BULACAN – Ipinahayag ni Malolos City Mayor Christian Natividad na kakanselahin o sususpendihin ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang business permit ng gasoline stations na mapatutunayang nagsamantala sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Epektibo nitong Marso 10 ay naramdaman na ng mga motorista ang matinding epekto ng kaguluhan sa Middle East dahil sa sigalot sa pagitan ng Iran kontra sa pinagsanib na pwersa ng Amerika at Israel, na nagtulak sa pagmahal ng krudo sa pandaigdigang merkado. Una nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na aapela…
Read MoreAuthor: admin 3
P20.7-M DROGA NASABAT SA 2 NEGOSYANTE
LANAO DEL SUR – Arestado ang dalawang negosyante sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga awtoridad makaraang mahulihan ng mahigit P20.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa bayan ng Picong sa lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya nitong Martes. Sa ibinahaging report ni Brig. Gen. Jaysen de Guzman, director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), isinagawa ang drug sting operation noong Lunes ng umaga sa national highway sa Barangay Maladig, bayan ng Picong. Kinilala lamang ang naarestong dalawang high-value target na sina alyas “Ben” mula sa General…
Read MoreSa operasyon ng PDEA P383.08-M DROGA NASAMSAM, 119 SUSPEK ARESTADO
NAKASAMSAM ng mahigit P383.08 milyong halaga ng illegal drugs at nakadakip ng 119 drug personalities ang Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang inilunsad na 85 operasyon laban sa droga. Ayon sa ibinahaging datos ng PDEA, sa loob ng isang linggo mula Pebrero 27 hanggang Marso 6, 2026, matagumpay na nagsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 85 malalaking operasyon laban sa ilegal na droga sa buong bansa. Ang mga operasyon ay nagreresulta sa pagkakaaresto ng 119 drug personalities at pagsamsam ng ipinagbabawal…
Read MoreCAAP AT PPA MAGPAPATUPAD NG MAHIGPIT NA SECURITY SCREENING
NAKATAKDA ring magpatupad ng mas mahigpit na security screening ang Office for Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong summer break partikular sa paggunita ng Holy Week. “We will also implement stricter coordination with airport authorities and law enforcement agencies, as well as continuous monitoring of security operations,” ayon kay OTS Administrator Gilberto Cruz. Ayon kay Cruz, pagaganahin ang OTS Transportation Operations Center nang 24/7 upang matiyak ang agarang pagtugon sa anomang insidente, bagaman aminado siyang hindi pa ganap na…
Read MoreCYBERLIBEL CASE VS RESSA, SANTOS PINABABASURA
INIREKOMENDA ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court of the Philippines ang pagpapawalang-sala kina Maria Ressa at Reynaldo Santos Jr. sa kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanila. Sa Manifestation and Motion na inihain noong Marso 9, sinabi ng OSG na lampas na sa itinakdang prescriptive period ang kaso batay sa naunang desisyon ng Korte Suprema. Sa naturang ruling, itinakda ng SC na isang taon lamang ang prescriptive period para sa cyberlibel cases alinsunod sa mga probisyon ng Revised Penal Code. Dahil dito, iginiit ng OSG na hindi…
Read MorePNP ALERT SA DUTERTE ARREST ANNIV RALLY
NAKAALERTO ang Philippine National Police (PNP) sa mga posibleng kilos-protesta kasabay ng unang anibersaryo ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., mino-monitor ng pulisya ang mga kumakalat na panawagan sa social media para sa malawakang motorcade rally ngayong Miyerkoles, Marso 11. Matatandaang inaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 at dinala sa The Hague upang harapin ang kasong “crimes against humanity” sa International Criminal Court (ICC). Batay sa impormasyon ng pulisya, planong baybayin ng motorcade ang kahabaan ng Epifanio de los…
Read MoreAFP: MILITARY OPERATIONS TULOY SA GITNA NG NAKAAMBANG OIL CRISIS
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines na magpapatuloy ang mga operasyon ng militar sa kabila ng nakaambang oil crisis dulot ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan. Ang naturang tensyon ay kaugnay ng hidwaan sa pagitan ng United States, Israel, at Iran na nagsisimula nang makaapekto sa ilang kalapit na bansa. Ayon kay Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng AFP para sa West Philippine Sea, tuloy-tuloy at walang patid ang operasyon ng militar sa naturang karagatan kahit pa tumataas ang presyo ng langis. Aniya, nananatiling nakatuon ang militar sa pagtupad sa…
Read MoreLACSON, MARCOLETA NAGKAINITAN
NAGING mainit ang palitan ng pahayag nina Senador Panfilo Lacson at Rodante Marcoleta sa plenaryo ng Senado matapos ang privilege speech ng huli kamakalawa. Hindi kaagad nakapagbigay ng tugon si Lacson sa naturang talumpati dahil nag-adjourn na ang sesyon ng Senado, ngunit nitong Martes ay sinagot na niya ang mga isyu kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y maanomalyang flood control projects. Sa kanyang privilege speech, binatikos ni Lacson si Marcoleta at sinabing tila umano ito ay may “ego-driven provocations” at nagiging “obsessed” sa pagtatanggol sa China.…
Read MoreCHARTERED FLIGHTS READY NA PARA SA OFWs SA MIDDLE EAST
NAKAHANDA na ang chartered flights para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nais makauwi ng Pilipinas mula sa Gitnang Silangan sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inayos na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga flight para sa mga Pilipinong nais magpa-repatriate. Sinabi ni Castro na 16 OFWs mula sa Tel Aviv, Israel ang nagbiyahe sa pamamagitan ng lupa patungong Eilat at tumawid sa Taba Border Crossing papasok ng Egypt. Mula roon ay lilipad sila sa rutang Cairo–Muscat–Manila na…
Read More