CRUISE TOURISM PINASISIGLA NG PPA

PINALALAKAS ng Philippine Ports Authority (PPA) ang cruise tourism sa bansa sa pamamagitan ng pinaigting na serbisyong pantalan. Nitong nakaraang linggo, masiglang sinalubong ng PMO NCR–South ang pagdaong ng dalawang luxury cruise ship sa Pier 15, Manila South Harbor. Dumaong ang Crystal Symphony para sa dalawang araw na pagbisita bilang bahagi ng 58-araw nitong biyahe mula Mombasa patungong Tokyo, lulan ang 543 pasahero at 483 tripulante. Isinagawa ang turn-around call kung saan 317 pasahero ang nag-disembark at 278 ang nag-embark, habang 342 pamilya ng mga Pilipinong tripulante ang nakilahok sa…

Read More

DBM: WALANG DELAY SA INFRA FUNDS

PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang alegasyon ng pagkaantala sa pagpapalabas ng pondo para sa infrastructure projects. Ayon sa DBM, lahat ng budget releases ay mahigpit na sumusunod sa 2026 General Appropriations Act at hindi maaaring ilabas nang basta-basta. “DBM does not arbitrarily delay the release of funds,” diin ng ahensya. Ipinaliwanag na ang ilang proyekto ay sumailalim sa Congress Introduced Changes and Adjustments (CICA), kaya kailangan pa ng karagdagang validation at clearance mula sa Office of the President bago maaprubahan ang pondo. Ang mga proyektong ito…

Read More

Planong manunog, pumatay 8 KABATAAN NA-RESCUE SA ONLINE RADICALIZATION

NAILIGTAS ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang walong menor de edad na umano’y naimpluwensyahan online na gumawa ng mararahas na plano. Ayon kay ACG Director Wilson Asueta, pito sa mga bata ay mula Laguna at isa sa Marikina. Lumitaw sa imbestigasyon na may indikasyon ng planong pagsunog ng paaralan at posibleng pagkitil ng buhay pero naagapan bago pa sila makakuha ng armas. Na-rescue ang mga kabataan sa tulong ng mga magulang, guro, barangay at social workers, at agad isinailalim sa intervention. Nagsimula umano sa online gaming ang kanilang…

Read More

Ebidensya muna DND CHIEF HINAMON ‘KUDETA’ CLAIMS NG RETIRED OFFICERS

HINAMON ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga retiradong opisyal ng militar na maglabas ng ebidensya kaugnay sa umano’y “third force” na nagbabalak ng kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay Teodoro, walang nakakalap na impormasyon ang Department of National Defense (DND) hinggil sa nasabing banta. “Kung may ebidensya, maghain ng affidavit para maimbestigahan,” diin ng kalihim. Ang alegasyon ay iniugnay sa pahayag ni retired general Romeo Poquiz, convener ng United People’s Initiative, na nagbanggit ng umano’y “Kudeta Me” plot at civil-military junta. Pero agad…

Read More

VP SARA KUMUDA SA IMPEACHMENT PROCESS ‘Kulang sa facts, may due process issue!’

TINULIGSA ni Vice President Sara Duterte ang proseso ng impeachment laban sa kanya, kasabay ng pagsusumite ng kanyang 15-pahinang sagot sa Kamara. Pinabulaanan ni Duterte ang mga alegasyon at iginiit na kulang umano sa “ultimate facts” ang reklamo, bukod pa sa kwestyon sa due process. Pero ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, iwas-sagot ang ginawa ng Bise Presidente at mas pinili nitong kuwestiyunin ang proseso kaysa harapin ang mga isyu. Kabilang sa mga alegasyon ang paggamit ng confidential funds, pagbabanta sa opisyal, at isyu sa SALN. Nanindigan si…

Read More

BIOFUEL BLENDING SUSPENSION LUSOT SA KAMARA

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8469 o Oil Price Stabilization Act na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang ihinto ang biofuel blending. Sa botong 209-5, pinayagan ang suspensyon kung lalampas ng 5% ang presyo ng blended fuel kumpara sa pure fuel. Ayon kay Palawan Rep. Jose Alvarez, hindi ito pagtalikod sa renewable energy kundi agarang ayuda sa drivers, magsasaka at mangingisda. Sinertipikahang urgent ng Pangulo ang panukala pati ang counterpart nitong Senate Bill 1965. Sa ilalim ng Republic Act 9367,…

Read More

Ang gamot sa pangangaillangan ng Brgy. Payatas, QC DOCTOR, RASCAL D. CHAIRMAN

HINDI matatawaran sa kasipagan si Chairman Rascal D. Doctor, ng Barangay Payatas, dahil ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maipaabot sa kanilang mga residente ang pangangailangan. Kabilang sa mga pinagtutuunan ng pansin ni Chairman Doctor, ang mga kabataan, at maging ang senior citizens sa kanllang barangay na pawang may mga karamdaman. Para tiyakin na maiiwas sa masasamang bisyo ang mga kabataan, ay nagkaroon ng ARKU. TAI. Workshop na may kaugnayan sa Kung Fu ang Brgy. Payatas sa pamumuno ni Chairman Doctor sa tulong ni master Marlon Arintoc. Nagkaroon…

Read More

MERALCO MAS PINABUTI PA ANG SERBISYO NG KURYENTE SA CALOOCAN AT BULACAN

Bilang bahagi ng pagsisikap ng nito na mas mapabuti ang paghahatid ng kuryente, nagsagawa ng upgrade ang Manila Electric Company (Meralco) sa Camarin Substation na nagse-serbisyo sa mga customer sa lungsod ng Caloocan at San Jose del Monte, Bulacan. Nag-install ang kumpanya ng bagong 83-megavolt amperes (MVA) power transformer bank, 34.5 kilovolt (kV) Gas Insulated Switchgear (GIS), apat na 115 kV power circuit breakers at walong 115 kV Disconnect Switches. Makatutulong ang pag-upgrade na ito para matugunan ang lumalaking demand sa kuryente ng mga customer sa North Caloocan at ilang…

Read More

The Water Stewardship Journey Continues for SM Supermalls

MANILA, Philippines, 13th March 2026 – For three decades, SM Prime Holdings Inc. (SM Prime) has steadfastly advanced responsible water stewardship for a more resilient water future through SM Supermalls, its operating arm. SM Prime invested in its first Sewage Treatment Plant (STP) in the late 90’s with SM Southmall. STPs are essential for protecting public health and the environment, along with supporting community development. Since then, STPs have become a standard fixture in all 89 malls, reducing water waste and pollution, and safeguarding water resources. SM Supermalls embeds water…

Read More