NANAWAGAN si House Committee on Energy Chairman Jose Alvarez sa mga mambabatas na huwag agad isisi sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga nagdaang power disturbance at mataas na singil sa kuryente sa bansa. Sa joint hearing ng House Committees on Energy at Legislative Franchises, sinabi ni Alvarez na lumilitaw na may mas malalalim na problema sa energy policies at market mechanisms na nakaaapekto sa supply ng kuryente at singil sa consumers. Sinegundahan ni Alvarez ang pahayag ni APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc na hanggang ngayon ay…
Read MoreAuthor: admin 3
ROAD SAFETY AWARENESS MONTH: PAGHAHANDA SA EMERGENCY SA KALSADA
ISINUSULONG ngayong Road Safety Awareness Month ang mas pinaigting na kampanya para sa ligtas na pagbiyahe at kahandaan sa oras ng emerhensiya kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng road traffic accidents sa bansa. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil sa road traffic accidents sa Pilipinas mula 7,938 noong 2011 hanggang 11,096 noong 2021. Ipinakita rin ng datos na ang road traffic injuries ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipinong nasa edad 15 hanggang 19-anyos, na kabilang sa pinakaaktibong…
Read MorePADILLA, IBA PA PINAKAKASUHAN SA ‘PAGTAKAS’ NI SEN. BATO
INIREKOMENDA ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa National Prosecution Service ng Department of Justice ang pagsasampa ng reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robinhood “Robin” Padilla at iba pang sangkot umano sa pagtakas sa Senado ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Ayon kay CIDG Director PMGen Robert Morico II, natapos na ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya kaugnay sa insidente noong Mayo 14, 2026. Sa naging konklusyon ng CIDG, lumitaw umano na planado ang pagsakay ni Dela Rosa sa sasakyan ni Padilla upang makalabas ng Senado…
Read MorePPP sa NAIA pinatitigil ng labor, consumer groups PAGLABAG SA CONCESSION DEAL PINASISILIP SA KONGRESO
NANAWAGAN sa Kongreso ang militanteng labor at consumer groups na imbestigahan at suspendihin ang kontrobersyal na Public-Private Partnership (PPP) deal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil umano sa seryosong paglabag sa concession agreement at posibleng banta sa pambansang seguridad. Sa magkasanib na pahayag ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at National Confederation of Labor (NCL) o mga kasapi ng PUSO ng NAIA, kinondena nila ang umano’y kawalan ng Independent Consultant (IC) na dapat nagbabantay sa implementasyon ng privatization deal na hawak ngayon…
Read MoreLIBRENG AI-SEARCHABLE LEGAL DATABASE ISUSULONG SA KAMARA
ISUSULONG ni Negros Occidental Rep. Javier Miguel Benitez ang panukalang batas na lilikha ng libre, integrated at AI-searchable national database ng mga batas at jurisprudence sa Pilipinas. Ayon kay Benitez, layunin nitong gawing mas accessible sa publiko ang mga batas bilang bahagi ng digital public infrastructure para sa hustisya at pagpapatupad ng batas. Tinawag ng mambabatas na isang “quiet injustice” ang sitwasyon kung saan maraming Pilipino ang saklaw ng mga batas na hindi madaling ma-access o mahanap. “We have ended up with two tiers of law in one Republic. One…
Read MorePANANAGUTAN SA PAGGUHO NG GUSALI, IGIINIIT NG GRUPONG MANGGAGAWA
MARIING kinondena ng grupong Association of Women’s Workers in Construction Industry (AWWCI) ang umano’y kapabayaan sa likod ng pagguho ng itinatayong siyam na palapag na gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga na ikinasawi at ikinasugat ng ilang obrero. Ayon sa AWWCI, inilantad ng insidente ang mapanganib umanong kalagayan sa paggawa sa naturang construction site. Sinabi ni AWWCI national coordinator Jane Vargas na hindi dapat nasasawi ang mga manggagawa dahil sa kapabayaan at pagtitipid ng mga kumpanya sa konstruksyon. Nanawagan ang grupo ng masusing imbestigasyon laban sa Golden Years Construction and…
Read MoreSENADO PAANO SESERYOSOHIN KUNG SI SEN. PADILLA ANG CHAIRMAN NG CONSTITUTIONAL AMENDMENTS AND REVISION OF CODES?
RAPIDO ni PATRICK TULFO NAKUPO! Talagang nababoy na ang Senado, mantakin mong ilagay bilang committee chairman ng Constitutional Amendments and Revision of Codes si Sen. Robin Padilla. Hindi ko ho ibinoto itong si Sen. Padilla dahil alam kong kulang pa ang kanyang kaalaman at eksperyensa kung hahawak ito ng posisyon sa gobyerno. Mapaiisip ka kung bakit si Padilla ang ginawang chairman ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes. Parang wala kasing mapaglagyan sa kanya kaya siya na lang ang inilagay sa posisyon. Trabaho ng nasabing komite na pag-aralan…
Read MoreIREGULARIDAD SA BI ACCREDITATION UNIT IMBESTIGAHAN
BISTADOR ni RUDY SIM KUNG ang flood control ay may ghost projects, sa Bureau of Immigration naman ay mayroong ilang pribadong indibidwal na liaison officers ng law offices at travel agency na hindi matahimik ang kaluluwa dahil sila’y inilagay na sa listahan ng “Perpetua” kung saan ay perpetually disqualified na ang kanilang accreditation o lifetime banned na sa BI sa pag-transact ng anomang may kinalaman sa paglalakad ng visa ng kanilang foreign clients. Noong taong 2023 ay naglabas ang BI ng isang cancellation order BIAU-AE-2023/BIAU No. CA 2022-036 para sa…
Read MoreGOV. OYIE UMALI, IPINAGTANGGOL NG NETIZENS
TARGET ni KA REX CAYANONG MULING naging usap-usapan sa social media si Gov. Oyie Umali matapos kuwestiyunin ng ilan ang kanyang pagiging guest speaker sa pagtatapos ng Central Luzon State University (CLSU). Ngunit sa gitna ng batikos, marami rin ang nagtanggol at nagpahayag ng suporta sa gobernador ng Nueva Ecija. Sa panahon ngayon, tila napakadali nang humusga. Isang post lamang sa internet ay sapat na upang agad masira ang pangalan ng isang tao kahit hindi pa lubos na nauunawaan ang buong kuwento. Mahalagang tandaan na ang preemptive suspension ay hindi…
Read More