kayo sa pandaraya ay hindi rin kayo papayagang makaupo ng mga Pilipino.
At siyempre malalagay pa sa alanganin ang inyong mga pamilya.
Kung gusto n’yong magpakamatay, ‘wag n’yo idamay ang sambayanang Pilipino, makunsensiya kayo.
Kung talagang tunay ang inyong hangarin sa paglilingkod sa mga Pilipino, bakit kailangan n’yong mandaya para lang manalo kayo? Bakit hindi kayo lumaban nang patas?
Ilatag n’yo ang inyong plataporma nang sa gayun ay katanggap-tanggap ang inyong pagkapanalo sa posisyon.
Hindi n’yo kailangang maging plastik para lang manalo kayo.
Lahat ng sekreto ay nabubulgar, maging mabuti man ‘yan o masama.
Magbago na kayo, 2022 na!
oOo
Para sa reaksyon at reklamo, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
