PINALAWAK NA SCHOOL FEEDING PROGRAM, SISIMULAN NGAYONG TAON

TINIYAK ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian na sisimulan ngayong taon ang pinalawak na feeding program sa mga pampublikong paaralan at Child Development Centers (CDCs) upang labanan ang malnutrisyon sa mga mag-aaral. Sa ilalim ng 2026 national budget, naglaan ng P25.7 bilyon para sa School-Based Feeding Program (SBFP). Saklaw na ng programa ngayong taon ang lahat ng mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1 sa mga pampublikong paaralan. Pinalawig din ang feeding days mula 120 patungong 200 araw. Inaasahang aabot sa 4.6 milyong mag-aaral ang makikinabang sa programa, kabilang ang…

Read More

Gutom, kahirapan resolbahin muna TULFO SA MGA KASAMAHAN SA SENADO: TAMA NA PULITIKA

“WALANG pinipiling kulay ang gutom, mahal na pagpapagamot at kahirapan, ano man ang panig na sinusuportahan ninyo.” Ito ang mariing pahayag ni Senador Erwin Tulfo habang nananawagan sa kanyang mga kasamahan sa Senado na muling magkaisa sa gitna ng umiinit na hidwaang pampulitika. Sa panayam sa radyo, iginiit ni Tulfo na dapat lampasan ng mga lider ang usapin ng kulay at partido upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang gutom, mataas na presyo ng mga bilihin at kakulangan sa serbisyong pangkalusugan. “Paano natin reresolbahin ang mataas na…

Read More

GIBO NAGPALIWANAG SA CHINA SANCTION

“AKO ay naglahad lamang ng katotohanan tungkol sa West Philippine Sea at sa mga ilegal na gawain nila dito sa Pilipinas.” Ito ang pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos siyang patawan ng sanctions ng China. Ayon kay Teodoro, kabilang sa mga isyung kanyang inilantad ang umano’y operasyon ng scam hubs na nakatago sa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ang kaso ni Alice Guo at ang pagsasara ng Sanjia Steel Factory na umano’y gumagawa ng substandard na bakal. “Tandaan natin itong Sanjia ay pag-aari ni Tony Yang,…

Read More

CAYETANO IPAGLALABAN ‘BUONG KATOTOHANAN’ PARA SA CORRUPT-FREE NA PILIPINAS

KASABAY ng paggunita sa Araw ng Kalayaan, nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na patuloy niyang ipaglalaban ang “buong katotohanan” sa likod ng umano’y pag-agaw sa liderato ng Senado at ng isyu ng flood control scandal, kahit pa may kapalit ito sa kanyang panig. “Ang ating kalayaan ay may cost,” ani Cayetano sa isang Facebook livestream noong Hunyo 12. “Kapag lumaban ka ngayon, may cost. Aapihin ka. Dudurugin ka sa media at social media. Kakasuhan ka. Baka ikulong ka pa,” dagdag niya. Matatandaang ilang ulit nang iginiit ni Cayetano…

Read More

4 TAIWANESE INARESTO NG COAST GUARD AT BI

APAT na Taiwanese nationals ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG)-Coast Guard Station (CGS) Manila, at Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division – Special Response Team sa ipinatupad na law enforcement operation sa isang yate sa katubigan malapit sa Pasay Reclamation Development Project nitong nakalipas na linggo. Nag-ugat ang law enforcement operation kasunod ng naganap na pagsadsad ng yate noong Hunyo 3, 2026. Sa mga sumunod na maritime patrol at monitoring activities, napansin ng mga tauhan ng PCG ang ilegal na pagtatapon ng basura mula sa…

Read More

DA IREREKOMENDA EXTENSION NG P50/KILO RICE PRICE CAP

IREREKOMENDA ng Department of Agriculture ang pagpapalawig ng P50 kada kilo maximum suggested retail price (MSRP) sa bigas na nakatakdang mag-expire sa Hunyo 30. Sa press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralan ng DA ang posibilidad na palawigin ang price cap upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas para sa mga mamimili. “Ang sabi po mismo ng DA ay magrerekomenda pa rin po sila ng extension of the price cap, at ito naman po ay titingnan kung sasang-ayunan ng National Price…

Read More

MAY NAPIPISIL NANG PRESIDING OFFICER SA IMPEACHMENT TRIAL

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SENTRO na ngayon ng talakayan hindi lang sa social media, ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Syempre kasama na riyan kung sino ang dapat mamuno sa proseso. Dahil nakatutok ang publiko at tiyak na bawat hakbang ng Senado ay susuriin, kailangan ng isang presiding officer na may sapat na kaalaman, karanasan, at kakayahang panatilihing maayos ang takbo ng paglilitis. Giit ng iba, dapat ay abogado ang manguna dahil hindi biro ang trabaho sa impeachment. May ilang pangalan na ang pinalulutang pero mukhang…

Read More

KATOTOHANAN VS INSULTO: ANO ANG PINIPILI NG BAYAN?

 PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HABANG patuloy na umiinit ang pulitika sa bansa, tila nagiging bahagi na ng araw-araw na aliwan ng publiko ang mga pagdinig sa Senado, mga debate sa telebisyon, at walang katapusang bangayan sa social media. Para sa marami, mistulang teleserye ang mga ito—may kontrabida, may bida, may sigawan, may iyakan, at kung minsan ay may mga eksenang mas kapana-panabik pa kaysa mga palabas sa telebisyon. Ngunit sa likod ng lahat ng ingay na ito ay isang mahalagang tanong: Ano ba talaga ang layunin ng pampublikong…

Read More

LINISIN ANG TITULO NG MGA PAARALAN, PABILISIN ANG EDUKASYON – CONG. BRIAN YAMSUAN

TARGET ni KA REX CAYANONG MAHALAGA ang edukasyon sa paghubog ng kinabukasan ng bansa. Kaya naman dapat tiyakin na may sapat at maayos na mga paaralan para sa mga mag-aaral. Ngunit sa maraming lugar, may mga pampublikong paaralan na nakatayo sa mga lupang wala pang malinaw na titulo. Dahil dito, nahihirapan ang DepEd na magsagawa ng mga proyekto para sa pagpapalawak at pagpapaganda ng mga pasilidad. Ito ang nais tugunan ng panukalang inihain ni Parañaque City Rep. Brian Yamsuan. Layunin nitong mailipat sa pangalan ng DepEd ang mga lupang matagal…

Read More