Ang Pikon, Este… Nag-walkout ay Talo?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MUKHANG hindi lang sa mga basketbolan o sa mga tapatan sa barangay nauubos ang pikon at pisi. Kahapon, nasaksihan ng buong bansa ang isang eksenang akala mo’y hinugot sa isang madramang teleserye sa hapon, ngunit naganap mismo sa bulwagan ng Senado. Ang tinutukoy natin ay ang biglaang pag-walkout ng mga miyembro ng minorya sa gitna ng isang mainit na deliberasyon. Sa unang tingin, mukhang isang makapangyarihang pahayag ang pagtayo at pag-alis sa gitna ng sesyon. Isang simbolikong kilos ng pagprotesta laban sa itinuturing na ayaw…

Read More

PAREHONG LEGAL AGE NA PERO, KATANGGAP-TANGGAP BA?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN TUWING may lumalabas online na relasyong malaki ang agwat ng edad, siguradong hindi mawawala ang mainit na diskusyon ng mga tao. Kahit ilang beses na itong napag-uusapan, palagi pa rin itong bumabalik sa sentro ng usapan sa internet. Ngayon naman, usap-usapan online ang isang babaeng nasa kalagitnaan ng trenta-anyos na nakikipagrelasyon sa isang bagong 18-anyos pa lamang. At gaya ng inaasahan, hati na naman ang opinyon ng mga tao. May nagsasabing wala namang problema dahil legal age na ang 18. May iba namang halatang…

Read More

DOUBLE STANDARD?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI ang nagtataka sa nangyari sa Senado kamakalawa nang biglang mag-walkout ang Minority bloc dahil sa usapin ng online at electronic voting na parang ngayon lang nila narinig ang konsepto ng remote participation sa lehislatura. Dito naalala ng mga nakapanood ng panibagong ganap sa Senado na minsan ay mismong ilan sa kanila ang unang nagsulong nito. Noong Hulyo 31, 2019, inihain ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kasama ni dating Senate President Franklin Drilon ang Proposed Senate Resolution No. 51. Layunin nitong payagan si dating Senadora Leila…

Read More

OWNER, CONTRACTOR NG GUMUHONG GUSALI PANANAGUTIN

PAPANAGUTIN ng mga otoridad ang may-ari at contractor ng gumuhong condominium-hotel sa Balibago, Angeles City matapos na hindi pa rin umano makipag-ugnayan ang mga ito sa ikatlong araw ng trahedya. Sa pahayag ng Angeles City Information Office nitong Miyerkoles ng umaga, nanawagan si Angeles City Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II sa mga nasa likod ng proyekto na makipagtulungan sa imbestigasyon. Batay sa Unified Command System na nangangasiwa sa retrieval operation, pagmamay-ari umano ni Ernest Jackson Lim ang gusali habang ang Golden Years Construction and Steelworks naman ang contractor nito. Giit…

Read More

MAYNILA, KINILALANG “2026 HALAL CHAMPION” SA PAGDIRIWANG NG EID’L ADHA

KINILALA ang Lungsod ng Maynila bilang “2026 Halal Champion” kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha. Personal na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang parangal mula sa Department of Trade and Industry-Halal Industry Development and Promotion Program (DTI-HDPP) dahil sa mga programa at inisyatiba ng lungsod para sa Halal-friendly Philippines. Iniabot ni DTI-HDPP Program Manager Director Dimnatang Radia ang plake kay Mayor Isko matapos magkasundo ang iba’t ibang ahensya na palakasin ang suporta sa halal industry at pagtatayo ng Halal Town. Binigyang-diin ni Moreno na ang tunay na paglilingkod ay…

Read More

‘ABUSE OF DISCRETION’ NG SENATE MAJORITY IDUDULOG SA SUPREME COURT

NAGBABALA si Senate Minority Leader Vicente Tito Sotto III na iaakyat sa Korte Suprema ang usapin sa posibleng abuse of discretion ng Senate Majority bloc sa pagtatangkang huwag sundin ang kanilang patakaran sa pagtalakay at pag-apruba sa panukala ni Senator Rodante Marcoleta na amendment sa Senate rules para payagan ang online participation ng mga senador sa session. Sinabi ni Sotto na ikukonsidera nila ang pagdulog sa Korte Suprema kung magpupumilit ang mayorya sa hindi tamang paraan ng pagsusulong na agad maipasa ang panukalang amendment. Una rito, sinabi ni dating Senate…

Read More

DOJ, BUKAS SA PALIWANAG NI SEN. ROBIN PADILLA SA ISYU NG PAGTULONG KAY SEN. BATO

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na bukas ito sa panig ni Senador Robinhood “Robin” Padilla kaugnay sa alegasyong tumulong ito sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Kasabay ito ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Special Panel of Prosecutors kaugnay sa mga pangyayari sa Senado noong Mayo 13 at 14. Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, maaaring kusang magtungo si Padilla sa DOJ upang magbigay ng kanyang paliwanag hinggil sa mga alegasyong kanyang kinahaharap. Binigyang-diin ng kalihim na handang tumanggap ang kagawaran ng anumang pahayag o impormasyon na makatutulong…

Read More

KARAPATAN, KAPAKANAN NG OFWs SA JAPAN POPROTEKTAHAN – PBBM

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng patuloy na suporta at proteksyon para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Japan kasabay ng pagkilala sa malaking ambag ng mga ito sa pagpapatatag ng relasyon ng Pilipinas at Japan. Sa kanyang pakikipagpulong sa Filipino community sa Tokyo, pinuri ng Pangulo ang mga Pinoy sa Japan at tinawag silang “face of the Philippines” at simbolo ng “resilience and quiet strength.” Ayon kay Pangulong Marcos, malaking bahagi ang ginagampanan ng mga OFW sa pagpapalalim ng people-to-people ties at kooperasyon ng dalawang bansa sa…

Read More

HORROR SA HIGHWAY: SAWA, NAKI-JOY RIDE SA MAGBABARKADA

NAUWI sa matinding takot ang biyahe ng isang grupo ng magkakaibigan matapos biglang gumapang umano ang isang malaking sawa sa windshield ng kanilang sasakyan habang bumibiyahe sa highway sa Batangas noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa isa sa mga sakay, bigla nilang nakita ang naturang ahas na gumagapang sa harapan mismo ng sasakyan habang umaandar dahilan para mataranta sila. Pinaniniwalaang nahulog umano ang sawa mula sa mga punong dinaanan nila matapos manggaling sa isang pasyalan. Dahil sa takot, humingi ng tulong ang grupo sa isang gasolinahan matapos pumasok ang…

Read More