HINDI dapat maantala kundi mas mapabilis pa ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sakaling magkaroon ng pagbabago sa iskedyul nito, ayon kay House lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro. “Let us remember that the mandate of the Constitution that is to be forthwith is not only with respect to the convening of the impeachment court. It says, ‘trial forthwith’,” pahayag ni Rep. Luistro sa isang press conference. “In other words, by trial, we mean presentation of evidence, presentation of witnesses. If ever there will be…
Read MoreAuthor: admin 3
55K PULIS, FORCE MULTIPLIERS IPAKAKALAT SA SCHOOL OPENING
HANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbabalik-eskwela sa ikalawang linggo ng Hunyo. Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., magpapakalat ang pambansang pulisya ng mahigit 55,000 pulis at force multipliers sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa kanilang pagbabalik sa paaralan. Ipinag-utos na rin ni Nartatez sa lahat ng PNP Regional Directors na paigtingin ang presensya ng mga pulis sa mga istratehikong lugar para sa ligtas at maayos na balik-eskwela. Sinabi rin ng opisyal na may kabuuang 55,507 personnel ang ide-deploy…
Read MoreP35.4-M SMUGGLED AGRICULTURAL PRODUCTS NASAMSAM SA SINALAKAY NA BODEGA
PINANGUNAHAN nina Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno at National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin A. Matibag, ang inspeksyon sa P35.4 milyong halaga ng imported agricultural products na nasamsam sa sinalakay na cold storage facility sa Nueva Ecija. Ang inilunsad na anti-smuggling operation ay nag-ugat sa ipinagkaloob na intelligence information ng NBI kaugnay sa umano’y agricultural smuggling at posibleng paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Dahil sa nasabing intell report ay agad na kumilos ang Bureau of Customs–Intelligence Group (BOC-IG) at…
Read MoreER NG OSPITAL NG MAYNILA BUKAS NA
MULI nang binuksan ang emergency room ng Ospital ng Maynila Medical Center matapos ang isang linggong pagsasaayos o renobasyon nito ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at ilang matataas na mga opisyal ng ospital at Manila LGU, ang pagbubukas at pagbabasbas sa naturang ospital. Sa kanyang talumpati, nakisuyo ang alkalde sa hospital staff at personnel na ngumiti sa mga pasyente dahil malaking bagay ito para gumaan ang kanilang pakiramdam. Matatandaang pansamantalang isinara ang ER ng ospital noong May 24 para isailalim…
Read MorePBGEN. LAGRADANTE PINALITAN NI PBGEN. BUSLIG SA EPD
ITINALAGA si Police BGen. Melecio Buslig Jr., bilang bagong OIC ng Eastern Police District, kapalit ni PBGen. Aden Lagradante. Epektibo nitong araw ng Lunes, Hunyo 1, ang panibagong balasahan sa hanay ng pulisya. Habang si PBGen. Lagradante ay itinalagang Officer-In-Charge ng Civil Security Group. Samantala, pumalit naman kay Buslig bilang bagong Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO, si Police BGen. Rodel Pastor. Ginawa naman si Police Col. Martin Gamba bilang Officer-In-Charge ng Office of the Chief of Regional Staff ng NCRPO. (TOTO NABAJA) 275
Read MorePBBM NAGDEKLARA NG SPECIAL HOLIDAYS SA 13 LUGAR
NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng special non-working days sa 13 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang founding anniversaries at lokal na okasyon ngayong Hunyo. Sa ilalim ng Proclamation No. 1268, idineklara ni Pangulong Marcos ang Hunyo 1, araw ng Lunes, bilang special non-working day sa bayan ng Palapag, Northern Samar para sa pagdiriwang ng Sumuroy Day. “It is but fitting and proper that the people of the Municipality of Palapag be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy…
Read MoreJINGGOY INISYUHAN NG WARRANT, SUMUKO SA CIDG
TULUYAN nang inaresto si Senador Jinggoy Estrada ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) base sa warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan Fifth Division kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa umano’y maanomalyang flood control projects. Pasado alas-3 ng hapon nitong Lunes nang dumating sa Senado ang court server ng Sandiganbayan kasama ang ilang tauhan ng CIDG upang personal na isilbi ang warrant of arrest laban sa senador. Hindi naman pumalag si Estrada at kusang tinanggap ang warrant bago nagsagawa ng press conference. Ang warrant of…
Read MoreMALE-MALETANG DOKUMENTO ISINUMITE NG VP SARA CAMP
NAGHAIN na ng reply si Vice President Sara Duterte sa articles of impeachment na iniharap laban sa kanya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Male-maletang dokumento ang inihain ng legal team ni Duterte sa Senate Secretary na tumatayong clerk of court ng Impeachment Court. Ayon kay Atty. Michael Poa, pangunahin nilang prayer sa inihaing reply ay ang dismissal ng reklamo dahil sa ilang constitutional infirmities sa nangyaring pagdinig sa House Committee on Justice. Tinukoy ni Poa na ang ilang mga ebidensyang iprinisinta sa pagdinig sa Kamara ay nailatag lamang matapos silang…
Read MoreArenaPlus powers Kenneth Llover’s preparation for IBF title eliminator bout vs Angeletti
Kenneth Llover is all set for his IBF title eliminator clash against Michael Angeletti in Japan Kenneth Llover believes months of hard work have him ready for the biggest fight of his young career. With the help of ArenaPlus, the number one PAGCOR-licensed sportsbook in the Philippines, Llover has intensified his preparations ahead of his International Boxing Federation bantamweight title eliminator against Michael Angeletti on June 6 at the Aichi Sky Expo in Japan. For Llover, ArenaPlus’ support has played a major role in helping him focus fully on training…
Read More