BINATI ng kanyang mga kasamahan si Senador Joel Villanueva nang dumating ito sa Senado kahapon bago magsimula ang special session na nagtakda ng bagong liderato ng mataas na kapulungan. (DANNY BACOLOD) NAILUKLOK si Senador Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President sa isinagawang special session nitong Miyerkoles. Si Gatchalian ang magsisilbing ikalimang Senate President sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nahalal siya matapos makumpleto ang 13 senador na dumalo sa special session sa pagdating ni Senador Joel Villanueva. Kasunod nito, inihalal naman ng Senado si Senador Vicente “Tito”…
Read MoreAuthor: admin 3
15 BOTO SA IMPEACHMENT CONVICTION SUPORTADO NG SOLON
SUPORTADO ni Deputy Speaker Paolo Ortega ang panukalang ibaba mula 16 tungo sa 15 ang kinakailangang bilang ng boto upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial nito kung 22 senador na lamang ang aktuwal na makalalahok sa paglilitis. Ayon kay Ortega, dapat suriin ng Senado kung ang constitutional requirement na “two-thirds of all its members” ay maaaring ibatay lamang sa bilang ng mga senador na aktwal na nakagaganap ng kanilang tungkulin. “Baka kailangan po nilang tingnan nang mabuti kung ang kakailanganing boto ay 15 na lamang at…
Read MoreBinara ng abogado ‘BACKDOOR POWER GRAB’ SA IMPEACHMENT KAY VPSD
BINATIKOS ni Atty. Ariel Inton at ng ilang tagasuporta ni Vice President Sara Duterte, ang panawagan ng human rights lawyer at Artikulo Onse co-convenor na si Atty. JV Bautista na unahin munang ma-impeach ang Bise Presidente bago isulong ang anomang hakbang para papanagutin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Bautista, kung mauunang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Marcos, si Duterte ang awtomatikong hahalili bilang Pangulo alinsunod sa Konstitusyon kaya’t mahalagang isaalang-alang ang magiging epekto nito sa liderato ng bansa. Dahil dito, iginiit ni Inton na tila pulitikal lamang umano…
Read MoreMGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO, NANGANGAILANGAN NG TULONG!
RAPIDO ni PATRICK TULFO HABANG abala ang ating mga politiko sa pamumulitika at pagbabantay sa kani-kanilang personal na interes dito sa Kamaynilaan, sumisigaw naman sa paghingi ng tulong ang mga residenteng biktima ng lindol noong nakaraang linggo. Sa huling bilang ng NDRRMC, umabot na sa halos 70 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing lindol, habang daan-daan ang apektado pa rin ang kabuhayan. Nakarating naman agad ang tulong ng DSWD sa Mindanao at personal na pinuntahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga biktima pero sana ay madagdagan pa ang…
Read MoreMGA WALANG KONSENSYA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA bawat trahedyang gumigising sa damdamin ng sambayanan, may mga taong mas mabilis pang magbigay ng komento kaysa maglaan ng panalangin. Muling ipinakita ng social media ang madilim nitong mukha sa pagpanaw ng dalawang estudyanteng atleta ng Ateneo de Manila University. Habang nagluluksa ang mga pamilya, kaibigan at kapwa estudyante nina Rene Baterbonia at Divine Adili, may mga indibidwal namang nagmamadaling gumawa ng content, magbigay ng opinyon at maglatag ng sari-sariling teorya na para bang sila mismo ang saksi sa nangyari. Ang mas nakalulungkot, may ilan…
Read MoreULAN, BIYAYANG DAPAT PANGALAGAAN AT PAKINABANGAN – 4K PARTY-LIST REP. IRIS MONTES
TARGET ni KA REX CAYANONG SA tuwing dumarating ang tag-ulan, karaniwan nang nababalot ng pangamba ang maraming Pilipino. Baha sa mga lansangan, pagkasira ng mga tahanan, at abala sa pang-araw-araw na buhay ang madalas na naiuugnay sa malalakas na pag-ulan. Ngunit sa likod ng mga hamong ito ay isang mahalagang katotohanan: ang ulan ay isa sa pinakamalaking likas na yaman ng ating bansa na matagal nang hindi lubos na napakikinabangan. Kaya naman nararapat lamang na bigyang-pansin ang House Bill No. 6034 na inihain ni Assistant Minority Leader at 4K Party-list…
Read More5 GRADE 5 PUPILS, SINAKSAK NG KAPWA ESTUDYANTE SA CAVITE
SUGATAN ang limang Grade 5 pupils matapos silang pagsasaksakin ng isang Grade 8 student sa loob mismo ng kanilang silid-aralan sa isang pribadong paaralan sa General Trias City, Cavite nitong Martes ng umaga. Patuloy na ginagamot sa ospital ang mga biktima na pawang mag-aaral ng Bethel Academy, habang ang suspek ay isang babaeng Grade 8 student mula rin sa naturang paaralan. Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng Bethel Academy School sa Brgy. Sta. Clara corner Navarro, General Trias City. Ayon sa isang saksi,…
Read MorePagpapatrolya pinaigting ng tourist police SWIMMING CURFEW IPINATUPAD SA BEACH RESORTS SA AURORA
KASUNOD ng nangyaring trahedya na nagdulot ng pagkasawi ng dalawang Ateneo athletes, naghigpit ang mga awtoridad sa Aurora Province para tiyakin ang kaligtasan ng mga turistang nagtutungo sa mga beach resort sa lalawigan. Mahigpit nang ipinatutupad ang swimming curfew mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng madaling araw sa mga dalampasigan sa lalawigan. Sa ilalim ng patakaran, ipinagbabawal ang anomang paglangoy o paliligo at iba pang water activities sa itinakdang oras. Maaari namang mamasyal sa tabing-dagat basta’t hindi lalapit sa tubig. Pinaiigting din ng Aurora Tourist Police Unit ang foot…
Read MoreDEBRIS NA MAY FOREIGN MARKINGS, NATAGPUAN SA BAYBAYIN NG BATANGAS
ISANG malaking piraso ng metal na may foreign marking, ang natagpuan sa baybayin ng Sitio Talim, Barangay Luyahan sa Lian, Batangas, dahilan upang magsagawa ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard. Ayon sa PCG, isang concerned citizen ang nag-ulat tungkol sa kahina-hinalang debris na nakita malapit sa dalampasigan noong Lunes, Hunyo 15. Nang beripikahin, natuklasang ang bagay ay humigit-kumulang 20 feet ang haba at 10.5 feet ang lapad at yari umano sa aluminum. Kapansin-pansin din ang mga banyagang letra na nakasulat dito. Batay sa paunang pagsusuri gamit ang translation tools, posibleng…
Read More