AABOT sa 1,108 driver’s license ang binawi o sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) mula Oktubre 2025 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko at naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko. Ayon sa LTO, sa kabuuang bilang ay 618 lisensya ang binawi habang 490 naman ang sinuspinde simula nang maupo si LTO Chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II at sa kasalukuyang administrasyon ni Assistant Secretary Greg G. Pua-Lacanilao. Batay sa datos ng Intelligence and Investigation Division ng ahensya, 102 motorista ang pinatawan ng…
Read MoreAuthor: admin 3
AFP INIULAT KAY PBBM CAMPAIGN PLAN AT OPERATIONAL ACCOMPLISHMENTS
INIULAT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang campaign plan at operational accomplishments ng militar sa ginanap na 1st Semester CY 2026 AFP Command Conference sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Sa command conference, iniharap ng AFP sa Pangulo ang pagsusuri sa naging progreso ng kanilang mga operasyon, programa at plano para sa seguridad ng bansa. Nagbigay rin ng briefing ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas kay Pangulong Marcos, na siya ring Commander-in-Chief, hinggil sa mga pangunahing tagumpay ng militar sa unang kalahati ng taon…
Read MoreMALACAÑANG WALANG ISINAMPANG REKLAMO SA MGA ‘BASTOS’ NA FILIPINO PROTESTERS SA CANADA
WALANG isinampang reklamo ang pamahalaan laban sa mga Filipino protester na umano’y nang-harass kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa panahon ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canada. Sinabi ni Castro na iginagalang ng pamahalaan ang karapatan ng mga protester sa malayang pagpapahayag kaya’t hindi na ito nagsampa ng kaso. “Wala kaming finile na complaint,” ani Castro sa isang panayam. Inamin niyang nagulat siya sa asal ng ilang protesters ngunit pinili na lamang niyang ipagwalang-bahala ang insidente. Ayon kay Castro,…
Read MorePRIDE PARADE AT BB. BAHAGHARI, IDINAOS SA LAS PIÑAS
BAGAMA’T lumipas na ang Pride Month noong Hunyo, ipinagdiwang pa rin ng Villar Foundation ang diwa ng pagmamahal, paggalang, pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa pamamagitan ng PRIDE Parade at taunang Bb. Bahaghari Awards sa Las Piñas. Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 20 barangay ng Las Piñas ang programa na ginanap noong Hulyo 4 sa Villar Foundation Complex. Pinangunahan nina Villar Foundation Managing Director at dating Senadora Cynthia Villar at Senador Mark Villar ang paggawad ng parangal sa mga natatanging miyembro ng LGBTQIA+ community ng Las Piñas bilang pagkilala sa kanilang…
Read MoreKahit hindi magla-landfall PREEMPTIVE EVAC KASADO NA SA SUPER TYPHOON ‘BAVI’
INAASAHANG papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon “Bavi” nitong Martes ng gabi o Miyerkoles ng madaling araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa 11:00 a.m. advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,845 kilometro silangan ng Central Luzon, sa labas ng PAR. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 230 kilometers per hour habang kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour. Kapag nakapasok na sa…
Read MorePatutsada ng prosec sa kampo ni VP Sara 32M BOTO ‘DI LISENSYA PARA LUMABAG SA BATAS
BINIGYANG-DIIN ni House impeachment adviser at prosecution panel spokesperson Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang pagkakahalal sa puwesto sa pamamagitan ng 32 milyong boto ay hindi nagbibigay ng lisensya sa sinomang opisyal ng pamahalaan upang labagin ang batas. Ginawa ni Barbers ang pahayag sa press conference matapos ang unang araw ng impeachment trial sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte. Direkta itong tugon sa opening statement ng defense panel na pinangunahan ni lead counsel Atty. Sheila Sison, na iginiit na ang pagtatangkang patalsikin ang Bise Presidente…
Read More16 BOTO PARA SA CONVICTION NG BISE PRESIDENTE HINIMAY
MULING ipinaliwanag ni Atty. Ariel Inton ang isa sa mga naging mahahalagang ruling sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng bilang ng boto na kailangan upang mahatulan ang isang respondent. Ayon kay Inton, isa sa pinakamahalagang naging pasya ni Senate President at Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ay ang ruling na kinakailangan ang 16 boto upang ma-convict ang bise presidente. Aniya, walang tumutol na senator-judge sa naturang ruling at wala ring naghain ng mosyon upang pagbotohan ito sa impeachment court. Maliban na lamang aniya kung kuwestiyunin ito…
Read MoreVIDEO NG PAGBABANTA NI VP SARA IPRINISINTA SA IMPEACHMENT COURT
HUMARAP kahapon sa impeachment court si NBI Senior Agent Sta. Ana Calilong, unang testigo ng prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa alegasyong pagbabanta ng Bise Presidente sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. (SPPA Pool/DANNY BACOLOD) SINIMULAN ng impeachment court ang pagdinig sa Article IV ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na may kaugnayan sa umano’y pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. Unang iniharap ng House prosecution panel bilang testigo…
Read MoreINDAY SARA BINISITA SI MARCOLETA
DUMALAW si Vice President Sara Duterte kay Senador Rodante Marcoleta sa Philippine National Police General Hospital nitong Martes ng umaga. Kinumpirma ito ng PNP Health Service sa panayam ng mga mamamahayag. Tahimik na dumating ang bise presidente sa Camp Crame at hindi ito namalayan ng mga reporter na nakatalaga sa lugar. Bagama’t kapansin-pansin ang paghihigpit ng seguridad sa Camp Crame, nakapasok si Duterte upang dalawin ang senador bago rin umalis matapos ang pagbisita. Inaasahang mananatili si Marcoleta sa PNP General Hospital hanggang Miyerkules habang tinatapos ang kanyang mga medical procedures…
Read More