INILABAS ng Supreme Court En Banc ang opisyal na kopya ng resolusyon kaugnay sa petisyon nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald dela Rosa laban sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kaugnay ng umano’y pagpapatupad ng warrant mula sa International Criminal Court. Sa G.R. No. 278747 na may petsang Mayo 20, 2026, ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ni Sen. dela Rosa para sa Temporary Restraining Order (TRO) at Status Quo Ante Order (SQAO). Ayon sa SC, nabigo si dela Rosa na patunayan na mayroon siyang malinaw at…
Read MoreAuthor: admin 3
‘INDEPENDENT SENATE’ ISINUSULONG NI SP CAYETANO
Iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng isang “independent Senate” na nakatuon sa mga pangunahing problema ng bansa gaya ng inflation, edukasyon at agrikultura sa gitna ng umiinit na tensyon sa loob ng Senado. Sa kanyang manifestation nitong Mayo 25, nanawagan si Cayetano sa mga senador na ibalik ang pagtuon ng diskusyon sa mga usaping direktang nararamdaman ng mamamayan at huwag hayaang matabunan ito ng mga usapin sa liderato at political alignments sa Senado. Tinalakay rin ng Senate President ang umano’y mga hakbang para mapalitan ang majority…
Read MoreTAGA-ALBAY PUMALDO SA LOTTO; P25-M JACKPOT NASOLO
NASOLO ng isang bettor mula sa Lalawigan ng Albay ang jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office SuperLotto 6/49 matapos nitong makuha ang winning combination sa pinakahuling draw. Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng lone winner ang kombinasyong 33-24-12-13-04-09 na may katumbas na jackpot prize na P25 milyon. Nabili umano ang masuwerteng tiket sa isang outlet sa Legazpi City. Samantala, nasa 15 bettors naman ang makakatanggap ng tig-P86,666.66 matapos makahula ng limang tamang numero. Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.…
Read MoreICC WARRANTS VALID KAHIT WALANG APPROVAL NG LOCAL COURT — PALASYO
NANINDIGAN ang Malakanyang na maaaring agad ipatupad sa Pilipinas ang arrest warrants na inilabas ng International Criminal Court kahit wala nang pag-apruba mula sa lokal na korte. Binigyang-diin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatili itong ginagabayan ng batas at due process. Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na malinaw na ang posisyon ng gobyerno hinggil sa ICC warrants batay sa naging pahayag ng Department of Justice (DOJ). “Nagsalita ang DOJ na ngayon, pinapa-effect ang warrant of arrest mula…
Read MoreMALAKANYANG HINDI KINONTRA REKLAMONG PLUNDER VS RECTO
HINDI kinontra ng Malakanyang ang paghahain ng reklamong plunder ng isang doktor laban kay Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng kontrobersyal na paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa National Treasury. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, may karapatan ang sinoman na magsampa ng kaso. “Ang tanong na lamang diyan ay ito ba ay mananalo o ito ba ay madi-dismiss? So, hintayin na lang po natin,” ani Castro sa press briefing sa Malacañang. Sa reklamong inihain, kinuwestiyon ang paglilipat ng…
Read MoreNBI AT PNP NA BAHALA KAY MAYOR BASTE – MALAKANYANG
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police ang pag-iimbestiga sa mga pahayag ni Davao City Mayor Sebastian Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa administrasyon nito. Matatandaang tinuligsa ni Mayor Duterte ang umano’y pagbabalik ng problema sa ilegal na droga, kriminalidad at korupsyon sa ilalim ng administrasyong Marcos sa kanyang talumpati sa Rage Coalition Rally sa Davao kamakalawa. “Ang NBI po, PNP, kung may nilalabag na batas, kung may kasinungalingang ibinibigkas para magulo ang bayan, sila na po ang dapat na mag-imbestiga…
Read MoreMATAAS NA TAX EXEMPTION CEILING ITINUTULAK NI SEN. MARK VILLAR
NAGHAIN si Senador Mark Villar ng Senate Bill No. 2137 na naglalayong itaas ang taunang income tax exemption ceiling mula ₱250,000 tungo sa ₱360,000 upang mabigyan ng dagdag na ginhawa ang mga manggagawang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pamumuhay. Sa ilalim ng panukala, exempted sa pagbabayad ng income tax ang mga indibidwal na kumikita ng hanggang ₱360,000 kada taon. Layunin nitong mapalaki ang take-home pay ng mga low- at middle-income earners upang mas magamit sa pagkain, pamasahe, kuryente, edukasyon, kalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan.…
Read More67 sultada sasyapol sa 2026 WSC-2 pre-finals
Nasa 67 sultada ang nakatakdang makipagbakbakan ngayong araw para sa 4-cock pre-finals ng ikalawang edisyon ng 2026 World Slasher Cup 2 9-Cock Invitational Derby, na pinangunahan ng Pintakasi of Champions, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum. Sasagupa sa 4-cock pre- finals sina Ed Ligon/Vic Nonoy Go, Elmer David/Arnold Mendoza, Rod Advincula/ATK/TRB, Arnold/Edwin/Jerry Mendoza, Santino GF/Tayam LGP/ERB, Edison Casco, Atty. Teo/Engr. Ruben Quindoza, Mike J. Mayrina/Lenman, Papa Bravo/KV, Tim Fitzgerald/Atty. JP, Jennifer Olay, Popoy Yumul/Noy Salunga, John Gutierrez, Rex Arugay/Rogelio Felix, EP/J&L, VG. Odi Fausto/Board Odi Boy Fausto/V. Aznar Sierra. Iba pang…
Read MoreMARAMI NA PUMUPUNA SA PARAAN NG PAMUMUNO NI CALINISAN SA NAPOLCOM
CLICKBAIT ni JO BARLIZO UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng duda ang marami sa direksyon ng pamumuno ni Atty. Ralph Calinisan sa National Police Commission o Napolcom. Bilang Vice Chair at Executive Officer ng Napolcom, hawak ni Calinisan ang mabigat na responsibilidad na bantayan ang halos 250,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP). Hindi maliit na trabaho iyon. Sa kanya nakasalalay ang pagpapatibay ng disiplina sa hanay ng pulisya at pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko. Kaya noong italaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos noong Abril 2025, mataas ang inaasahan sa kanya—mula sa…
Read More